Chapter 29

31 1 0
                                    

Xavier POV

Pagkapasok ko ng Kwarto ay humalakhak ako ng humalakhak.

Paano ba naman kasi? Parang pinaparating saakin ni Mommy na ang takaw-takaw ni Sophia.

Para na tuloy akong baliw kakatawa dahil lang doon.

Nagbihis na muna ako Ng damit ko, nagtataka nga ako kung bakit hindi na ako naghintay ni Sophia kaya hindi kami sabay umuwi ngayon.

Kahit nga ang duty niya kanina si Ciyan nalang ang gumawa dahil wala si Sophia. Kung hindi naman kasi gagawin ni Ciyan yun wala namang gagawa.

Lalabas na Sana ako ng Kwarto ko ng makita kung May nalaglag na panyo sa tapat ng Pintuan ko.

Sht, nalaglag yung panyo ni Aisha.

Pinulot ko yung panyo At ilalagay Sana sa kama ko kaso naalala ko nanaman yung kanina. Kaya napangiti ako.

"Eto Oh, kumain pa kayo. Magpakabusog kayo ha." Sabi ko sa mga bata sabay abot ng mga Pagkain na Binili ko kanina andito kasi ako sa side walk at nadaanan ko ang mga batang 'to na naglilimos kaya naman binilhan ko nalang na pagkain at pinakain na binilhan ko din sila ng mga bagong damit Para kahit papaano ang desente silang tignan.

"Salamat po Kuya." Sabi nila

"Tirahan niyo ng pagkain si Kuya,Para sa pagbalik niya ay May pagkain din siya." Sabi ng medyo matangkad sakanilang babae.

"Opo." Sabi naman nilang tatlo. Apat kasi sila dalawang babae At dalawa Ding lalaki.

"Andito po ang mga kapatid ko." Rinig kung sabi ng batang lalaki mula sa Likuran namin.

"Kuya!" Sigaw nilang apat sabay yakap sa Kuya nila.

"Oh, sino yang lalaking kasama niyo? Sinaktan niya ba kayo?" Tanong sa Kanila na Kuya nila kaya naman napatayo ako.

"Hindi po, Ang bait nga po niya e binilhan niya po kami ng pagkain." Sabi nila

Napangiti naman ang Kuya nila sabay tingin saakin

"Salamat po." Sabi ng Kuya nila saakin.

Napatingin naman ako sa babaeng kasama nila, nagulat naman ako Dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Isa sa mga kaibigan ni Sophia si Aisha.

Ngumiti ako saknaya Pero mukhang nagulat din siya ng makita ako.

"Ah, sige na. Ubusin niyo na ang pagkain niyo." Sabi ko sakanila kaya naman sumunod naman sila.




Pinagmasdan lang namin sila ni Aisha na kumakain habang kami naman ay nakaupo lang dito sa Gilid.

"Ah, mga bata mauuna na ako Ha. May kailangan pa kasi ang gawin. Babalik din ako dito." Sabi ni Aisha sa mga Bata kaya naman yinakap siya na mga ito.

"Salamat po." Sabi ng mga bata sakanya kaya naman napangiti siya ganoon din ako.

Mula kanina ay hindi niya ako kinausap, ni hindi na nga siya makatingin saakin.

Tumalikod na siya sa mga bata At humarap saakin.

"Mauuna na ako." Sabi niya sabay lampas saakin Pero hinawakan ko siya sa kamay niya.

"Mga bata,ihahatid ko lang si Ate Aisha niyo ah. Babalik din ako sa susunod na araw." Sabi ko sakanila kaya naman tumango din sila

"Ah, Kuya Xavier. Girlfriend niyo po si Ate Aisha?" Tanong ni Marlo kaya naman napangiti ako

"Pst. Wag ka nga." Sabi ng Kuya Mark nila.

Ngumiti lang sila kaya naman napangiti na din ako nilingon ko si Aisha Pero naniningkit na ang mga mata niya saakin kaya naman hinila ko na siya papunta sa kotse ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya saakin, kanina pa siya tanong ng tanong niyan saakin Pero hindi ko siya pinapansin

"Hindi dito ang daan papunta sa Bahay ko." Sabi niya ulit pero ngumisi lang ako.

"Hindi naman tayo pupunta sa Bahay niyo, sa Park tayo. Lilibre kita." Sabi ko skanaya Pero nakita ko naman na inirapan niya lang ako kaya mas lalo akong napangiti.

"Andito na tayo." Sabi ko sabay labas ng kotse pero hindi siya bumababa. Kaya naman pinagbuksan ko na siya ng pinto.

Pagkabukas ko non ay inirapan niya muna ako bago siya bumaba.

Hinawakan ko ang kamay niya At hinila ko na siya papunta sa nagbibinta ng mga kwek-kwek

Nakita ko naman na umaliwalas ang mukha niya kaya naman napailing nalang ako.

Nakaabot din ng kalahating oras ang pagkain ng namin ni Aisha, naglibot kami, nagkwentuhan, At nagtawanan.

"Hatid na kita sa Bahay niyo." Sabi ko skanaya Pero umiling naman siya

"Wag na,dito nalang." Sabi niya saakin kaya napapout ako.

"Hmm, next time nalang. Sige na May iba din kasi akong pupuntahan." Sabi niya kaya naman Tumango nalang ako dahil 'next time' naman na daw.

Nagpaalam na ako sakanya sabay pasok sa kotse At pinaharorot Pauwi.









A/N: Readers💕 ito muna ang maiaupdate ko sorry talaga, May Problema kasi ako sa wattpad ko dahil nawala bigla ang iba kung drafts kaya naman hindi na muna ako makakapagupadate ng matagal.

(Well as always naman na matagal mag-update.)

Don't cha worry, sa t'wing magaupdate ako ay mag-aupdate ako ng tig-tatlong chapters💓

ENJOY💖

-Christinastic❣️

Battle Between The Heart And MindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora