CHAPTER 4

15.5K 315 9
                                    

Don't Stare Too Long



Kaia's POV:

Bwisit! Bakit ba kasi ako pinagkadiskitahan ng Davon na 'yun eh, ayoko naman kasi talagang magpakita sakaniya kanina eh pero napilitan ako dahil sa mga bwisit kong mga kaibigan na pinilit akong magpakita at alamin kung bakit niya ako hinahanap eh pero ang gunggong hindi 'man lang sinabi kung anong dahilan niya at nalaman ko pa na kilala niya ang gunggong na Kingsley Brainard na 'yun, ugh! Bakit ba kasi ako nagpakita doon eh? Bwisit.

"Stop laughing, argh! I won't do that again" inis na sabi ko sakanila dahil pinagtatawanan nila ako habang inaayusan nila ako dito sa loob ng private room namin.

"Duh? We have a mission, Kaia, and that is our mission for now Quinn kasi wala pa naman 'yung battle of the gang natin eh kaya ito na muna ngayon para naman hindi tayo ma-bored" sabi ni Hartley habang tinitirintas ang buhok ko dahil tapos ko ng mailagay ang black contact lense ko.

"Edi kayo na lang ang gumawa" inis na sabi ko.

"Kami ba ang hanap?" mataray na tanong ni Bexley.

"Edi magpakita kayo para kayo ang hanapin at hindi ako"

"Bakit naman namin gagawin 'yun? Hindi naman kami tulad mo na hindi nag-iingat" nakangising sabi ni Xael kaya napairap ako.

"Done" sabi ni Hartley kaya naman sinuot ko na ang salamin ko at saka tumayo.

"Tara na nga, kanina pa tayo tambay dito paniguradong tapos na ang break time" sabi ko.

"Tangik, wala ng afternoon class kaya makakauwi na tayo, nag-text kasi sa akin si Broderick eh" sabi ni Xael.

"We were not going home" hindi ako makapaniwalang tumingin kay Bexley.

"Why?"

"We are going to continue our mission"

"Ugh! Back out na ako, bahala kayo sa mga buhay niyo" sabi ko saka nagmadaling lumabas ng PR at nagtungo sa rooftop saka doon nagtago.

Ayaw ko na talaga, tama na 'yung isa, hindi na mauulit 'yun.

Umupo ako sa likod ng tumpok-tumpok na mga upuan dito sa rooftop saka tumingala at nakita ko na naman ang maaliwalas na kalangitan kaya napangiti ako.

"Safe kaya kung tatanggalin ko ang contact lense ko? I want to sleep" bulong ko sa sarili ko at bago ko pa magawa ang sinasabi ko ay may narinig akong kaluskos kaya naalarma ako at saka sumilip sa may kabilang side ng pinagtumpok-tumpok na upuan at nakita kong kakapasok lang nung kaibigan ni Davon na kung hindi ako nagkakamali ay 'yung Tyrell Cohen.

What is he doing here?

Napalingon siya sa gawi ko pero bigla akong nagtago kaya hindi niya ako nakita.

I hope so.

"Lumabas ka na, hindi 'yung sisilipin mo ako riyan" may panunuyang sabi niya kaya napairap ako at hindi sinunod ang sinabi niya.

"Bakit naman ako lalabas? And for your information Mr. I-DIDN'T-REMEMBER-YOUR-NAME-WAS sinilip kita kasi akala ko kung sinong kumag ang pumasok 'yun pala hindi kumag kundi walang kwentang tao" walang ganang sabi ko.

Kapal ng mukha bwisit!

Narinig ko ang tawa niya kaya napairap ako and next thing I knew he was infront of me and smiling like an idiot so again I rolled my eyes and looked into his eyes.

"Hey Ms. Nerdy, bakit ba ang init ng dugo mo ah?" nakangiting tanong niya.

"Bakit? Nahawakan mo na ba ang dugo ko para masabi mong mainit?" sarkastikong sabi ko kaya napatawa siya at umupo para magpantay kami.

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now