Kabanata VI: Mizoran

9 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo sa daungan dala ang mga gamit namin. Hindi nako natulog o nakatulog (dahil na rin siguro sa hilik nila Rence) maging si Maggie dahil sa nakakabiting kwento ni Sofia.

"Malapit na mag alas dose naayos na ba lahat?." Tanong ni Alex habang nakatingin sa relo ni Rence na kasalukuyang humihikab dahil sa antok.

"Inaantok pako. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lan*yaawwnn*ngg?."

"Gusto mo buhusan kita para di ka na antukin?." Banta ni Sofia sa kaniya.

Matapos yung usapang naganap kanina naka silent mode na ulit ako na medyo iritable. Sino ba naman kasi hindi maiinis sa pang bibitin na ginawa niya. Pero kahit ganun hindi ko parin maiwasan mapaisip sa mga sinabi niya.

Dahil sa pagkawala ng Chariot doon umusbong ang sinasabi niyang Sumpa ng Liwanag....

"Tahimik mo ata dyan." Nakangising wika ni Sofia habang nakatuon ang mata nito sakin.

"Di ka pa ba sanay?." Medyo inis kong sagot.

"Matanong ko lang Rics." Napatingin ako kay Maggie. "Tutal isa kang Hinirang wala ka bang kapangyarihan? Yung hindi galing sa Chariot ahh."

"Hindi ko alam. Wala namang sinabi sa kwento ni Sofia na may taglay na kapangyarihan ang mga tulad ko." Binaling ko ang tingin ko kay Sofia.

"Paano ko naman masasabi sainyo eh maski ako hindi ko alam kung meron ba o wala. Hindi ako google na masasagot lahat ng gusto niyo. Limitado lang ang nalalaman kong impormasyon." Paliwanag niya.

"Narito na tayo. Isantabi niyo muna ang usapan na iyan." Suhestiyon ni Alex.

Nakarating na kami sa bungad ng dalampasigan. Medyo malakas ng konti ang alon at idagdag mo pa ang konting lamig ng hangin.

"Sisimulan ko na."

Muli ay inilabas ni Sofia ang kaniyang baston kasabay nito ang mahiwagang libro na madalas kong makita sa kaniya. Bumukas ang libro at mag isa itong naglilipat ng pahina. Hindi kalaunan ay huminto din. Napansin kong tumingin siya sa libro bago pumikit.

"Halig Caelum Hilde......"

Sa ikalawang pagkakataon ay napansin kong sumulyap na naman siya sa libro saka pumikit ulit at nagpatuloy.

.....Gu Ida Calla El Pyr!."

Matapos sabihin ang mga huling kataga ay may namuong bilog na liwanag sa aming harapan. Medyo nakakasilaw pero hindi katagalan ay unti-unti itong nagkukulay kahel na naging pula. Nakalutang ito sa ere ng ilang sandali hanggang sa bigla itong magliyab.

Isang itong bolang apoy.

"Santelmo ang tawag dyan hindi ba?." Tukoy ni Maggie.

"Tama." Sagot ni Sofia. "Ito ang magtuturo sa atin kung saan matatagpuan ang portal dito sa Catarman. Ang mga santelmo ay nagsisilbing pananda o gabay sa mga manlalakbay."

Bigla namang gumalaw ang santelmo paabante. Lahat kami ay nakatitig kung saan ito magtutungo. Nagkaroon nako ng hinala nang umalpas ito sa daungan at nasa bahagi na ito ng dagat. Ilang saglit lang ay huminto din ito.

Sa krus na nakalubog sa dagat.

Nagkaroon ng konting liwanag sa pagitan ng krus at santelmo. At kasunod nito ay parang kinain o sumanib ang apoy sa krus. Matapos nun ay lumitaw ang hugis pinto sa gitna ng krus na gawa sa apoy. Parang parihabang pader na nag-aapoy pero hindi kalakasan. Kinuha naman ni Sofia ang ilan sa mga gamit niya saka tumingin samin.

"Tara na sa pinag pwestuhan ng Santelmo."

"Hindi ba malalim na parte na yan?." Tukoy ni Rence sa dagat.

Midnight WanderersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon