CHAPTER 8

2.9K 60 0
                                    

It's my first day as an office assistant.

Oras na para huntingin ko si Yohan. Este si Sir Yohan pala. Hehe. Ang gwapo nya siguro tignan habang naka-suit?

Haaay .. Kelan ko kaya sya makikita? Lagi nalang syang busy. :(

Naglibot-libot ako sa hallway habang may bitbit na mga folders.

Nakatingin ako sa ceiling habang naglalakad kase ang ganda ng design. Tsaka trip ko lang tumingala.

BOOOOGSH~
Napaupo ako sa sahig.

"A .. aray .. ang pwet ko. Ouch" napahawak ako sa pwetan ko at pagtingala ko ...

"Yohan?"     ~________o
"Danine?"  O________O

Sabay naming sabi.

"What are you doing here?" Gulat na tanong nya at napatingin sya sa mga folders na nahulog galing sa akin.

"Don't tell me .... you're working here?"
Ang laki parin ng mata nya. OMG I'm scared.

Inalalayan nya akong tumayo. Pero halatang gulong-gulo parin sya.

Nagkatinginan lang kami.

Okaaaay nakita ko na sya. Pero bakit wala parin akong masabi?
Haaaaaaaay Danine ! Mag isip ka !

"Sir ako na po bahala sa kanya"
Kinuha ako sa kanya ng assistant nya at dinala sa sulok.

"Miss, kung bago ka lang dito let me remind you na pag naulit mo pa ito, you are fired. Okay?"
"Y-yes sir" Ang higpit naman nitong assistant nya. Sino sya para mag-tanggal sa akin? Gigil ako.

Kumain ako ng lunch then nakita ko syang palabas ng building. Dun kasi ako kumain sa fast food sa tapat lang ng building namin.

San na naman kaya sya pupunta this time? Kumain na kaya sya?

Oo nga pala ! Yung food na ibibigay ko sa kanya ! Pero pano? Pano ko maibibigay eh laging nakabuntot sa kanya yung Mukang Chopsticks na Assistant nyang yun?

Hmmmmm ...

Ah ! Alam ko na ! MWAHAHAHA ! *Evil laugh*

-AFTER A DAY-

Kainis bat ba ako pinag off agad kahapon eh kakapasok ko lang nung isang araw? Yan tuloy di ko natuloy ang plano ko. Anyway, wala naman magbabago sa plano, Itutuloy ko nalang ngayon.

Nag-disguise ako as fast food delivery man at umakyat sa office ni Yohan. Pero hinarang ako ng receptionist as usual. Well, that's her job.

"Para saan yan?"
"Uhm .. para kay CEO Yohan Guia" binabaan ko boses ko.
"Umorder sya ng ganyan? 1st time yata yan ah. I've been working here for a year pero ngayon ko lang narinig na umorder sya sa Fast food for his lunch"
"Uhm .. Hindi ko alam. Taga deliver lang ako" nako naman ! Palusutin mo na ako bwisit na receptionist !
"Okay, let me check it first"
Nung bubuksan na nya, tumakbo ako.
"Uhm .. sorry ! Wrong address pala ! Babye !" Sabay karipas ko ng takbo. Pano ba naman pag nakita nyang lunch box ang laman ng paper bag yari ako dun ! Kainis !

Kinabukasan,
Tyinempuhan kong wala yung receptionist na Daig pa si Ms.Minchin sa ka-higpitan. Aaaaaaand at last narinig ko na mag c-cr daw sya. Kaya nagmadali ako tumakbo papasok sa office ni Yohan. Kaso ..  di pa ako nakakalayo dumating agad sya.

"Haaaaay, paanong napuno ang cr ngayon? Di naman ito mall. Pano nangyari yon?"
Napalingon sya sakin na naka-hinto at naka-akto pang tatakbo.

"Yes Miss? Di ba sa baba ka? Bat naliligaw ka yata dito sa Office of the CEO? Kung may need ang Acc mo you can just call. Don't tell me balak mong kausapin mismo ang CEO? Walang makakakausap sa kanya hanggat nandito ako" nag smirk sya.

TOTGA || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon