eight

7 0 0
                                    

Jinx's P.O.V

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Kai. Nasaktan kasi talaga ako sa sinabi niya. Kahit nagkakasama kaming barkada, hindi ko pa rin siya pinapansin pero yung barkada  naman, okay na sila ni Kai. November 10 na ngayon, October 25 ako sinabihan ng ganun ni Kai, hays.

"Jinx we miss you." Oh bakit parang naluluha toh si Iliana?

"Ha? Lagi naman tayong magkasama bakit niyo ako namiss?"

"Miss na namin yung maingay na Jinx, yung magulo na Jinx, yung batoker na Jinx, yung pinapagalitan kami pag may ginawa kaming kalokohan na Jinx, yung nagpapasaya sa amin na Jinx. Balik ka na Beb please." Naluluhang sabi ni Ellie.

"Jinx pwede ba tayong magusap?" Singit naman ni Kai. Tumango nalang ako.

"Tara guys iwan na muna natin sila." Sabi naman ni Emma.

Naiwan naman kami ni Kai sa garden ni Jayden, at oo na sa bahay ulit kami ni Jayden. Ang tahimik ng paligid ngayon simula nung iwan nila kami ni Kai dito. Hays panis na laway ko.

"Jinx."

"Kai."

"Ay sige ikaw muna." Siya nalang muna pa-unahin ko.

"Jinx gusto ko lang magsorry sa nagawa ko. Oo alam kong nasaktan kita, at kasalanan ko yun kasi nagpadala ako sa naramdaman ko."

"Nagpadala sa naramdamam mo? Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko siya gets.

"Kasi ano paano ba... uhm kasi Jinx ano... yung ano kasi..."

"Puro ka ano diyan. Hampasin kita eh. Ano ba yu—" Naputol ako kasi.....

"Gusto kita Jinx!"

processing....
loading....
loading....
ERROR!

"Gusto kita matagal na. Diba nga ang protective ko pag may nagkakagusto sayo kasi ayokong masaktan ka. Simula nung sinabi mo na ayaw mo pang mag kaboyfriend, pinilit kong pigilan tong feelings ko pero wala, gusto pa rin kita. Nakakaselos nga kayo ni Grayson eh, halata naman na may gusto din siya sayo, kayo pa yung shiniship, bagay pa kayo. Kaya hindi ko mapigilan yung bibig ko at nasabi ko sayo yun, kasi nagseselos at nasasaktan din naman ako. Kaya sorry Jinx, sorry talaga." Omaygahd gusto rin ako ni Kai? Pero paano si Iliana?

"Ha? Pero si Iliana?"

"Diba nga sabi ko dati na hindi ko talaga siya gusto."

"Pero Kai—"

"Hindi mo naman kailangan suklian ang pag gusto ko sayo agad eh. Maiintindihan ko naman yun at mahihintay kita. Pero sana magustuhan mo rin ako."

Naguguluhan na ako. Gusto ko si Kai, pero paano si Iliana? Ayokong masaktan si Iliana. Mas masakit sa akin pag nasira kami ni Iliana.

Napalaki nalang ang mata ko sa gulat dahil andun pala ang barkada nakikinig sa pinaguusapan namin, si Iliana naman umiiyak na at nag walkout.

"Wait Iliana!" Hinabol ko siya.

"Bakit Jinx? What will you say to make me feel better? Halata naman kasi Jinx na gusto mo rin siya. Diba?" Patuloy pa rin ang luha na umaagos sa mata niya, pati ako umiiyak na rin.

"No you're wrong. Hindi ko gusto si Kai, wala akong gusto sakanya. Alam mo naman na hindi ko magagawa sayo yun, ayaw kitang masaktan." Kahit mahirap, mas pipiliin ko pa rin na hindi sabihin sa kanya na gusto ko rin si Kai.

Crush BreakerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin