Kabanata V: Catarman

6 0 0
                                    

"Anong next nating gagawin kapag nasa Samar na tayo?."

"Ampanget naman kung sasabak tayo na hindi handa."

Kasalukuyan kaming nag didiskusyon habang kumakain ng aming pananghalian na binili (o kinuha sa mga stall kasi walang mga tao) dito sa Q.C Circle. Nakatambay kami sa hindi kalayuan sa tore ni Quezon (yung may tatlong poste sa pinaka sentro sa buong circle) dahil ayon kay Sofia doon daw makikita ang portal. Ang alam ko bawal akyatin iyon pero kailangan naming makapunta agad sa Mizoran bago pa lumala ang lahat.

"Kailangan natin ng mga armas para kung sakaling may maikwentro tayo tulad nung halimaw sa school atleast handa tayo." Sabi ni Rence.

"Ang problema lahat ba kayo may experience na sa paggamit ng mga armas? Alalahanin ninyo mas delikado pa ang taong hindi maalam sa paggamit nito."

"May punto si Sofia dahil inaamin ko hindi ako marunong lumaban pero tingin ko hindi naman natin kailangan ng mabigatang sandata." Sabat ni Maggie.

"Tingin ko naman may mga bagay sa lugar na ito na pwede nating maging sandata. Magkita kita na lang tayo dito matapos mag kaniya-kaniyang hanap." Sabi ko at nagtanguan naman sila maliban kay Sofia.

"Magpapaiwan na lang ako dito." Sabi nito sabay sandal sa isang puno.

"Sabay na lang ako sayo Rico." Habol ni Maggie tumango ako bilang sagot.

"Ikaw na bahala sa mga gamit Sofia." Baling ko dito pero tinignan niya lang ako at umiwas din pagkatapos.

Umalis naman kami ni Maggie at nagtungo sa mga stall. Sa paglalakad ay samu't-sari ang mga nakita namen. May Tennis Racket, Air Gun, Boxing Gloves atbp. Sa huli may nakita din kaming gamit na pwede kay Maggie. Isang slingshot o tirador, bale kinuhaan ko na lang siya ng beltbag para doon ilagay yung mga bala na gagamitin niya. At ako naman? wala akong nakita.

Matapos makapaghanap ay bumalik na kami kay Sofia at sakto ay nandoon na din sila. Si Alex may hawak na baseball bat at naka full gear ng baseball player (yung may helmet pa) habang si Rence ay may dalawang arnis.

"Ba't wala kang dala?." Tanong ni Sofia saken.

"Wala akong mahanap na pwede eh."

"Tutal wala kang gamit ikaw na lang maghawak nito. Nakalathala diyan ang ilan sa mga impormasyon sa mga posible nating makaharap tulad nung halimaw sa eskwelahan. Ingatan mo iyan dahil ako mismo ang gumawa niyan."

May inabot sakin itong isang libro na makapal. Sobrang luma na ng itsura ngunit maayos pa ang kondisyon. Kukunin ko na sana pero nabigla ako nung pumagitna samin si Maggie.

"Uy uy uy pwede ako na lang dyan?! Please?? Sigenasigenasigena!!."

Halos matawa ako sa pinakita ni Maggie. Halatang adik talaga siya sa mga gantong bagay.

"Akin na yung tirador at beltbag ikaw na lang dyan sa libro." Agad niyang binigay sakin yung tirador saka nagmamadaling lumapit sa libro.

"Dahil kumpleto na lahat mabuti pa siguro pumasok na tayo." Sabi ni Sofia saka naglakad patungo sa sentro ng tore.

Sumunod naman kami sa kaniya. At pagkarating sa gitna ay inilabas niyang muli ang baston. Sa ngayon automatic na nagbigay na kami ng space para sa kaniya. Inilabas niya ulit ang mahiwagang libro at may kung anung binasa dito. Matapos nito ay binitawan niya ito na siyang lumutang ulit at saka itinapat niyang muli ang baston.

"Tima Tran Sver Sum Portalis!." Pagkabigkas niya ng mga salitang iyon ay nagkaroon ng malakas sa liwanag sa gitna ng tore.

Sa lakas ng liwanag dumaloy ito paitaas hanggang sa kalangitan. Matapos nun ay isang portal ang bumungad sa aming harapan.

Midnight WanderersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang