Chapter 5

7 0 0
                                    

Tapos na ang 1st grading at awarding na nasa top ako top2 ako sa klase kaya masayang masaya ako at si tita at tito mamayang 3:00pm ang awarding ceremony sa Stage kasi sinasagawa ito kada grading.

Lumipas ang oras at 3:00pm na at Dahil Section-A kami, kami ang huling tinawag nag simula kasi sila sa huling section. Ang section namin tinawag ang
Top1 si Carmela San Juan mabait siya at close din kami at susunod naman ay Ako na ang tatawagin

" LIANDRYLE FUENTECILLA"
Tinawag na ako at umakyat sa taas ng stage at kinuha ang isang certicificate at tatlong medal kinamayan nila ako at nagpasalamat. At natapos na ang ceremony

" Congrats Liannnnnnnn"

Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng aking pangalan at napangiti ako ng makilala ko kung sino ang sumigaw si Taylar
Nang pababa na ako sa stage ay bigla niya akong sinalubong ng yakap. Kaya ang aking muka ay para nang makopa sa sobrang pula.

"Congrats Lian ang galing mo talaga"

"Salamat Tayla, nasa top ka rin ba at naparito ka?"

"Ah wala e hehe nandito lang talaga ako para i congrats ka kasi baka hindi kita makita mamaya may practice kasi kami ng basketball bukas na kasi ang laban manood ka ha?"

" Wow naman salamat, sige manonood ako at ipag cheer kita"

" Ah lian eto nga pala regalo ko sayo"

At bigla niya akong nilagyan ng kwintas at may nakalagay na T

"Yan T ang napili kong design para malapit ako sa puso mo, at kapag malungkot ko naman o may problema kahit masaya  at wala ako sa tabi mo ay kausapin mo lang yan naparang ako lang
Para palagi mo akong maalala at hindi makalinutan"

" Salamat Tylar nag abala kapa at bakit ba para kang nag paaalam sa mga sinasabi mo"

"Nakapag desisyon na kasi ako sa pagkatapos ng 2nd grading aalis nako"

" Ah kaya pala pero sana kahit nasa manila kana wag mo akong kakalimutan ha?"

" hindi hindi kita malilimutan baka nga ikaw pa ang makalimot"

"Bata palang tayo magkaibigan na tayo Lian kaya malabong mangyari yun sige Bye na may practice pa kmi ingat ka" naglalakad na siya pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik at kiniss ako sa pisngi? Hindi na dapat ako magulat pa kasi parati naman niyang ginagawa yun lalo na kapag aalis siya pero hindi mawala saakin ang kiligin.

Nasa tapat na ako nang bahay namin nang nakita ko si tita na nag lalaba

"Tita mano po"

" O Lian nag luto ako diyan ng favorite mong sinigang na baboy para makapag celebrate naman tayo ng pagiging honor mo"

" Tita? bakit nag abala pa po kayo wala po tayong pangulam bukas masyado pong marami at mahal ito"

"Lian, nakuha kasi ako sa trabaho kahapon 200 isang araw"

"Maraming salamat po tita tito"
Niyakap ko sila at na paluha nanaman ako

" Lian kumain kana diyan"

" sige po tito kayo poba nakakain na?"

"Mamaya na ako Lian nabusog ako dahil ako nagluto niyan"

" Masarap po ito tito kasi ikaw ang nag luto"

" Bakit lian pag ba ako nag luto hindi masarap?"

" Ay, hindi naman po tita  masarap din naman po haha Salamat po sa inyo"

Habang kumakain ako naalala ko na Birthday na nga pala ni Tita sa sa Linggo buti nalang at ang naipon ko ay umabot na ng 3700 kulang pa ng 300 para makabili ng washingachine pero gagawa ako ng paraan.

Sabado ngayon Kahit sabado maaga parin akong gumigising para maglinis, magluto at magtinda.
Kakatapos kolang mag linis magluto at  paligo narin ako
Magtitinda nalang ako papunta na ako sa palengke upang magtinda nang Kalamay na Aling Sese kapag na pa ubos ko lahat ng paninda niya binibigyan niya akong 250

"Kalamay kayo diyannnnn"
Sigaw ko habang nag papaypay dahil sa init malapit ng maubos mga 6 nalang 25 kasi isang kalamay masarap naman ito at malaki.

" Miss magkano isa?"

" 25 po Kuya"

"Sige bilhin kona lahat"

"Po? Ito pong anim?"

"Oo bakit ayaw moba?"

"Ay syempre po gusto 150 po lahat kuya"

"O eto bayad"

"500? Kuya wala po ba kayong barya diyan wala po kasi ako panukli"

" Ah wag na keep the change nalang"

" Ay kuya wag na po babalik nalang po ako magpapa barya nalang po ako"

"Miss wag na ok nagmamadali nadin ako may naghihintay na sakin sige wag ka ng mahiya sayo nayan"

"Ah maraming marami salamat po kuya"

" Sige" at biglang ngumiti si kuya
Ang ngiting yun parang nakita kona pero hindi ko alam kung saan

Masaya akong nakauwi at dala dala ang na kinita ko sa napag trabahuhan ko kanina pagod pagod ako pero dahil sa binigay ni kuya kanina sumumbra ang pera ko sa pag order ng washing machine at idedeliver bukas ng umaga para wala pa si tita...

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now