CHAPTER 6

12K 252 15
                                    

Quinn Eisenhart or Kaia Stone?

Davon's POV:

Pagkatapos ng revealing moment ni Kaia ay sumunod naman 'yung tatlo at halos mawalan na kami ng panga sa kakanganga at kahit si Maxton na minsan lang magpakita ng reaction ay kagaya na rin namin.

"Red Velvet Gang" sabay-sabay na sabi namim saka sabay-sabay rin sila na natawa.

"Close your mouth, kayo ang humiling nito tapos hindi niyo rin pala kakayanin" sabi ni Xael.

"Okay, mas bet ko na mag-nerdy thing na lang kaysa 'yung para kayong mga tanga diyan na nakanganga" mataray na sabi ni Bexley kaya naman napasara ng automatic ang bibig ko at binalingan ko ng tingin 'yung tatlo na nakanganga pa rin saka ko sila pinagbabatukan.

"Tama na! Nakarami na diba?" sabi ko kahit na hindi pa rin ako nakaka-recover ng maayos.

"Sorry naman daw, nagulat lang dahil akalain mo 'yun? 'yung mga nerdy pala 'yung may pinakamataas na rank sa mga gang." sabi ni Tyrell kaya naman napatango ako.

"Hala ka, Davon! Binu-bully mo pa naman si Ms. Stone" sabi ni Zackery kaya pakiramdam ko ay nawalan na ako ng dugo.

"It's okay" sabay-sabay kaming napalingon kay Kaia ng magsalita siya. "That's not a big deal anymore.... So? What are you still doing here?" Kaia asked. "By the way, do you know Kingsley Brainard?" sabi ni Kaia kaya napakunot ang noo namin pero sinabi pa rin namin ang nalalaman namin.

Pagkatapos naming sabihin ang lahat ng nalalaman namin tungkol kay Kingsley Brainard ay nagsiuwian na kami dahil hindi namin kayang harapin ang mga taong 'yun.

---

Dalawang linggo na rin ang nakakaraan ng malaman namin kung anong itinatago ng campus nerds na 'yun, simula rin nung kinabukasan ng araw na 'yun ay minsan na lang kaming magpakita sakanila dahil nakokonsensiya kami sa pinaggagagawa namin at akalain mo nga namang may konsensiya pala kami?

Sa dalawang linggong nakakaraan ay pakiramdam ko ay may nagbago hindi sa buong campus kundi sa pakikitungo namin sakanila pero ganun pa rin ang pakikitungo nila sa amin na parang dati lang na tatarayan nila kami at parang wala na lang nangyari, hindi na rin naman namin pinansin dahil baka kung anong sabihin ng mga estudyante dito sa campus kaya okay na rin.

"Lalim ng iniisip natin ah? Sino ba iniisip? Si Quinn o si Kaia?" nakangising tanong ni Zackery na may pa-taas baba pa ng kilay kaya binatukan siya ni Tyrell. "Ano na naman ba, Ty?"

"Tae ka, dre, parehas lang sila, iisang tao lang ang sinasabi mo eh"

"Ay oo nga 'no? Buti na lang guwapo ako kaya hindi nila mapagkakamalang tanga ako dun" sabi ni Zackery sabay tawa kaya napailing na lang ako.

"Quinn or Kaia?" biglang sabi ni Maxton kaya napakunot ang noo ko.

"They are just the same, Max" I said in confusion.

"No they are not, Quinn Eisenhart is the wildest woman when it comes to battling, she don't know what's the meaning of hurt when she's in the middle of the battle, she didn't even realize that she has those wounds in her face or in other parts of her body but Kaia is a nerdy girl that wants to study and study and study and just study, she just wants to going out with her friends, no boys allowed, she's a typical nerd that everybody dislike, she is a nerd that always in relax and calm expression even if someone's bullying her, that's why they are not the same, Dav" mahabang sabi ni Maxton.

"That's shocking, dre, 'yan ang pinakamahabang sinabi mo" gulat na sabi ni Zackery.

"Congrats" natatawang sabi ni Tyrell kaya inungusan sila ni Maxton at binalingan ako ng tingin.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now