Kabanata VII: Ang Dalawang Tatang

17 0 0
                                    

Habang pinagmamasdan siya ay isa lang ang pumasok sa isipan ko.

Anong klaseng nilalang siya?

Naalarma bigla sina Alex at Rence kung kaya't inilabas nila ang mga sandata nila. Pero tingin ko mukhang mali iyon dahil sa ginawa nila ay napa porma din bigla ang nilalang.

"Sandali lang!." Pigil ni Sofia sa dalawa.

Hindi ko naiwasan na mapatingin sa kakaibang nilalang na kaharap namin. May katabaan ito at kulay berde ang balat. Hindi ako makapaniwala pero ang wangis niya ay katulad ng isang hito (parang si tahm kench ng LoL, search niyo kung 'di niyo kilala). Kahit saang anggulo mo tignan mukha talaga siyang hito. Nakasuot ito ng brown na robe at may mga accessories sa magkabilaang kamay. Katulad ni Sofia, may hawak din itong baston ngunit may kaibahan sa itsura at disenyo.

"N-n-na-na-nag-s-sa-sali-ta ka?!." Utal-utal na tanong ni Maggie.

Parang hindi nakausap kanina uh...

"Huminahon kayo kilala ko siya." Baling samin ni Sofia saka humarap muli. Ibinaba naman nila Alex ang mga sandata nila.

"Patawarin niyo po sila sa kanilang inasal Tatang Gill." Lumuhod ng isang paa si Sofia.

Nawala naman ang tensyon kanina kung kaya't parang napanatag ang nilalang na tinawag ni Sofia na Tatang Gill. Hinawakan nito ang kaniyang mahabang bigote habang tinititigan si Sofia.

"Wala akong matandaan na naging estudyante kita iha." Sabi nito.

"Naging estudyante niyo po ako ngunit naging panandalian lang. Alam ko pong maaalala ninyo ako kapag pinakita ko sainyo ito." Agad na nilabas ni Sofia ang tinutukoy niya.

Isang libro. Yung madalas niyang gamitin kapag gumagamit siya ng mga spell. Nagbago bigla ang postura ng mukha ng matanda matapos makita ang libro.

"Ahhh ikaw ang apo ni Tasio na depektibo."

Napayuko si Sofia sa narinig saka sumagot. "Opo."

Ano daw? Depektibo?

"Bueno sino ang sinasabi ninyong Hinirang?."

Tumingin ito sa hanay namin nila Maggie. Isa isa kami nitong sinusuri mula ulo hanggang paa. Nagsimula siya kay Rence, naglakad pa ito paikot. Sumunod si Alex, Maggie at panghuli ay ako.

Pagdating sa akin ay hindi ako sinuri nito tulad nila Rence. Nakatayo lang ito sa aking harapan habang nakatitig ng matagal. Naging seryoso ulit ito tulad kanina. Hindi ko alam pero parang may gusto akong kumpirmahin kung kaya't may sinubukan ako.

"Ikaw ang Hinirang tama ba?." Seryosong tanong nito sa akin.

"Ano sa tingin niyo?." Tanong ko din sa kaniya.

Nagulantang ang lahat sa sinabi ko. Samantala ang kausap ko ay mas lalong naging seryoso at inilapit ang mukha nito sa akin. Halos dumidikit na ang mga mahahabang bigote nito sa mukha ko. Pero hindi ako nagpatinag at nakipag titigan din ako sa kaniya.

"Sobrang lakas naman ng loob mo para makapag salita ng ganyan bata."

"Rico! Humingi ka ng despensa!." Sigaw sa akin ni Sofia pero hindi ko siya pinakinggan.

Seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin ng malapitan. Kaya pinagpatuloy ko lang din iyon hanggang sa.....

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napaatras ito at humagalpak ng tawa sa harapan namin. Napahinga ng maluwag ang mga kasama ko.

"Hindi ko akalain *ubo* na mapapatawa mo ko ng ganito iho." Sabi pa nito habang nagpupunas ng luha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Midnight WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon