Chapter 18

5 0 0
                                    

Naramdaman ko na may tumatapik sa aking balikat

"Lian wake up"

Si kuya Leon pala

"Kuya, pasensya na nakatulog ako"

"Okay lang kadadating kolang din naman"

"Kamusta kuya"

"Okay din naman pagod sa trabaho, tara kain na tayo"

"Sige po"

Habang kumakain kami

"Lian simula ngayon dito kana titira"

Nabulunan ako sa sinabi ni kuya

"Po-oooo??"

"Oo dahil iyon ang dapat ikaw din ang taga pag mana ng isa kong Resort dito kapag nakapag tapos kana ay ikaw ang mag papatakbo at magpapa lago nito sakto naman dahil business ang kinuha mo"

"Kuya anong pong mga pinagsasabi mo hindi ko maintindihan ang sinabi niyo lang po saakin ay mag tatrabaho ako sa restaurant niyo"

"Lian sana wag kang mabibigla sa sasabihin ko"
Kinakabahan ako sa sasabihin ni kuya

"Ano po ii...yon?

"Kasi Lian ano... kasi.. ah kasi.. Ako ang nawa....wala mong kuya"
Hindi na ako nakagalaw sa sinabi ni kuya Leon hindi parin ako makapaniwala kaya pala una palang napaka gaan na ng loob ko sakanya ang mga ngiti niya kaparehas ng kay kuya ko kaya pala kasi iisa lang sila
Napaka saya ko kasi hindi pa pala ako nag iisa at may kasama padin ako ang pinakamamahal kong kuya ay buhay pa
Iyak ako ng iyak dahil sa sobrang saya hindi ako makagalaw

"Na miss kita Bunso"

"Kuya"wala akong masabi puro hikbi at iyak lang ang nasa sabi ko

"Kuya, pano ka nakaligtas at bakit ang ganda ng buhay mo bakit hindi mo ako pinuntahan at bakit nag iba ang pangalan mo
Bakit nawala ang peklat mo sa noo? at apilyido nag bago ang gulo kuya"

"Ikukwento ko sayo Lian"

"Nung araw na niligtas kita tinangay ako ng malakas na alon pag kagising ko ay nasa isa na akong kwarto At may isang matanda ang lumapit sakin siya ang nag ligtas sakin  siya si Don. Fasio Gonzales dahil wala siyang anak at napaka yaman niya inampon niya ako dahil nga 12years old palang ako noon naguguluhan ako kung bakit niya ginawa niya yun ang sabi niya ay naawa siya saakin sa resort niya napadpada ang katawan ko at ginamot ako sa hospital 1linggo rin pala ako tulog pinalitan niya ang pangalan ko at ang surname ko para mapag kamalan na anak niya ako para sa pinamana niya saakin napaka bait ni Don. Fesio tinuring niya talaga akong tunay na anak pinag aral niya pa
Ako at nakapag tapos ako sa California pag katapos kong mag aral ay ako na ang nag handle ng mga kompanya niya mga resort hotel at marami pa dahil alam niya na may kapatid pa ako sabi niya saakin ako na ang bahala kung alin sa mga kompanya niya ang ibibigay ko saiyo
At noong nakapag tapos na ako ay namatay si Don.Fesio nag papasalamat talaga ako sakanya napaka buti niyang tao
Kaya nawala ang peklat ko sa noo ay pinaalis ito ni Don. Fesio para daw hindi agad ako makilala ng tao na nakakakilala saakin.
At kaya kita hindi pinupuntahan ay ayaw ko munang mabigla ka pero simula ng ampunin ako ni Don.Fesio ay pinababantayan ka na namin at nang nakapag tapos na ako ay ako na mismo ang nag babantay saiyo  alam nila Tita Livienne at Tito Ronnie na buhay na ako at alam nila na dito ka na titira ang pinaghanda mo noong granduation bigay ko kay tita iyon kahit hindi mo alam ay iniisip ko ang kaligtasan mo, mahal na mahal kita Lian ayaw ko na napapahamak kita miss na miss na kita gustong gusto ko nang sabihin na ako ang kuya mo ako pero nag pipigil lang ako para din saiyo"

Hindi ako makapaniwala sa mga pinag sasabi ni kuya Leon pero masaya ako dahil siya ang kuya ko

"Kuya salamat mahal na mahal din kita at miss na miss din kita, kuya sana wag ka ng mawala pa at iwan ako"

"Pangako Hindi na ulit"

Niyakap ako ni kuya at kiniss sa buhok

"Nga pala Lian dahil bakasyon palang naman ay kung gusto mo ay bisitahin mo ang resort na pag aari mo?"

"Saakin po talaga?"

"Oo Lian"

"Sige po kuya pero hindi kopo alam ang gagawin"

"Tuturuan ka naman ng secretary ko bunso"

"Ganun poba salamat kuya kelan po mag sisimula?

" Sa monday na lang bukas linggo mag date tayong mag kapatid"

"Ayieee sige kuya gusto ko yan"

"Sige na matulog kana at pagod kapa bunso"

"Ikaw din kuya, good night sweetdreams"

"Iloveyou Bunso"

"Iloveyoutoo kuya"

At umakyat ako papunta sa sarili kong kwarto napaka laki nito malaki pa sa bahay namin hindi talaga ako makapaniwala pero masaya nadin alam pala nila tita at tito pero naiintindihan ko naman sila kaya hindi nila sinabi saakin.
Hinawakan ko ang kwintas at kinausap ito

"Alam moba na ang saya ko ngayon kasi buhay pala si kuya at hindi na ako nag iisa sa buhay
Sana masabi ko sayo ito ng personal at mag kita na tayo nandito naman ako sa Manila san ka kaya sa Manila nakatira,
Sana masaya ka ngayon"
Kiniss ko ang ibinigay na kwintas ni Taylar at nagdasal at natulog na ako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now