Kabanata I: Maikling Panimula

23 2 0
                                    

Sa dami na aking nalaman mula sa haka-haka, kwento, nabasa at nalaman sa libro o internet. Doon ko napagtanto na ang isang peke ay maaaring maging totoo at ang totoo ay maaaring maging peke.

Magulo ba? Hindi bale kahit ako din nung simula ay naguguluhan din pero magmula nang mamulat ako sa reyalidad ay doon ko lang ito naintindihan. Kung ano iyon malalaman mo rin sa tamang panahon.

Ginawa ko it- este pinagawa pala kasi hindi naman ako sanay magsulat sa papel nila Tatang. Kaya nagpasulat ako sa bestfriend ko na ayaw pumayag pero nung binigyan ko ng suhol ginawa rin agad. Sa sobrang pagmamadali pa nga niya gawin ito ay nagkamali pa siya sa spelling ng titulo ng libro kung kaya't tinapalan ko ito ulit.

So ayon mabalik tayo sa usapan. Basta pinagawa ko ito hindi para takutin ka, balaan o kung ano pa man. Nais ko lang ibahagi ang mga naranasan ko at kung paano nagbago ang buhay ko nang matuklasan ko ang tungkol sa pagkatao ko. At iyon ay ang pagiging Hinirang ko. Para matuklasan ang tungkol doon ay syempre naglakbay ako at doon ako nakasalamuha ng iba't-ibang klaseng ELEMENTO.

Oo mga elemento (hindi ito avatar ah) na kung saan minsan natin itong maririnig sa mga matatanda o madalas pa nga sa mga probinsya. Tungkol sa mga duwende, aswang, kapre atbp. Karaniwan itong sinasabi o kinukwento para takutin tayo kapag hindi tayo sumusunod sa kanila, minsan sa mga camping o school trip, atbp. Sa akin iba ang kaso ko, kung tutuusin sariling sikap ko inaral ang tungkol sa mga ito dahil sa bawat tanong ko sa aking pamilya ay siyang iwas nila dito lalo na ang nanay ko. Sa madaling salita sinisikreto nila ang tungkol dito.

Hindi nila sinasagot ang mga tanong ko kapag may koneksyon ito sa mga elemento. Dahil may malaki pala itong koneksyon sa buhay ko. (Naguluhan ka ba ulit?)

Maaari pala itong maging daan para mahanap ang mga kasagutan na tila palaging bumabagabag sa aking isipan. Noong bata pa ako ay nahilig na kasi ako sa mga kababalaghan at misteryo tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam ba't sa dinami daming pwedeng pagtuunan ng pansin ay iyon pa ang nakahiligan ko. Pero magmula noon ay madami nakong napapansin na iba't-ibang uri ng elemento. Minsan nga'y hindi ko ito pinapansin dahil baka guni-guni ko lang iyon o namalikmata lang tulad ng sinasabi sa akin ng pamilya ko. Pero hindi ko maiwasan na ikwento lagi sa kanila ang mga nakikita ko kaso ang problema ay hindi nila ako pinapaniwalaan.

Ang palagi lang nilang sinasabi "Coco kakalaro mo lang iyan" "Coco gutom lang siguro iyan". Kahit kumain naman ako at hindi naglaro buong maghapon.

Kaya sa pagsisimula ng paglalakbay kong ito (tuwing madaling araw na siyang nakakapuyat). Masaya ako (kahit hindi kasi nakakapagod kaya) dahil kahit papaano ay kasama ko palagi ang dalawang matalik kong kaibigan. Yun ay sina Alex at Rence. Pati na ang dalawa pang babae. Kung sino sila makikilala niyo rin. Dahil sa kakaibang paglalakbay na ito dito na din kami nakilala bilang isang grupo.

Sa dami ng sinabi ko hindi ko pa napapakilala ang sarili ko. Tulad ng nabasa ninyo sa itaas. Coco ang tawag nila sakin pero palayaw ko lang yun, madalas kasi akong mapagkamalan na kamukha ko daw si Coco Mar--- *ehem* okay hindi ko na itutuloy baka hindi na kayo maniwala pa sa mga susunod kong sasabihin eh. Ang totoong pangalan ko talaga ay Rico. Rico Zorca kung buo.

At ako ang magdadala sainyo tungo sa kakaibang karanasan ko bilang isang........




















Hinirang ng Mizoran.

Midnight WanderersWhere stories live. Discover now