Chapter 7

3 0 0
                                    

Hindi pumasok ang first second and  third teacher namin kasi karamihan sa mga teacher  namin ngayon ay busy dahil sa mga hawak nilang sports . Bali ngayong araw ay dalawa teacher lang ang pumasok kapag lunes ay break namin sa Strand naming Electronics kaya napag pasyahan ko na manood nalang ng laro ni Taylar

"Go go go  go VANDALFS"

"Go go go go  Dartech"

Vandalfs at Dartech pala ang naglalaban lamang ang Vandalfs ng sampung puntos 80-70 ang score pero parehas na magagaling team pero palagi daw nag wawagi ay ang Vandalfs. Vandalfs team si Taylar kaya sa Vandalfs ako hehe .
Umupo ako sa may unahan malapit sa bench sana para makita ako ni Taylar Half break pa naman may dala akong tubig kasi baka uhaw siya at kailanganin niya kaso nang pagpunta niya sa bench ay may lumapit sa kanyang babae at hinilikan ito sa pisngi pinunasan ang pawis at pinainom ng tubig at ang kamay naman ni Taylar ay napunta sa Bewang ng babae.
Biglang kumirot ang puso ko ayaw ko nang makita ang susunod na mangyayari kaya umalis na lamang ako at nag tambay sa Field sa favorite kong pwesto sa malapit sa puno.

Habang nag babasa ako ng book ay may biglang tumabi sakin si Carmela pala

"Hi Lian"

"Hello carmela napadaan ka?"

"Ah kasi Lian papatulong sana ko"

"Ha sige saan ba yan"

"Sa pag didesign ng letter"

" para saan o tungkol saan bang letter?"

" sa boyfriend ko hehe"

" may boyfriend kana pala diko alam kala ko kasi masyado ka lang seryoso sa pag aaral sige tulungan kita simula na tayo may mga gamit kaba diyan?"

"Oo ito"

Habang nag gagawa kami ng design ay nag kukwentuhan kami . 2hours pa naman bago mag next class

"Lian nag ka boyfriend kanaba?"

"Wala man since birth akong single para kasing ayaw kong subukan kasi kapatid kasi ni love si hurt e kaya natatakot akong magmahal"

" ah ganun ba Pero may nagtangkang  manligaw sayo?"

"Oo naman pero dahil  study first ako lahat basted"

"May nag mamay ari na ba ng puso mo?"

"Oo naman"

"Sino"

"Malamang ako hahaha kung wala akong puso baka mamatay ako hahaha"

"Pero hindi nga seryoso"

"Tama na nga tapusin na natin to para makapag review nako"

"Nilalayo ang usapan"

"Tumigil kana carmela haha"

Natapos na namin at tuwang tuwa si Carmela

"Maraming maraming salamat Lian napaka bait mo talaga bye salamat talaga"

"Sige bye"

Habang papunta ako sa susunod kong klase ay nakita ko si Taylar at yung babae kanina na sabay maglakad naka hawak yung babae sa braso si Taylar at si Taylar naman ay parang walang pake at naka hawak lang sa bulsa at nakatingin sa dinadaanan.
Upang hindi kami magkasalubong ay dumaan nalamang ako sa soccer field kahit mainit pinagtitinginan tuloy ako.
Hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan pero ayaw ko muna siyang makita.

Nasa kwarto nako ngayon dahil alam nila tita at tito na pagod ako hindi na nila ako pinagtinda at inabala pa. Kinuha ko ang Picture frame sa lamesa ko ang Huling Family picture namin nila Papa Mama at Kuya masaya kami dito dahil pagkatapos naming mag simba ay nag star city kami at nag pa picture nadin. Naiiyak nanaman ako sa tuwing naalala ko ang araw nayun.Pinunasan ko ang luha ko nang narinig kong kumatok si tita

*Toktok*

"Lian kakain na tayo adobong sitaw na may okra ang ulam"

"Wow ang sarap naman po tita tito salamat po"

Nagdasal muna kami bago kumain
Pagkatapos kumain ay nag hugas na ako ng plato at pinunasan ito.
Habang nag huhugas ako ay hindi nawala sa isip ko yung babae at si Taylar kanina

Dahil sa sobra kong pagod ay nakatulog na ako

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now