Chapter 16

5 0 0
                                    

Maagang akong gumising para sa pag alis ko pa manila
At sabi ko nga pala sa sarili ko na pupunta muna ako sa Tagpuan at mag paaalam

Nandito na ako sa tagpuan at hindi ko na malayan na tumulo na ang luha ko nag taggal din ako ng 10minuto dito at napagpasyahan ko ng umalis ng naka ramdam ako na may tao sa likodan ko at pag harap ko isang matanda ang naka tingin saakin

"Lolo sino po kayo at ano po ang ginagawa niyo dito"

"Ako ang taga pag bantay ng lugar na ito simula ng umalis si Sir"

"Po? May bumili napo nang lugar na ito?"

"Oo matagal ng may bumili nito lupang ito kasi ireregalo daw  ni sir sa magiging asawa niya ang lugar na ito"

Pano ko mabibili ito kung may nakabili na plano pa naman naming bilhin ito ni Taylar pag nakapag tapos na kaming parehas at may maganda nang buhay at trabaho. Dahil sabi niya saakin kahit may kaya sila sa buhay ay ayaw niyang umasa lng sa mga magulang niya gusto niya ay sariling sikap niya kapag nakapag tapos na siya
Bumalik ako sa reyalidad at kinausap si Lolo

"Lolo maari pobang malaman ang pangalan ng bumili nito"

"Paumanhin ineng pero ang bilin saakin ni sir ay hindi ko pag sasabi ang kanyang pangalan"

"Ah ganun poba"

"Tska sa tagal ko nang nag babantay dito minsan ay nakikita kitang nag pupunta dito at umiiyak ano bang problema?"

" Na mimiss kona po kasi ang kaibigan ko siya po kaya na mimiss ako"

"Sigurado akong nami miss ka din niya"

"Ah sige po lolo salamat po at mauuna napo ako"

"Saglit lang ineng kunin mo ito at baunin mo kung saan ka man paparoon" inabutan ako ni Lolo nang isang plastik ng rambutan
Wow favorite ko to

"Salamat po lolo favorite kopo ito salamat po"

"Sige mauna na ako"

"Ingat po kayo"

Pauwi na ako sa bahay habang dala ang mga rambutan ng nakita ko si Sir Angeles papunta sa bahay namin kaya tumakbo ako at nilapitan siya

"Sir Angeles? Umaano po kayo dito?"

"Lian sakto pupunta ako sainyo para ibigay ito"
Inabot saakin ni Sir Angeles ang isang papel at binuksan ko ito nakalagay ang pangalan ng aking pag aaralan school

" FAITH INTERNATIONAL SCHOOL" sa FIS ako mag aaral hindi ako makapaniwala dahil ang school na ito ay kilala talaga at pinag uusapan dahil sa ganda lawak at magaling daw magturo ang mga teacher doon

"Maraming salamat po sir"

"Ang galing mo Lian dahil ang school na yan ay bihira lang may maka pasok na scholar dahil mapili talaga sila sa pag kuha galingan mo Lian sayang ang scholarship mo kung sasayangin molang at hindi mo ipagbubuti"

"Pangako ko po mag aaral po ako nang mabuti"

"Sige mauna na ako binigay kolang talaga sayo yan mag ingat ka sa pag byahe ngayon nadin va ang iyong alis?"

"Opo sir"

"Sige ingat ka"

"Salamat po"

Dahil sa sobrang kasiyahan ko ay niyakap ko si Tita

"O,Lian napano ka? At sobrang saya mo"

"Titaaaaa sa FIS ako makakapag aral"

"Wow talaga! Ang galing mo talaga Lian Napaka talino mo bihira lang ang maka kuha ng ganyan opurtunidad"

"Opo tita, tita kunin kolang po ang mga gamit ko sa taas"

Habang kinukuha ko ang gamit ko ang mga gamit ko ay tinitingan ko ang certificate na scholarship na bigay ni Sir Angeles saakin hanggang ngayon talaga ay nakakagulat parin na sa FIS ako mag aaral nilagay ko sa bag ang binigay ni lolo na rambutan at kinain ko ang dalawa

Pinuntahan ko si tita at tito nanakaupo sa harapan habang nag gagawa ng mga souvenir na kabibe, 10pm na pala aalis na ako  mag papaalam na ako sakanila niyakap ko sila at napaiyak na ako

"Tita tito maraming salamat po sa lahat ma mimiss kopo kayo"

"Ma mimiss ka din namin Lian mag ingat ka sa manila ha wag kang mag papadalos dalos ng desisyon at wag kang mag papaloko sa mga lalaki at lalong lalo na wag ka basta basta mag titiwala sa mga tao na hindi mo kilala"

"Opo tita, tito"

"Tumawag ka Lian uso ang cp ha"

"Hehe opo bibili po ako kapag nakapag apply na po ako kabisado ko nama po ang number niyo"

"O sige na, mahaba pa ang lalakbayin mo siya nga pala Lian wag kang matutulog sa Byahe at baka maligaw ka marunong
Ka naman mag basa at mag tanong tanong ka nalang pag di mo na alam kung nasan ka"

"Salamat po sainyo mauna na po ako tita"

Umiiyak si tita at si tito naman ay nakangiti ang mukha pero ang mata ay malungkot

Pumara ako nang Tricycle at nag pahatid papunta sa terminal na papunta sa Manila madami akong dalang maleta dahil sa mga damit ko kaya mahirap mag buhat
Nang nakarating na ako sa terminal ay swerte ako dahil kaunti lamang ang pa byaheng manila na naka pila kaya na ka hanap na agad ako ng mauupuan at ang ibang gamit ko ay naka lagay sa compartment ng bus dahil sa laki at dami
Nag simula nang umandar ang bus at nag dasal narin ako bago umalis para masiguro ko na ligtas ang aking pag byahe dahil kasama ko ang Panginoon sa lahat ng bagay

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now