CHAPTER 7

10K 241 3
                                    

Battle Of the Gang

Kaia's POV:

*Ring~*

Napangiti ako ng marinig ko ang bell hudyat na uwian na, nakangiti akong nagliligpit ng mga gamit ko at napansin naman agad 'yun ng mga kaibigan ko.

"Excited?" tanong ni Xael na ikinatango ko.

"Yup" sabi ko saka isinara ang bag ko. "Let's go?" tanong ko.

"O~kay" natatawang sabi nilang tatlo saka sumabay sa paglalakad ko.

"Anong dala mo?" tanong sa akin ni Bexley.

"My baby Senna" nakangiting sabi ko.

"Oh~" sabay-sabay na sabi nila kaya napatawa ako at saka nagmadaling lumapit sa Senna ko at saka sumakay.

"Ready to go baby?" tanong ko saka pinainit ang tambutso.

"Oh well? Hindi lang ikaw ang may dala" nakangising sabi ni Hartley at nakita ko ang Suzuki AEM niya kaya napangiti ako.

"Ako rin naman?" nakangiting sabi ni Xael at nakita kong nakasakay siya sa MMX 500 niya kaya napatawa ako.

"Well. Well. Well? Mukhang ako rin ata ah?" napatawa kaming lahat ng makita si Bexley sakay ng kaniyang Zero S.

"Missed this?" tanong ko kaya tumango sila. "Let's get it on! Paunahan" sabi ko saka nauna ng lumabas sa gate ng school.

Nang makarating kami ay napangiti ako.

"Boss!" sabay-sabay na sabi nila.

"What time?" tanong ko.

"Same time, boss" sabi ni Zane.

"Alright" nakangiting sabi ko saka dumiretso agad sa kwarto kung saan lagi akong nagpapalit tuwing galing akong school. "It's time baby" nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Nagpalit ako ng black longsleeve na may kaunting puting design, short na itim rin at itim na sapatos rin.

"Perfect" sabi ko ng maayos ko ang buhok ko na inulugay ko at tinanggal ang contact lense ko. "Get ready, Kingsley Brainard, I will beat you" nakangising sabi ko.

Lumabas ako ng kwarto saka naglakad pababa at nakita ko silang lahat na nakaharap kung saan ang upuan namin at nakita ko 'yung tatlo na kinakausap silang lahat.

"Now, get ready okay? This is it again, guys" sabi ni Xael

"Kailangan tayo pa rin, alam niyo namang ayaw ni Quinn na bumaba tayo kaya kailangan nasa taas pa rin tayo" sabi ni Hartley.

"Sige na at pumunta na kayo doon" sabi ni Bexley.

"Yes, boss!?" sabay-sabay na sigaw nila saka nagsilabasan na.

"Hey?" tawag pansin ko sakanila kaya nginitian nila ako.

"Hey, ready?" tanong ni Xael.

"Yeah" nakangiting sabi ko.

"Let's go?" tanong pa niya.

"Hmmm. Okay" sabi ko saka nauna ng naglakad palabas at sumakay agad sa baby Senna ko. "Let's go, baby, this will be fun" sabi ko saka pinihit-pihit ang kanang handle ng motor.

Pinaandar ko na kahit wala akong dalang helmet dahil wala namang huhuli sa akin dahil kilala nila ako kapag ganito ako at ayokong naiistorbo kapag nakasakay sa baby ko.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now