CHAPTER 11

8.4K 197 7
                                    

We will wait, Kaia!








Cadmus's POV:

Iniwan ako ni ate na mag-isa dito, hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun, ayaw ko lang naman na mapahamak siya dahil alam ko sa sarili ko na kaya niya 'to ginagawa dahil sa akin at ayaw ko na maghiganti siya dahil kapag napahamak siya ay alam kong ako ang dahilan kaya pinipigilan ko siya sa abot ng makakaya ko pero sadyang matigas talaga ang ulo ni ate at desidido na siya sa gagawin niya ang kailangan ko na lang siguro ay gabayan siya para hindi siya mapahamak.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon dahil hindi naman ako nagugutom, hindi ko rin naman feel na bumalik sa table namin at makipag-kuwentuhan sa mga kaibigan ko na ganito ang sitwasyon namin ni ate, alam kong masama ang loob niya sa akin hindi 'man niya ipakita pero alam ko because I know her, ayaw niyang pinipigilan siya sa gusto niyang gawin but that's what I did, kailangan kong mag-sorry sakaniya, kailangan kong ipaliwanag ang side ko kung bakit ko 'to ginagawa though I already explained my side a while ago.

Nag-stay pa ako ng mga limang minuto dito sa lugar na 'to bago ko maisipang umalis, nakakailang hakbang palang ako at malayo pa ako sa kinaroroonan ng lahat ng may marinig akong putok ng baril, umalingawngaw 'yun sa buong venue.

Napatakbo agad ako sa kinaroroonan ng lahat dahil bigla akong kinabahan and then there I saw ate Kaia caughing blood habang sapo niya ang malapit sa dibdib niya, I heard another bang and it direct to her stomach kaya napaluhod siya.

Her friends called her name three times.

"ATE!" I shouted when I recovered to that scene.

I ran 'til I reached her, she's now unconsious, nakapikit siya habang sapo niya ang bandang dibdib niya.

"Ate, don't leave me....don't leave us, please" I begged.

Nagsilapitan dito ang mga kaibigan niya pati na rin si Davon at ang mga kaibigan niya, walang ibang lumapit kundi kami lang, nakatingin lang sila sa amin na para bang hindi pa rin nagsi-sink in sakanila ang nangyari.

"Ate...." I cried, I don't want to lose her na I know na ganito ang sitwasyon namin, I don't want to lose her, ever! She's the best sister for me.

"Call an ambulance, please" nanghihinang sabi ni Ate Bexley kaya naman napatayo si Ate Xael at aligagang nagpipipindot sa phone niya.

Ate! 'wag namang ganito oh? 'Wag ka namang agad mawawala sa akin, diba sabi mo ipaghihiganti mo pa ako? Please naman!

Humagulgol ako, wala akong pakialam kung nakikita nila ako na ganito ngayon, wala akong pakialam kung pagtapos nito ay asarin nila ako at bully-hin basta ang importante sa akin ngayom ay maligtas ang ate ko.

"Hello!....Please pumunta po kayo dito sa Lauries Building, rooftop.....may nabaril po, pakibilisan naman po!.....salamat!" sabi ni ate Xael at nanghihinang napaupo sa tabi ni ate Kaia.

"Kai...don't give up, please, labanan mo" nanghihinang sabi ni ate Hartley, nakita kong nangingilid na ang luha niya pero pilit niyang pinapatatag ang sarili niya, ganun din ang iba.

Tahimik lang ang apat na lalaki na nakapalibot sa amin, nakatingin sa amin.

"Kai, walang iwanan diba? Kaya please, labanan mo ha?" sabi ni ate Xael na halatang gusto na ring umiyak pero nakayanan niya pang ngumiti.

"Cadmus, magpakatatag ka ah?" nakangiting sabi ni ate Bexley.

Hindi ko kaya kung nakikita ko ang ate ko sa ganitong itsura, magbabayad kung sino 'man ang may gawa nito.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now