Chapter 31

33 2 0
                                    

Sophia POV

Nagising ako dahil sa Ilaw natumatama sa mukha ko, ng imulat ko ang mga mata ko nakayakap pa din pala ako kay Kuya At ganoon din siya saakin.

Napangiti naman ako Dahil doon, ganito na ba talaga ako kaclingy sa Kuya ko? Mabuti nalang talaga At hindi siya nagsasawa saakin, kung mangyayari yun. Nako!

Iiyak talaga ako, Pero syempre Joke lang. never akong iiyak dahil yun ang Gusto ni kuya.

He wanted me to become more stronger.

Tumayo na ako, At napatingin sa cellphone ko.

5:40 am maaga pa naman, maliligo na mun ako mamaya ko nalang gigisingin si Kuya.

Pumasok na ako sa Kwarto ko At kumuha ng tuwalya pagkatapos ay dumeretso na ako ng bathroom atsaka naligo.

Ilang minuto lang akong naligo dahil minadali ko talaga 'yon Gusto ko kasi na mapaaga ako para naman makabawi ako sa hindi ko pag-attend ng mga works ko kahapon.

Nagbihis na ako At nagayos maya-maya pa ay bumaba na din ako, mabuti nalang At tapos na si Manang Magluto kung kaya hindi na ako maghihintay.

"Good morning Manang." Bati ko sakanya ngumiti naman siya

"Good morning, maaga ata tayo ngayon ah?" Sabi niya kaya naman napangiti ako

"Kailangan po kasi." Sabi ko sakanya At sumandok na ako ng pagkain ko.

"Ipagtitimpla na muna kita ng gatas mo,sandali lang" Sabi niya kaya naman Tumango nalang ako

"Thank you po." Sabi ko At kumain na

5:50 am

Hmm, makakaalis naman siguro ako ng Bahay by 6:00 am.

"Ito na ang gatas mo." Sabi ni Manang kaya naman ngumiti ulit ako sakanya At nagpasalamat

At pagkatapos nun ay ininum ko na At kumain na ulit.

"Anjan na po ba si Manong?" Tanong ko kay Manang

"Oo, nasa labas na. Hindi mo ba hihintayin Kuya mo?" Tanong niya

"Hindi na po, pakisabi nalang." Sabi ko sabay labas ng Bahay

"Pakisabi na lang din po kay mommy mauuna na ako." Pahabol ko pa.

Nag-thumbs up naman siya saakin At dumeretso na ako sa sasakyan na ngayon At handa ng Umalis

"Good morning po manong." Bati ko sakanya

"Good morning." Bati niya saakin pabalik.

"Manong, 'Wag na po natin hintayin si Kuya I have something matters to do sa school. Kaya mauuna muna tayo for now." Sabi ko kay manong kaya naman Tumango nalang siya At pinaandar na ang sasakyan at nga drive papunta sa school

"Thank you po manong, Hindi na po ako magpapasundo mamaya." Sabi ko sabay pasok ng University

Hindi masyado madami ang mga estudyante dahil maaga pa naman kaya naman dumeretso na ako ng SC office.

Mabuti nalang At nagdistribute ng mga keys si President kaya kapag Ikaw ang mauunang dumating Ay May susi ka kung papasok ka sa office na nakalock ang pinto.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapansin kung Hindi naman ito naka lock, kaya naman pinihit ko ang doorknob at tama nga ako.

Nakalimutan ba nilang ilock ang pinto o sadyang andito na silang lahat?

Ng maka pasok ako ay kaagad kung nakita Si Ciyan na nakayuko sa mesa niya.

Anong ginagawa niya dito? Bakit sobrang aga naman ata?

Napakunot ang Noo ko ng lumapit ako sakanya, tambak ang mga papers na nakapatong sa lamesa niya.

Maybe he finish all of his paper works— what the? Wag mo sabihing hindi siya umuwi ng Bahay nila?

Gigisingin ko sana siya kung nakauwi ba siya sa Kanila o wala, dahil na co-curious na talaga ako.

"Pres?, Ciyan? President Ciyan" pukaw ko skanaya

"Mmmm." Unggos niya lang kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na tignan siya ng matiim.

His eyebrow, his nose, his kissable lips. They are so attractive.

Kaya hindi ko na malayan na medyo lumalapit na pala ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa

"Anong ginagawa mo?"

——-

A/N: sorry to keep you waiting, I love you all.

Battle Between The Heart And MindWhere stories live. Discover now