three

7 0 0
                                    

Jinx's P.O.V

dismissal

"Ay sorry po hehe." Wow siya pa may ganang taasan ako ng kilay eh siya nga tong naka bunggo sa akin at ako pa nagsorry bwiset. I-shave ko kilay niya eh, tignan lang natin kung mataasan mo pa ako ng kilay hmp.

Ang dami naman tao dito sa hallway ni ate nakakabanas. Nahihiya tuloy ako, ako lang ang hindi mukhang SHS dito. Actually joke lang yun mukha talaga akong SHS ewan ko ba kung anong meron sa dugo nila mama pero nagmukha akong matanda talaga. Minsan nga pinagkakamalan pa akong mas matanda kesa kay ate hays. Ayun! Nakita ko rin siya hays.

(SHS -senior high school)

"Oh Ji! Sipag ah, ikaw na sumusundo sa akin."

"Eh ikaw kasi pag hindi sinundo, enjoy ka. Ang tagal mo 'kong sunduin ayan tuloy muntik na tayong maiwan ng service natin." Napakabagal kasi kumilos sarap batukan.

"OA mo Ji. Pero true rin naman HAHAHA" Oh diba? Inamin din ng hayop.

"Sino si Ji?" Woah sino toh? Ang ganda ah.

"Ah, kapatid ko si Jiji." Ngumiti kaagad ako at kumaway sakanila. Ang gaganda pala ng kaibigan ng ate ko. Anyare sakanya? Nag mukha tuloy siyang yaya nila HAHAHA.

"Hi Ji! Ako nga pala si Lucy." Ang sexy ni ate Lucy shocks! Ang ganda ng curves ng body niya. Nahiya naman katawan ko

"Ako naman si Olivia, Liv nalang hehe." Ang cute ni ate Liv huhu.

"Hi! Ako naman si Skip. Cute mo naman Ji." Hala more please ate Skip HAHAHA.

"Ako naman si Daisy." Mukhang masungit si ate Daisy ah. Ang ganda nilang lahat huhu.

"Hi mga ates! Ang ganda niyo namang lahat." Dapat bayaran na nila ako nito, or bahay nalang kaya? or kotse? Lahat nalang mas maganda.

"Oh Ji sasama nga pala sila sa atin, tatambay muna sila sa bahay natin." Sabi ni ate. Okay na din yun mukhang masaya silang kasama hihi.

————

Grabe ang bilis namin naging close, kanina pa kami nag chichikahan dito nila ate Skip, nakitambay tuloy ako dito sa kwarto ni ate. Lalo na si ate Lucy, pinaguusapan namin crush namin HAHAHA. Si ate Daisy naman hindi pala masungit, nag tatawanan pa kami kanina.

"Sige na V uwi na kami anong oras na din eh. Ingat ka dito ha. Sila Junjun at Apple pakainin at palakihin mo ng maayos. Tiwala lang V, makaka-ahon ka din sa paghihirap." Anong drama ni ate Liv? Pinapahid niya pa yung invisible luha niya jusko. At sino si Junjun at Apple? Galing ata sa mental si ate Liv.

(V -Violet)

"Dami mong alam Liv. Umuwi na nga kayo, kanina pa kayo abala sa bahay ko. Layas!"

"Dito na nga lang kami kay Jiji. Bye Jiji! It was nice meeting you and sama ka na sa gala namin this Saturday. Wag mo tularan ate mo ha, ayokong nag drudrugs ka." Nice one ate Liv HAHAHA.

"Sige ba ate, at oo hindi ko talaga tutularan yan, mukha na siyang adik oh! Tignan mo." Hindi pa namin tinignan si ate, naunahan niya na kaming batukan.

"Pati ikaw Ji papalayasin ko na din eh. Sige na alis na. Shoo shoo!" At tuluyan na silang umalis. Ang gaan ng pakiramdam ko kela ate Lucy. I'm so happy nakilala ko sila.

————
saturday

"Ate! Bilisan mo na! Hinihintay na daw tayo nila ate Skip!"

Ang bagal kasi kumilos, hanggang ngayon nasa loob ng kwarto pa rin. Ako pa tinawagan ni ate Skip kasi hindi daw siya sumasagot, ano kayang ginagawa ni ate sa loob.

"Teka lang! Hindi ko mahanap lip tint ko.... Ay joke! Nahanap ko na."

*face palm*

Parang 10 years siya nag handa para sa gala na toh. Hindi naman kasama yung boyfriend niya. Yup may boyfriend ate ko, galing noh? Akalain mo may nagkakagusto pa pala sa kanya.

"Natagalan ba ako?" Tinanong mo pa bwiset.

"Oo! Ano ba kasi ginagawa mo, 12:00 PM dapat andun na tayo sa mall, eh 12:00 na andito pa rin tayo sa bahay hmp."

"Eh nagpaganda pa kasi ako ng bongga baka makita ko si Miles eh." Yun lang? Kaya siya nag tagal? Oh my gahd.

"Nagpaganda ka pa, eh hindi naman kaya ng make up yang kapangitan mo. Tara na nga."

Minsan hindi ko gets kung paano naging sikat toh si ate sa CUS, sa HIS nga rin eh naging sikat agad siya. Pero siyempre joke lang yung sinabi ko na pangit siya, maganda naman kasi talaga si ate, mas nga lang ako HAHAHA charing.

at **** Mall

"Hoy kayong magkapatid! 12:45 na ah, ang usapan 12:00 dapat andito na diba? Jusko nakakaloka kayong dalawa." Ayun sumabog si ate Daisy.

"Sorry ate Daisy. Ito kasi si ate, naghanda pa ng bongga, baka daw makita si kuya Miles."

"Kadiri ka V! Hindi naman kaya ng make up yang mukha mo. Ay Jiji since hindi mo pa nakilala boyfriend ko, Axel nga pala boyfriend ko." WOAH, my boyfriend pala si ate Daisy.

"Hi kuya Axel." Kumaway naman siya sa akin.

"Sus Daisy ang OA mo. For sure gagawin mo rin ang ginawa ko pag hindi mo kasama si Axel." HAHAHA oo nga naman. Sila lang pala ni ate at ate Daisy ang may boyfriend dito.

"May point ka rin dun hehe. Tara na nga guys, kain muna tayo."

Ang saya! Akalain mo yun, sinama ako sa gala ng squad ng ate ko. I love it! Love ka ba? Nope hays. T_T

————

Day well spent! Ang saya ng araw na toh! Nag ikot-ikot kami sa mall kanina tapos nag arcade, ang ingay pa namin HAHAHA. Halos lahat ng tao dun, tumingin na sa amin eh. Pero okay lang at least masaya kaming lahat. Hays I love them na.

*****
Hi guys! Thank you for reading.

Please don't forget to vote, comment and share!

Crush BreakerWhere stories live. Discover now