PROLOGO

16 3 0
                                    

Sa isang mahiwagang mundo na kung tawagin ay Mizoran. Tahimik at payapa ang pamumuhay ng mga iba't-ibang nilalang na naninirahan dito. Matapos masadlak sa napaka tagal na krisis ay muling nanumbalik ang sigla ng lahat.

Sa isang maliit na baryo sa gitna ng kagubatan ng Mizoran na kung tawagin ay Silva. Isang matandang may wangis ng hito ang papalabas sa isang bahay na may maliit na tindahan. Napansin siya ng isa sa kaniyang katiwala na kasalukuyang nagbabantay ng tindahan nila.

"Mukhang may lakad po kayo Tatang."

"Tama ka iho kaya aalis muna ako ah at ikaw na ang bahala dito." Bilin nito.

"Mag-iingat po kayo."

"Salamat."

Nilisan niya naman agad ang lugar. Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad, marami ang mga bumabati sa kaniya. Hindi mapagkakaila na kilala ito sa buong baryo ng Silva.

"Oyyy!." Napahinto siya sa kaniyang paglalakad nang may tumawag sa kaniya.

Mula sa kanan ay may isang panday na kumakaway sa kaniya. Isa itong taong lobo na may edad na rin katulad niya. Sinuklian niya rin ito ng pagbati.

"Magtutungo ka na naman sa plaza Gill?!" Tanong sa kaniya ng panday.

"Oo Gero!." Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ilang sandali lang ay narating niya na ang lugar. Ang isang napakalaking plaza sa baryo ng Silva. Hindi pa siya nakakahakbang muli ng biglang pinagkumpulan siya ng mga bata. Hindi magkanda atubili sa pagpapakalma ang matanda sa naka paligid sa kaniya.

"Mukhang sabik na sabik kayong makinig muli sa aking kwento mga bata."

"Syempre naman po." Sagot ng isang batang duwende.

"Hindi ba sabi po ninyo ngayong araw niyo iku kwento ang pinaka maganda sa lahat."

Natawa ang matanda sa tinuran ng isa pang batang babae na duwende din.

"Oo hindi ko makakalimutan na sinabi ko iyon. Mahaba ang kwentong iyon kayo ba ay nakapag paalam sa inyong mga magulang?."

"Opo!." Sagot ng mga bata.

"Magsi upo na kayong lahat at sisimulan ko na ang kwento."

Sinunod naman iyon ng mga bata at lahat sila ay nakatango na tila inaabangan ang panimulang sasabihin ng matandang hito.

"Alam ninyo ang tungkol sa mga Hinirang hindi ba?."

"Opo. Hindi po ba sila ang mga mortal na inaatasan na magligtas ng ating mundo?."

"Tama. Nagbabago ang mga inaatasang Hinirang kada pagdaan ng henerasyon at naka depende rin ito sa pinapakita ng mahiwagang Barala."

"Anu naman pong koneksyon ng Hinirang sa kwento?." Tanong ng isang batang babaeng Alan. Isa itong taong-ibon.

"Malaki ang koneksyon nito. Pero ang tanong ko lang sainyo. Ilang tao ang naaatasang magligtas ng ating mundo?."

May isang bata naman uli ang nag taas ng kamay. Sinenyasan siya ng matanda na tumayo para sumagot.

"Isa po."

"Bakit isa lang?."

"Hindi po ba isa lang ang Hinirang?." Napapitik ng daliri ang matanda sa sinagot ng bata.

"Tama. Pero ang kakaiba ngayon. Ang nagligtas ng ating mundo noong nakaraang krisis na naganap ay hindi lang isa kundi isang GRUPO."

"Grupo po ng mga Hinirang?."

"Hindi iho nag-iisa pa rin ang Hinirang pero may mga nakasama siya para mailigtas ang mundo natin."

"Ohhhhhhh." Halos lahat ng mga bata ay namangha sa sinabi ng matanda.

"Ang kwentong ito ay halos alam ng karamihan. Siguro ng inyong mga ninuno na naka saksi ng krisis noon."

"Sa panahong nasadlak ang ating mundo sa kasamaan. Isang grupo ang naglayong maglakbay patungo dito sa Mizoran. Silang ang naataasan upang isagawa ang misyon at iyon ay ang iligtas ang ating mundo. Nakilala sila dahil sa nagdaang henerasyon sila ang natatangi o kakaiba sa lahat."

"May mga pangalan po ba sila?."

"Oo pero kilala sila hindi sa inidibidwal na ngalan. Kundi bilang isang grupo. Dalawang taon na ang nakalipas magmula ngayon pero hindi ko makakalimutan ang kanilang pagkakakilanlan. Makinig (o magbasa dapat kasi di niyo naman talaga ito naririnig) kayong mabuti at dito ko na sisimulan ang kakaibang kwento ng grupong ito na tinawag na..."










....Midnight Wanderers.

Midnight WanderersOnde histórias criam vida. Descubra agora