one

10 1 0
                                    

Jinx's P.O.V

-_-

-_0

0_-

0_0

Andito na pala ako sa labas ng school, mukhang napasarap tulog ko. Ay joke, mukhang mas napasarap tulog ng ate ko, tulo laway ba naman, at ang dami ha enjoy lang.

"Ate gising na. Andito na tayo sa labas oh. Pwede ba punasan mo yang laway mo bago tumulo yan sa kotse, kawawa naman kasi kotse natin pag ganun, babaho." Kawawa naman kasi talaga my goodness. Ang dami na eh.

"Ito na Jiji. OA mo naman, i-palamon ko sayo toh eh." Ew! Kadiri talaga tong ate ko. Sa susunod, mag babaon na ako ng perfume at tape, para matape ko yung bunganga niyang naka nganga tapos siyempre mabaho eh, so sprespray ko agad yung perfume sa bunganga niya, perfect! Talino ko talaga.

Hi, ako nga pala si Jinx Harper Rosario. I'm 17 years old and in 10th grade. Yung ate ko naman si Violet Zoey Rosario, grade 11 na. Tatlo kaming magkapatid, yung bunso namin si Carlisle Zed Rosario, 3 years old pa lang siya. Si ate lang pwedeng tumawag sa akin ng "Jiji" kasi siya gumawa ng nickname na yan. Iba naman kasi nickname ng parents ko sakin or mga tita at tito ko, "J" naman sila.

(Carlayl po pag pronounce ng Carlisle)

Kinakabahan na ako. Paano nalang pag madaming may ayaw sakin? or ibully ako? or sabunutan? or kainin? Ay, masiyado namang OA na yun. Sana walang epal dito hays. Bagong lipat kasi kami dito sa school na toh at hindi ito ang first day of school, late kasi kami papasok kasi nag bakasiyon kami ng 1 month sa Thailand ng pamilya ko.

Mahal na mahal ko yung dati kong school eh, andun kasi mga kaibigan ko at dun na rin ako nag simula. Hindi ko nga magets si mama at papa eh, mas gusto daw nila yung school na toh kaya dito nila ako pina-enroll. Halos maiyak na ako nung nalaman ko na dito na ako papasok eh. Baka din kasi mahirapan ako mag adjust hays. Paano nalang pag ayaw nila sa akin?

Hays, ito na papasok na ako sa classroom. Jusko, kung kailan first day na first day ko, dun pa ako late. For sure, madami akong hahabuling lessons.

*knock* *knock*

"Yes? Are you the new student?" Sabi ng adviser ko, I think.

"Yes po Ma'am hehe." Ang awkard ko naman ano ba yan.

"Oh, come in."

Pag pasok ko, lahat sila naka tingin na sa akin. Yung iba naka ngiti, kumaway, at nag hi. At sinigaw talaga nila ung "hi" ha.

"Class be quiet! Nakakahiya kayo, ang ingay ingay niyo! Nakita niyong may bagong student oh."

Ay masiyadong highblood si ma'am. Natahimik naman silang lahat, hays feeling ko tuloy kasalanan ko kaya sila napagalitan.

"Sorry about that. Please, introduce yourself."

"Hi guys! My name is Jinx Harper Rosario. I'm 17 years old and I hope we can all be friends." Sabay ngiti ko ng malaki.

"What school did you enter before here in HIS?" Ang english spokening dollars naman ni Ma'am. Baha na dito sa classroom dahil sa noseblooding ko eh.

"Uhm Clark Unified School Ma'am."

"Oh I see. Well, welcome to Henry International School. I hope you enjoy your stay here. You'll be sitting at the back."

Yung CUS at HIS kasi magkalaban. Hays sana naman hindi nila ako ibully please. Habang naglalakad ako papunta sa likod, naka-tingin pa rin silang lahat sa akin. Oy! Buti babae yung katabi ko. Mukha siyang mabait ha.

"Hi! Ate K-pop fan ba daw po kayo?" Wow yun agad tanong sa akin eh. K-popers ata mga classmates ko.

