Chapter 11

2 0 0
                                    

Ngayong araw ang Awarding day ng 2nd grading at ako naman ang top1 at si Carmela ang top2 lahat nang section namin ay nasa top walang nalaglag kaya masaya. Naalala ko tuloy noong 1st grading sumigaw si Taylar at sabi niya congrats pero ngayon ay wala siya. Nakakalungkot lang.

Natapos ang awarding day at nakauwi nako 12pm palang balak kong pumunta sa bahay nila Taylar kasi ngayong araw  ang pag alis ni Taylar patungo sa Manila
Hindi kopa siya nakikita ngayong araw suot ko ang parehas na bigay niya sakin.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay nakita ko siya na paalis na sasakay na sana siya ng kotse at tatawagin kona din sana ng bigla may lumabas galing sa loob ng bahay nila at hinatak siya at hinalikan sa labi.
Bigla nalang may kumirot sa aking dibdib at sabay ng pagtulo ng aking luha. Ayoko nang makita pa ang susunod na mangyayari at minabuti ko nalamang umalis.

Habang naglalakad ako napag pasyahan ko na pumunta muna sa dati namin tagpuan at magpahangin wala naman tao dito dahil bihira lang ang pumunta dito.
Buti nalang at may dala akong kalamay ang siyang kinain ko habang nakatingin sa magandang tanawin kitang kita mo kasi dito ang magandang hugis ng bulkang Taal
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at sinabay ko ang pag sigaw ko nang....

"Mag iingat ka Taylar mahal na mahal kita, pangako mag aaral akong mabuti para maging scholar ako sa pinag aaralan mo at papatunayan ko na makakaahon kami sa hirap at mapapantayan din kita"

Matapos kong isigaw yun ay umalis na ako
Napag pasyahan ko na umuwi na.
Nakita ko si tita na nagluluto ng hapunan at si Tito naman ay kakadating lang galing trabaho

"Oh Lian san ka galing?"

"Dun lang po tito sa tagpuan nag pahangin"

"Pagkaluto ng ulam kumain na tayo magbihis ka muna"

"Opo tito"

Habang nag bibihis ako ay hinawakan ko ang binigay ni Taylar na kwintas at kiniss ito

"Lian tara na't kumain"sigaw ni tita mula sa kusina

"Papunta napo tita"

*Habang kumakain*

"Lian na balitaan ko na ikaw na pala ang top1 sa klase niyo at natalo mo ang dati napaka galing mo talaga believe kami sayo ng tito mo"

"Maraming salamat po tita tito at pinag aral niyo ako hindi ko po makukuha ang ganitong award kung hindi po dahil sa inyo maraming salamat po"

"Pasensya na at wala kang handa pero pangako sa recognition mo ipag hahanda kita ng favorite mo"

"Tito kahit wag na po okay na ako na maka dating kayo"

"Napaka bait mo talaga, oh siya tapusin na natin kumain para maligpit na"

"Opo tita"

Natapos na kaming kumain at naapag hugas na din ako nang plato nakapag linis narin ako nang katawan kaya matutulog na ako pero bago pa man ako natulog ay nag dasal muna ako.

Biyernes na ngayon kaya halfday lang ang subject namin ngayon ay Mapeh P.E kaya naka P.E uniform kami at ang laro namin ay volleyball buti nalang at marunong ako dahil noong elementary at sa dati ko akong school ay player ako

Ako na ang mag seserve lamang kami ng 4 kung mapapasok ko ito at  hindi nila makukuha ay sigurado na ang panalo namin Girls v.s.Boys ang labanan
At pag serve ko

Booom!!!! Pasok ang bula at hindi nila nakuha panalo kami
Pagkatapos naming mag laro ay dumeretsyo muna ako sa Cr para mag ayos ng sarili dahil muka na akong bruha. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng cr. Nang biglang may tumawag sakin.

"Hey Lian"

"Hello po Mr. Angeles"

"Lian puwede ba kitang makausap?"

"Puwede naman po"

"Sige pagkatapos mo diyan pumunta ka sa room ko at sasabihin ko saiyo tiyak na ikakatuwa mo"

"Okay po sir"

Habang nag lalakad ako ay wala akong ka ideya ideya kung ano nga ba ang sasabihin saakin ni Sir Angeles

MY FRIENDSHIP LOVERWhere stories live. Discover now