Kabanata II: Ang Simula

19 3 0
                                    

"Totoo ba talaga iyang sinasabi mo?." Tanong ni Alex sa akin.

Siya si Alexander Cruz o Alex. Ang mabait at matapang kong kaibigan. Pero minsan mainitin ang ulo. Sporty din siya at kasalukuyang nagta try out sa basketball team ng school. Labinlimang taong gulang at third year highschool na siya ngayon.

"Di nga?." Singit ni Rence. "Baka ginugudtaym mo lang kami niyan."

Siya naman si Laurence Policarpio o Rence. Ang madiskarte at makulit kong kaibigan. Siya ang pinakamaliit sa aming tatlo. Sa tantya ko mga 5'1 pero taliwas naman iyon sa abilidad na meron siya. Labinlimang taong gulang na din siya tulad ni Alex at same year din pero magkaibang section.

Ako naman ay labing anim na taong gulang na at fourth year highschool. Pansin niyo naman na isang taon lang ang tanda ko sa kanila. Kung itatanong niyo kung anung sports ko ang sagot ko lang dyan ay wala. Hindi ko sinasabing hindi ko hilig sadyang mas humatak lang sa akin ng interest yung tungkol sa kakaibang bagay tulad ng kinukwento ko sa kanila na ayaw nilang paniwalaan. Kainis lang.

Pero kahit ganun silang dalawa ang totoo kong kaibigan sa lahat (hindi tulad ng iba dyan na nagiging bestfriend ka lang kapag may kailangan). Pero nakakainis lang talaga sa dalawang ito ay bakit hindi sila naniniwala sa sinasabi ko.

"Totoo nga yung sinasabi ko. Kitang-kita ng dalawang mata ko eh." Sagot ko sa kanila.

Nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria dahil breaktime namin ngayon. Kinuwento ko kasi sa kanila yung nakita kong babae sa isang classroom dito sa school namin.

Isang beses kasi nung uwian namin at dahil sa dami ng pinagawa samin ay ginabi ako. Huli na akong nakalabas dahil inutusan pako ng teacher ko sa filipino na ayusin yung mga gamit sa faculty. Natapos din naman ako agad at yung time na palabas nako ng building ay naalala ko na may naiwan akong gamit sa faculty. Kaya bumalik ako at umakyat muli sa 3rd floor dahil doon ang faculty ng mga Filipino teacher. Pero pagdating ko doon ay naka lock na ang pinto ng faculty at patay na ang ilaw. Medyo mahirap na din maaninag ang paligid dahil iilan na lang ang bukas na ilaw sa bawat corridor. Kaya napag desisyunan ko na lang na bumaba at umuwi.

Nasa 2nd floor nako ng building nang makaramdam ako bigla ng lamig. Hindi lang basta lamig na dulot ng hangin kapag gabi. Masyadong kakaiba iyon pero nung matapos kong maramdaman iyon ay may nagtulak sa akin. At ito ay dumaan sa kabilang hagdan ng building. Pero para makapunta doon ay madami akong madadaanan na classroom. Hindi ko alam kung bakit basta naglakad na lang ako ng kusa. At habang padaan ako sa mga room ay pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin na hindi ko nakikita. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad kaya hindi ko nakikita o sabihin na nating para hindi ko makita ang bawat classroom. Pero sa paglalakad ko ay napahinto ako ng di oras nang maka aninag ako ng puting tela sa isang classroom. Kahit nakatingin ako ng diretso ay nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na may nakatayo sa kanan ko.

Nung hinarap ko ito ay isang babae may kaedaran ang tumambad sa akin. Pero nabigla ako nung sumigaw siya nang napaka tinis at nagdilim na ang paningin ko. Paggising ko ay nasa bahay nako nun at sinabi sa akin ni mama na dinala raw ako ng guard ng school namin pauwi dito. The end.

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na totoo yung mga nakikita ko!." Pilit kong sabi sa kanila. Napakibit balikat lang si Alex.

"Anong malay natin baka gutom ka lang nun."

"O di kaya naman kakalaro mo ng online games sa kompyuter." Dagdag pa ni Rence.

Anak ng tokwang buhay ito oh!.

"Kamag anak ko ba kayo?! Iyan na lang parati naririnig ko kapag nag kukwento ako eh."

"May posibilidad naman kasi Rico. Minsan napapaniwala tayo ng isang bagay na nakikita natin kahit hindi totoo kapag pagod, gutom o kung anu pa man kaya nakaka--." Umandar nanaman ang pagfe feeling matalino ni Rence. Pero bago pa siya matapos ay pinangunahan ko na ito.

Midnight WanderersWhere stories live. Discover now