"Ah oo hehe." K-pop fan din naman ako kahit papano.

"Ako nga pala si Ariel Natalie, Ellie nalang. Yun kasi nickname ko." Sabay ngiti sakin ni Ellie. Ang cute niya naman.

lunch

Papunta kaming canteen nila Ellie, Iliana, at Emma. Sila yung una kong naging kaibigan talaga. In fairness ha, ang friendly ng classmates ko. Kanina rin, si Noah, yung nasa harapan ko, tawag ng tawag sakin na pabulong kasi tanong ng tanong kung matalino ba daw ako o pwedeng kumopya. Siyempre I'm good girl, pinakopya ko na HAHAHAHA, hindi pa naman ako sure kung tama sagot ko, eh kasi may pinasagot ba naman kanina si Ma'am. Hindi ko na kasalanan pag bagsak siya kasi sinabihan ko naman siya na hindi ako sure eh.

Pumila na si Ellie at Iliana para makabili na ng pagkain. Habang kami ni Emma umupo na para hintayin nalang sila. Andami namang pogi dito, actually sa classroom din ang dami nila. Sa ngayon wala pa akong crush eh, pogi sila pero hindi ko crush. Wow, first day na first day, iniisip kung mag kaka-crush siya. Ang saya kaya ng ganito. Single, so pwede kong i-crush lahat MWUAHAHAHA.

Ang saya kasama nila Ellie! Nag papasalamat talaga ako kasi friendly silang lahat sa akin. Baka ka—

"Oh my gosh! Teh?! Ikaw ba yan?!" Bakit andito si Gian? Siya si Giana Claire for short, Gian and teh tawagan namin. Siya yung bestfriend ko since grade 2, naging mag kaklase kasi kami ni Gian sa CUS nung grade 2 kami. Pero bakit siya andito?

"Jinx?! Bakit ka andito? Miss na kita huhuhu." Sabay takbo papunta sakin ni Gian at yakap sakin. Grabe miss ko na siya sobra.

"Dito na ako nag-aaral ngayon. Actually first day ko ngayon. Ikaw? Naka uniform ka ah, bakit hindi ko alam na dito ka na at hindi mo sinabi? Nakaka-tampo ha, wala na FO na tayo."

"Ito naman ang OA, sasabihin ko naman sana kaso nawala kasi sa isip ko tapos naging busy na rin. In fairness Jinx ha, pumayat ka at ang sexy mo na. Dati kasi enjoy ka, laki laki mo. Tapos lagi ka pang kumakain kahit may klase na." Ang sakit naman mag salita nito. May compliment nga, may kasama namang lait. -_-

"Talaga ba? More please, HAHAHA char. Ayoko naman kasi mag mukhang unggoy na balloon na baboy ulit noh. Ay halika papakilala kita sa classmates ko."

"Sige ba pero I'm shy ha hihi." Dami talagang alam nito, ang pabebe kasi ng boses.

"Ah guys, si Giana nga pala, for short, Gian. Siya yung bestfriend ko sa CUS."

"Hi! Ako nga pala si Emma, ito naman si Iliana at Ellie."

Sayang hindi kami classmates ni Gian miss ko pa naman siya hays. Grabe siya kasi talaga yung bestfriend ko sa CUS. I'm so happy na dito rin pala siya nag-aaral. Bumalik na kami sa mga classroom namin, mahirap na, baka malate kami, strict pa naman daw next subject teacher namin hays.

————

So far so good naman ako sa bago kong school. Andami kong hahabulin pero andami ko ring naging kaibigan. Pero sa ngayon? Ang boring! Wala akong magawa sa bahay ano ba yan. Wala kasi sila ate at parents ko. Diba ang sama? Umalis ng wala ako. Pag ako nainis, ilolock ko talaga yung pinto hmp, who you sila sa akin. Hays maka-tulog na nga lang.

*****
Hi guys! Thank you for reading.

Nakita ko lang po sa google yung name ng school, pinagdugtong ko lang sila.

Please don't forget to vote, comment and share!

Crush BreakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora