Chapter 4

4 0 0
                                    


     Hotel?????
Nagulat ako nang nakita ko na nakahiga at wala akong gapos sa magandang kwartong ito.
Habang ako'y nag iisip ay bigla akong nagulat at bumukas ang pintuan at lumabas dito ay si TAYLAR??

"Oh gising kana pala, oh eto pagkain baka gutom kana 2oras kading tulog"

" Ha? Dalawang oras? Pano ko napunta dito? Yung mga paninda namin nasan na?"
naguguluhan ako sa nangyayari

" Isa isa lang kasi ganto yun pag dating ko sa bahay naisipan kong pumunta sa bahay niyo nang nasa bahay niyo na ako sabi ni tita nag punta ka daw sa hotel namin para mag dala ng mga paninda pagkasabi nun ni tita ay umalis na akong upang sundan ka nakita kita na naglalakad kaso may sumusunod na lalaki sayo kaya nagmadali ako na puntahan ka nakita ko na tinutukan ka sa leeg pero bago kapa niya sasaksakin ay tinadyakan at sinuntok ko ito at nakita kita na hinimatay at dinala na kita dito sa hotel at yung mga paninda naman ay nabigay kona kay Mommy"

"Salamat ah kala ko patay nako kasi nakita all white haha pero salamat talaga ah"

"Walang anuman o kumain kana gutom kana tska tinawagan kona tita mo at sinabi ko na nandito ka samin hahatid Nalang kita mamaya"

Habang kumakain hindi ko lubos maisip na darating si Taylar at ililigtas ako hindi maalis sa muka ko ang kasiyahan dahil sa nangyari.

Natapos akong kumain at sinabi ko kay Taylar na uuwi nako pero sabi niya mag usap muna kami

"Ano ang pag uusapan natin?"

"Kasi Lian pinagiisipan ko kung lilipat ba ako ng manila pag dating nang 3rd grading"

Para akong pinako sa aking kinatatayuan  ng narinig ko ang mga salita na sinasabi niya
Pero naisip ko na para din naman sa kanya kung mag aaral siya dun.

" A ganun ba goodluck ah? Ingat ka"

"Wala ka bang sasabihin?"

"Wala, wala naman akong magagawa diba?"

Hindi siya sumagot sa huli kong tanong. Nang nakasakay na kami sa kotse niya ay wala mang imikan ang nangyayari kaya dahil sa awkwardness ko ay pinindot ko ang radio at nag patugtog nalamang

*You are the reason* playing

And you are the reason

Yan lang ang naabutan naming lyrics sa kanta kaya Pinatay ko nalamang para bang nananadya ang panahon sa pakiramdam ko ngayon.

" Jan nalang"

"Diba dun ba ang bahay niyo sa kabilang kanto?"

"Lalakadin ko nalang"

" wag na baka mapano kapa"

"Sige salamat sa pag hatid at pag tulong sakin kanina"

"Walang anuman una na ko ingat ka lagi ah kita nalang tayo sa school"

"Sige ingat kadin bye"

Pag pasok ko sa bahay ay nakita ko si tita at tito na nanonood ng TV at nag mano ako.

"O Lian nandito kana pala kamusta nasabi sakin ni Taylar ang nangyari"

"Ok napo ako tita buti nga po at dumating siya

" Lian sa susunod ako nalang ang mag dadala sa hotel at kung baka mapano kapa"

"Tito wag na po hindi na po mangyayari yun"

"Hindi, ayoko nang mapahamak kapa ikaw lang ang bukod tanging mag aangat sa atin sa kahirapan at tinuring kanarin namin na parang tunay na anak"

Naiyak ako sa pinagsasabi nila tita/tito sila na ang tumayo na pangalawang magulang sakin dahil simula ng 5years old ako namatay si papa dahil sa sakit diabetes  at nang  7years old naman ako nawala si kuya dahil niligtasan niya ako sa Dagat nun dahil birthday ko noon sa Beach kami nag celebrate at dahil nag lalaro ako sa pangpang mababaw lang naman ito pero naramdaman ko na bigla akong lumobog dahil tumaas ang tubig dahil daw ng High Tide bigla at nilagtas ako ni kuya pag kagising ko nasa hospital ako at umiiyak sina mama tita at tito at sinabi nila na Hindi na makita ang katawan ni Kuya Pinaghahanap siya mga 1month din pero hindi parin makita ang katawan ni kuya kaya kahit masakit ay dineklara na patay na si Kuya pero para saakin ay buhay parin si kuya dahil sa kanya buhay parin ako hanggang ngayon 6years ang Gap namin ni Kuya Leondrei at nung10 years old naman ako ay sumunod si mama si mama naman ay namatay dahil daw sakit sa puso. Mahirap mabuhay ng wala ang magulang sa tabi mo parang ayaw ko nang mabuhay dahil dun. Pero buti nalang at dumating si tita at tito at kinupkop ako nang parang tunay na anak si tita napaka bait sakin si tito mabait naman pero pag nalasing siya palagi niya nalang ako pinag sasabihan ng kung ano ano pero hindi pa naman umabot sa point na saktan niya ako. Kaya maswerte parin ako at may pamilya parin ako.

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now