CHAPTER 2

18.3K 401 39
                                    

First Kiss

KAIA'S POV:

"Oh come on shut up nerd" Brea said to me.

Nandito nga pala ako sa isang classroom na hindi na gaanong ginagamit dahil sa tamad ang school principal na ipaayos ang mga bagay na sira dito at kasalukuyang nasa harapan ko ang mga mean girls and again? They're bullying me. Ano bang magagawa nila sa pangbu-bully? Kasikatan? Tsk, kalokohan naman 'yan, gusto nilang sumikat? 'dun sila sa it's showtime hindi 'yung kung sino-sino na lang ang gusto nilang pag-tripan.

Nasaan na ba kasi ang mga kaibigan ko?

"At ngayon hindi ka magsasalita? Eh kanina puro ka dada diyan" mataray na sabi niya sa'kin.

Boba pala 'to eh

"Are you stupid? Ikaw ang nagsabi na manahimik ako tapos ngayon pagsasalitain mo ako" walang ganang sabi ko kaya naman sinampal niya ako.

Ouch

"Natural diba tinatanong kita?"

"Edi ayusin mo kasi, para ka ring tanga eh" wala pa ring ganang sabi ko saka tumayo ng maayos at hinarap siya. "Gusto ko pa sanang makipaglaro kaso naalala ko may klase nga pala ako" sabi ko kaya naman nakita ko ang pagkainis na sa mga mata niya.

"Hoy nerd!" she shouted

"Excuse me" sabi ko saka lumabas ng classroom.

Dahil kasalukuyang nagka-klase ang bawat estudyante ngayon ay hindi na muna ako pumasok sa classroom namin at pumunta na lang ako sa field.

Naupo ako sa damuhan sa may lilim at saka tumingala para makita ko kung gaano kaganda ang langit at kung gaano ito katirik.

"Bakit hindi ka pumasok sa 4th subject natin?" napalingon ako sa biglang nagsalita at nakita kong nakatayo si Broderick na nakatingin sa akin.

"Ah...may ginawa lang akong importante" sabi ko.

Importante my ass, tsk

"Mind telling me?" sabi niya saka umupo sa tabi ko kaya napangiti ako.

"It's too confidential"

Confidential? Dami mong alam, Kaia.

"Oh.." sabi niya saka nanahimik.

"What are you doing here nga pala?" tanong ko.

"'Di rin kasi ako nakapasok sa 4th class natin eh" sabi niya sabay kamot ng ulo kaya napatawa ako.

"Bakit?"

"Na-late kasi ako ng pasok, alam mo naman si ma'am Atienza ayaw ng late kaya 'di na ako tumuloy" napatango-tango ako.

Nang mag-bell ay sabay kaming tumayo dahil hudyat 'yun na break na, second break I mean.

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa room at wala na 'yung mga kaklase namin at ang tanging natitira lang ay ang mga kaibigan kong mga nakataas ang kilay.

"Where have you been?" mataray na tanong ni Bexley.

"Field" maikling sagot ko.

"With him?"

"Obviously, Bex" sabi ko saka umirap.

"Hindi ka pumasok ng 4th class natin kasi kasama mo siya?" sabi ni Hartley na ikinairap ko.

"Sinong tanga ang hindi papasok ng 4th class para lang makasama ang isang lalaki?"

"Ikaw" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now