EPILOGUE

10.7K 216 48
                                    

Davon's POV:

Two years had passed, now we're second year college and Cadmus is first year college, minsan na lang kaming magkita, tumigil na rin kami sa pagsabak sa mga away pero ang pumalit sa amin ay si Cadmus dahil gusto niya raw maging kasing cool ng ate niya kaya pumayag kaming lahat.

Hindi katulad kila Kaia, mas peaceful ang gang ngayon walang away pero hindi pa rin kami sure dahil kakasimula pa lang naman ni Cadmus, isang taon pa lang siya.

Napag-isipan namin na magkita-kita ngayon, hindi kami pare-parehas ng course pero pare-parehas pa rin kami ng school.

Ako ang kinuha ko ay Engineering, si Tyrell ay Architecture, si Zackery Programming dahil mahilig siya sa computer, actually mahilig naman kaming lahat sa computer pero siya lang ang kumuha nun, anyways si Maxton naman ay Management parehas sila ni Bexley, si Xael fashion designer, si Hartley ay culinary and si Cadmus ay business din.

Sina Tyrell and Xael, Maxton and Bexley at Zackery and Hartley are in a relationship, hindi ko nga lang alam kung paano nangyari 'yun.

Si Cadmus? Ayun 'yung dating inutusan namin na tawagin sina Kaia ang nakatuluyan niya, sino ba 'yun? Ah basta 'yun hindi naman kasi masyadong sumasama sa amin si Cadmus eh simula nung......two years ago.

Napag-isipan namin na magkita-kita ngayon dun pa rin sa lagi naming tambayan.

"Hey, kamusta naman?" nauna akong dumating dito at 'tong dalawang kasama ko.

"Okay naman ako, kayong dalawa?" nakangiting tanong ko.

"Ayos naman, magiisang taon na rin kami" sabi ulit ni Tyrell kaya tumango si Xael.

"Okay ka lang ba dito?" tanong ni Xael.

"Hmmm...." tango ko. "Masaya naman"

"Woi!" napaside ako at nakita ko si Zackery na kumakaway at si Hartley na nakangiti kasabay nila sina Maxton at Bexley na tahimik lang pati na rin si Cadmus na inakbayan agad ako.

"Hi, kuya Davon"

"Kamusta?"

"Ito gwapo pa rin" napatawa kaming lahat.

"Kalokohan mo" sabi ni Bexley.

"Ikaw, Kaia? Kamusta ka?" tanong ko kaya nagsiupuan sila at pinalibutan namin si Kaia. "Dalawang taon na rin diba? Okay ka naman ba ngayon?"

Hindi nakaligtas si Kaia nung mga oras na 'yun, nung dalhin namin siya sa hospital ay marami ng nawalang dugo sakaniya kaya kahit lahat ay ginawa nila hindi pa rin nila nailigtas si Kaia at nabalitaan rin namin nung araw na 'yun ay namatay si Porter ang sabi binaril niya raw ang sarili niya.

Siguro tama nga si Cadmus na kung sino pa 'yung mas iniintindi ang lahat ng bagay siya pa 'yung laging nasasaktan, kung sino pa ang nagsasakripisyo siya pa ang mawawala, hindi ko rin naman siya masisisi dahil alam kong sa aming lahat siya at ang pamilya niya ang nakakakilala sakaniya.

"Oo nga, ate nami-miss na kita hindi mo ba alam na nung birthday mo nag-celebrate ako mag-isa sa loob ng kwarto mo" we smiled at what Cadmus said.

"May dala kaming bulaklak para sa'yo, 2nd death anniversary mo na at sobrang miss ka na namin, ang aga mo naman kasing bumitaw eh" nagtawanan kami sa sinabi ni Zackery pero alam kong malungkot sila.

Kaia? Masakit pa rin na iniwan mo kami, masakit pa rin na hanggang picture ka na lang namin nakikita pero masasanay din kami.

Lahat kami nagpunas ng luha at nagtawanan.

"Ano ba 'yan? Ang drama na naman natin! It's your fault, Kaia" sabi ni Hartley kaya nagtawanan kami.

"Nagdala kami ng pagkain, sabayan mo kami ulit ah?" sabi ni Xael kaya tumango kami.

Alam namin na nasa paligid lang siya at patuloy kaming binabantayan at alam kong masaya siya na masaya kami.

Kaia.....alam kong gusto mo na magkakasama kami pero hindi namin magawa dahil sobrang busy kami pero pag ganitong okasyon naman at pagtungkol sa'yo nagsasama-sama kami, hindi ka namin kinakalimutan.

"Thank you" parang may bumulong sa akin kaya napangiti ako.

Alam kong siya 'yun.

Thank you din and I love you.

Lumipas ang araw na 'yun na may saya at drama siyempre hindi naman mawawala 'yun, naghiwa-hiwalay ulit kami, dumiretso ako sa kwarto ko pagdating ko sa bahay at kinuha ang picture ni Kaia.

Kahit wala ka na ramdam ko pa rin na nandito ka.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko saka ngumiti at tumingin ng diretso napakurap-kurap ako ng makita ko si Kaia.

"Kaia?" sabi ko.

"Hi" narinig ko ulit ang boses niya sa loob ng dalawang taon, nakakamiss.

"Kaia!" napaiyak ako lalo.

"I'm thankful that you're there for them, don't worry nandito lang ako at binabantayan ang bawat kilos niyo"

"Nakakatuwa na makita ka ulit"

"Hindi ako pwedeng magtagal, Davon"

"Salamat.....salamat sa lahat" unti-unti siyang nawala ng nakangiti katulad nung nakaraang dalawang taon nung sinabi niya sa akin na.

I love you.

Nakangiti siya at parang wala siyang pinagsisisihan na nawala siya dahil masaya siya.

Kung masaya ka magiging masaya na rin ako, mahal na mahal kita, Kaia.

-THE END-

NERDY SECRET GANGSTER & CAMPUS GANGSTER HOTTIES Where stories live. Discover now