Chapter 20

30 2 0
                                    

Levi POV

"Nasaan Kuya mo?" Tanong saakin ni Xhan ng makalapit siya saakin.

"Nasa Office, Actually galing na siya dito kanina pero Bumili lang siya ng pagkain nila ni Sophia At bumalik na din." Saad ko sakanila.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa Canteen, Bukod sa Canteen marami pa kaming mga tambayan dito sa Loob ng University mayroon din sa labas.

"Sophia? Who's that?" Takang tanong Ni Zayrus.

"Oh, Will kung siya ang Vice President ni Ciyan ay malamang kapatid ko yun." Saad naman ni Xavier na May dalang Tray sila na kasi ni Zayrus ang bumili ng pagkain namin.

"Ah." Saad naman ni Zayrus habang tumatango tango.

"Bakit hindi ko man lang pinakilala saamin ang Kapatid mo?" Tanong naman ni Zayrus.

Mukhang interesado ang mukong na 'to sa kapatid ni Xavier ah.

Bugbog Xavier talaga 'to mamaya e.

"Sa susunod nalang, Alam niyo naman na kumag ang Kapatid kung yun." Saad naman ni Xavier

"Dre, Hindi namin alam. Remember? Hindi pa nga namin siya kilala." Saad naman ni Xhan kaya naman napatawa nalang kami.

"Ako, Nakita ko na siya." Saad ko kaya napatingin silang tatlo saakin.

"Talaga? Maganda ba?" Tanong ni Xhan kaya nabatukan siya ni Xavier.

"Aray, masakit kaya yun." Saad niya pa

"Buti nga sayo." Pabulong na Sabi ni Zayrus.

"Mabait ba?" Tanong ni Zayrus kaya naman tumango ako.

"Yup, Like her Brother." Saad ko

"So? Playgirl pala ang Kapatid ni Xavier?" Sa isang tanong na yun ay kaagad kung binatukan ang mayari ng boses na 'yon Si Xhan.

"Aray, Totoo naman a. Hindi ba't Ang Sabi mo ay magkatulad sila ni Xavier? E, Bakit? Ano ba si Xavier?" Saad naman ni Xhan.

Kaya naman napailing nalang ako, maya maya pa ay binatukan siya ni Xavier.

"Gago ka ba dre? Hindi nga ako marunong mangbabae e." Saad naman ni Xavier

"Loyal ako kay Tsaiha." Saad naman niya, ngunit maya maya ka ay biglang nalungkot ang Expression niya.

"Ah, kain na tayo." Saad ko kaya naman kumain nalang kami para naman hindi niya na feel ang awkwardness.

———

"Dre, Kung makikita ko Siguro na magkasama sina Ciyan At Si Sophia bagay Siguro sila." Saad ni Xhan habang naglalakad, Tapos na kasi kaming kumain At babalik na kami ng sarili naming rooms.

Iba iba kasi kami. Si Xavier ay nasa Culinary Arts, Si Xhan ay nasa Engineering At kami naman nina Kuya At Zayrus ay Business kaya hindi kami magkakasama.

Magkatulad nga kaming tatlo ng Curso pero iba naman ang Classroom na pinapasukan.

"Hmmm, Depende nalang yun. Kung bagay sila." Saad naman ni Xavier sabay kibit balikat.

"E kung manligaw si Kuya sa Kapatid mo? Okey lang ba?" Tanong ko sakanya.

Kahit naman na Idol ko yung Kapatid ni Xavier ay May iba naman akong napupusuan Kaya naman supportado ko si Sophia Para kay Kuya.

"Hmm, Kung seseryosuhin lang niya. Why not?" Saad niya kaya naman napatango tango naman kami.

"Una na ako, Magkita nalang tayo mamaya." Saad naman ni Xavier at Pumasok na ng Classroom.

Narinig naman namin ang pagtili ng mga babae sa Classroom nila psh, hirap Talaga kapag gwapo.

Nag paalam na saamin si Xhan dahil malayo ang Building niya keysa saamin nasa likod pa kasi ang kanya kaya naman malayo siya.

Nag paalam na din kaming dalawa ni Zayrus sa isa't isa dahil hindi naman kami magkatulad ng Classroom.

Nang mapadaan ako ng Classroom ni Kuya ay nakita ko naman siya kaya naman nagwave ako sakanya ng mapansin niya ako, Kaya naman nagtilian ang mga babae na mga kaklase niya.

Sa Kabila naman ay nadaan ko din ang Room ni Sophia nakita niya ako kaya naman kaagad siyang kumaway saakin kaya gayun din ako.

Napansin ko naman na ang sakit ng paningin ng iba niyang kaklase sakanya, And then there.

I saw her, I saw her in the side of Sophia. Sitting and reading a book.

Selena.

Inalis ko na ang tingin ko skanaya At pumasok na ng Room. At maya maya ka ay dumating na ang Proof kaya naman nakinig nalang ako.

Battle Between The Heart And MindWhere stories live. Discover now