nine

7 0 0
                                    

Jinx's P.O.V

december 9 20**

Ang saya naming lahat kasi malapit na Christmas party namin at break. Pinaguusapan nga namin susuotin namin eh.

"Hoy ikaw Jinx mag dress ka naman. Minsan lang toh eh." Sabi sakin ni Emma.

"Oo nga agree ako diyan!" Sabi naman ni Iliana.

"Bakit ba kasi lagi ka nalang naka pants, t-shirt, hoodie at iba pang damit na nakabalot ka. Bakit hindi ka mahilig sa shorts or dress or kahit anong maikli na damit? Ang ganda ganda kaya ng katawan mo." Gusto ko yung sinabi ni Ellie ha.

"Eh alam niyo naman na mataba talaga ako dati diba, pangit ganun. Kaya insecure talaga ako sa body ko una pa lang. Pero kahit na ganito na katawan ko, hindi pa rin ako mahilig sa ganun, siguro hindi rin ako sanay ganun." Paliwanag ko naman sakanila.

"Sus! Sige na pagbigyan mo na kami. Minsan lang naman toh eh, please." Pagpipilit ni Iliana sa akin. Nagpacute naman silang tatlo sa akin.

"Sige na nga! Basta wag lang kayong magpacute hindi bagay yuck!"

"Yehey!" Sigaw nilang tatlo.

Wait, kanina ko pa napapansin na ang tahimik ng boys.

"Oh bakit ang tahimik niyo ata? Ano nakain niyo?" Tanong ko sa mga lalake.

"Eh hindi na kasi namin kailangan pagusapan ang mga ganyang bagay. Kahit ano man ang suotin namin, pogi pa rin talaga kami." Sagot sa akin ni Jayden. Nag apiran naman silang apat.

"Wait nararamdaman niyo ba yun?" Sabi ko kela Ellie.

"Ang lamig! Lakas ng hangin!" Sabi naman ni Iliana.

"Hala ka nalulunod na ako!" Kunyaring nagpapanic na sabi ni Emma. Hay nako Emma. Hangin? Tapos lunod?

"Yung totoo Emma nalunod ka sa hangin? Anona? May kasama atang lindol. Huhu Lord kayo na po bahala sa pamilya ko." Kunyaring umiiyak na sabi ni Ellie.

*batok* *batok* *batok* *batok*

"Aray!" Sabi naming apat. Binatukan kasi kami isa isa ni Grayson.

"Ang dami niyong alam hmp. Pero guys may sasabihin nga pala ako." Sabi naman ni Kai. Ano kaya sasabihin nito?

"Buntis ka?" Tanong ni Grayson

"Asawa mo na si sir Science?" Tanong ni Jayden. Hindi talaga namin sinasabi yung names ng teacher namin. Minsan kasi nakakalimutan talaga namin pangalan ng teachers namin HAHA kaya nasanay kami na subject na lang. Pero pag andiyan yung mga teachers, pangalan talaga nila sinasabi namin.

"May gusto ka sakin?" Tanong naman ni Noah.

"Dami niyo ring alam gago! Ito na, hindi ako makakasama sa Christmas party." Huh?!

"Ano?!" Sabay naming sabi sa kanya.

"Wow sabay. Magbabakasyon kasi kami sa America ng pamilya ko, dun na daw namin pagsasaluhan ang Pasko. Eh December 17 yung party diba pero sa 16 kami aalis." Pagpaliwanag ni Kai.

"Ito naman si tita at tito masiyadong excited." Reklamo ni Noah.

"Oo nga naman hay nako. Pero hays sayang wala ka. Mamimiss ka namin." Sabi naman ni Iliana. Oo nga mamimiss namin siya huhu. T_T

"Yieeee! Pasimple pa tong si Iliana eh." Asar ni Grayson, nilakihan nalang siya ng mata ni Iliana at oo inaasar pa rin silang dalawa. Ako naman unti unting nag momove on, medyo masakit pa rin pero kaya naman.

Crush BreakerWhere stories live. Discover now