CHAPTER 5

12.3K 298 8
                                    

You are.... One?

Kaia's POV:

Pinagbabatukan ako ng mga kaibigan ko ng makarating kami sa bahay kaya naman halos mailuwa ko na ang utak ko dahil sa lakas ng batok nila.

"Ano ba!? Ano ba!? Masakit kaya! Kayo kaya batukan ko? Tingnan natin kung hindi niyo pa mailuwa 'yang mga bwisit niyong utak" inis na sabi ko kaya naman nabatukan na naman ako ni Bexley. "Argh!"

"Tanga mo kasi eh! Kailan ka ba matututo, Kai? Kung hindi lang 'yan tanga si Davon edi nalaman na niya na ikaw 'yung Quinn na 'yun? Bwisit ka naman talaga, Kaia" inis na inis na sabi ni Bexley kaya nag-make face lang ako.

"Alam niyo kasi? Bakit niyo kasi hinayaan na lumabas 'yung kumag na 'yun? Sinabi ko bang pasundan niyo sa akin 'yun?"

"Gaga ka ba? Alam ba namin na magpapalit ka? Edi dapat bumulong ka sa amin para itinali namin patiwarik 'yung Davon na 'yun na halata namang humaling na humaling sa'yo" sabi ni Hartley sabay ngisi.

"Oo nga pati 'yung isa, Zackery ata pangalan nun eh" singit naman ni Xael.

"Naba-badtrip ako sa lalaking 'yun tingin ng tingin sarap sundot-sundotin 'yung mata" inis na sabi ko kaya nagtawanan sila.

"Uy mga ate, anong tinatawanan niyo?" biglang sulpot ni Cadmus na hindi ko alam kung saan galing.

"'Yung magaling mong ate eh naba-badtrip na naman sa lalaki" sabi ni Xael.

"Alam mo ate Xa ganyan talaga 'yan, man hater 'yan eh mabuti na nga lang hindi kami kasama ni papa dun eh" sabi ni Cadmus sabay tabi sa akin.

"Lalong naging ganyan nung nakuha ang unang halik" sabi pa ni Xael sabay tawa na sinabayan pa nung tatlo.

Argh! I remembered that scene again, fuck you Xael!

"Ate naman kasi, ang halik hindi ipinagdadamot dapat kusang-"

"Anong hindi? Anong gusto mo? Ipalaplap ko sakanilang lahat 'yung labi ko? Ipalamog ko ganun? Hanggang sa wala ng matira sa akin? Eh kung ikaw kaya gumawa ng matuwa ako?" inis kong sabi kaya napakamot siya sa ulo niya.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin ate, I mean is paano kapag nag-asawa ka na? Ipagdadamot mo?"

"Tanga! Palusot ka pa eh, ikaw batukan ko diyan eh" sabi ko kaya napangiti na lang siya na parang aso.

Wala ang parents namin dito kaya ang kakapal ng mga mukha ng mga babaeng 'to na tumambay dito at mag-ingay kasi kapag nandito sila mommy ay para silang mga aso na pinagalitan ng mga amo nila. Tsk

Mga pakitang tao

"Hija, may naghahanap sa'yo" napaangat ako ng tingin at nakita ko si Manang Cess 'yung mayordoma dito sa bahay.

"Sa akin po?" takang tanong ko.

"Oo, hija"

"Ano pong pangalan? Kilala ko ba?"

"Hindi ko alam, hija basta ang sabi niya lang ay hinahanap kaniya" kamot ulong sabi ni manang.

"Sige po manang, salamat po" ngumiti sa akin si manang saka umalis na kaya binalingan ko ng tingin si Cadmus at bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Hay naku ate 'wag mo akong uutusan dahil ikaw ang kailangan at hindi ako" sabi niya saka hilig sa sofa.

"Wala akong sinasabing uutusan kita, sayang pa naman may ibibigay pa naman sana ako sa'yo kaso ang drama mo sa buhay kaya 'wag na lang" sabi ko sabay tayo pero nahawakan niya ako.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now