Chapter 2

5 0 0
                                    

     May humawak sa palda ko at
pag tingin ko isang batang lalaki lang pala.

" Ate may hinihintay ka po ba?"

" Ah e oo eh bakit?"

" Ikaw rin poba si Ate LIANDRYLE FUENTECILLA? "

" Aaa-ay  Oo pano mo ako nakilala?"

" Kasi ate may pinapasabi po si kuyang pogi kanina na kapag may nakita ako babae na nag aabang at maganda
Maganda ang mata maputi  maalon ang buhok at higit daw po sa lahat maliit hehe. Puntahan ko daw po at sabihin na hindi daw po niya kayo masasabayan kasi daw po  bigla siyang niyaya ng Tropa niya na mag basketball kaya yun po"

Bigla tuloy akong naghinayang pero hindi ko iyon pinahalata sa bata, ngumiti at nagpasalamat nalamang ako sa bata kahit hindi niya sinabi ang pangalan alam ko na si Taylar yun

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si tita na nag lilinis ng bahay habang si tiyo naman ay nag iinom nanaman.
Nag mano ako kay tita at tiyo at pumasok sa kwarto at nag bihis
Sa sobrang pagod ko hindi na ako nakakain ng hapunan at nakatulog na.

Palaging ganun ang nangyayari sa araw araw pagod stress pero laban lang para sa pangarap.
2linggo narin ang lumipas nang nagsimula ang klase. Meron narin akong kaibigan pero bilang lang sa daliri ng kamay si Taylar? Yun diko na nakita simula nung 2linggo alam ko naman busy siya kasi varsity siya

Gumising ako ng 4am ng umaga upang mag luto ng aming makakain
Pagkatapos kong magluto ay nag linis ako ng bahay at naligo
8:30am pa naman ang first class ko pero 7:00am palang kahit maaga pa ay nagsimula na akong maglakad 20minutos lamang naman ang aking lalakadin upang makapunta sa school pero pag may pera ako ay namamasahe Naman ako
Nagtitipid kasi ako para sa ipon ko reregaluhan ko kasi si Tita ng Washing machine para hindi na siya mahirapan sa paglalaba

Nakarating narin ako sa school at dahil maaga pa naman ay tumambay muna ako field at nag  advance lerning total naman ay makulimlim at masarap ang  simoy ng hangin dito.
Habang nag babasa ako ay nakikinig ako ng music
Napansin ko na malapit na palang mag time

Nasa class room na kaming lahat at  naghihintay nalang ng teacher
Biglang tumahimik ang loob ng room namin at nakita ko papalapit na si sir Aldin Lee teacher sa Math
Gwapo si sir aakalain mo nga na istudyante rin siya dito dahil sa kakisigan ng kanyang katawan.

Natapos ang 2 klase namin ngayon recess na habang nag lalakad ako mag isa nagulat ako nang biglang may nagtakip sa mata ko.

"Uy ano ba sino ka pag hindi mo tinanggal yang kamay mo papatayin kita".

" Grabe ka naman Lian na miss lang naman kita eh"

"Ay Taylar ikaw lang pala"

"Sorry hindi na kita napupuntahan sa room nakakasama o kaya nahahatid busy kasi masyado sa laro e pasensya na wala na tuloy tayong time para mag usap"

"Ano kaba okay lang wala naman akong karapatan no"

"Uy wag mo ngang isipin yan bestfriend kaya kita kaya mas mahalaga kapa sa iba"

" Drama mo tara na nga gutom nako"

Nag nasa canteen na kami
Sabi niya na siya nalang ang oorder ng pagkain namin at ako naman ay maghanap ng pwesto.
Nang nakahanap na ako nang pwesto naghihintay nalang ako sakanya.
At pagkalipas ng ilang minuto dumating na siya

" Oh Lian eto na ang  pagkain natin favorite mo binili ko
Fries tinapay at tubig alam ko naman na tubig  kalang e"

" Salamat aah sige maupo kana"

Habang kumakain kami hindi maiwasan ang pag bubulungan ng mga tao sa paligid dahil itong kasama ko ay sikat lang naman.

"O Lian bat ang tahimik mo?"

" Ah hindi lang kasi ako sanay na ang daming nakatingin sa akin satin"

" Gwapo kasi bestfriend mo kaya ganun"

Hinampas ko siya sa balikat at nag tawanan kami
Matapos ang recess ay pumunta na kami sa kanya kanyang subject class.

T.L.E ang subject namin ngayon
Electronics ang strand ko kasi dito ako nabunot.
Umupo sa pinakalikod ko at nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ko

" Taylar?"

"Lian bakit parang nakakakita ka nang multo sa gulat a?

" Kasi.. nagulat lang ako hindi ko inaasahan na magiging kaklase kita"

" Ako hindi na magugulat kasi simula ngayon alam kona lahat ng schedule mo"

At tinas niya ang isang piraso ng papel

" Ha? Pano mo nakuha yan e"

" Wag ka magisip ng iba Kasi alam mo naman ang bestfriend mo gwapo at madiskarte"

" E kasi bakit kailangan mopang gawin yan?"

" Para malaman ko kung saan kita susunduin pag namimiss kita"

"Yan ka nanaman eh tama na nga mag sisimula na ang klase"

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now