six

15 0 0
                                    

Jinx's P.O.V

Ayoko na talagang pumasok huhu. Ang dami kasing projects at performance task hays. Pag ako nag trabaho na, who you tong school sa akin.

"Hi Ji!" Oy classmate toh ni ate ah.

"Hi kuya!" Ngumiti naman kami sa isa't isa.

Simula nung nakilala ko sila ate Lucy, okay na sa akin na tawagin ako ng Jiji ng iba. Halos lahat ng kilala ko na kilala rin ako sa SHS ay Jiji na tawag sa akin, lalo na sa batch ni ate. Pero SHS lang pwede, ayoko sa level ko kadiri pakinggan at hindi bagay. Yung iba ring classmate ni ate naging close ko rin, everyday ko ba naman siya sinusundo.

Ay oo nga pala may chika ako hihi. May bago kasi akong crush, si Kenji. Siya yung sa kabilang section na close ko rin. Siyempre naghahanap ako ng ibang macrush para mawala sa utak ko tong si Kai. Ang tangkad niya kasi tapos pogi pa, matalino, at nakakatawa.

"Wow Jinx! Ang laki ng ngiti ah!" Napansin pa ni Iliana.

"Pagkain nasa isip nyan for sure!" Sinigaw mo pa talaga Grayson.

"Hihi may iniisip lang." Harot ko na shocks!

"Hoy ano yang hihi mo? May bago kang crush noh? Sino? Paano? Kailan? Saan?" Ang OA naman ng reaction ni Kai hmp. Siguro kung hindi lang kapatid turing sakin nito, iisipin ko na nagseselos siya huhu.

"Ay basta, chika ko next time."

"Hoy! Ipakilala mo sa amin yan ha!" Babatukan ko na toh si Kai eh.

"Ano ba yan twinny, crush ko lang yun, wala ngang kami eh!" Para rin naman toh sayo at kay Iliana, para walang gulo.

"Hep hep! Bago pa lumaki yang away niyo, chill muna kayo. Sino ba kasi yan Jinx ha?! Nako nako pag yan f*ck boi."

"Isa ka pa Noah eh! Manahimik ka nga diyan baboy! Gusto mo ata ikaw maka-away ko." My goodness sarap nila i-untog.

"Sino ba kasi yan? Iba kasi ngiti mo, baka naman teacher natin sa Filipino yan." Hindi ko alam kung hihilahin ko na ba buhok ni Ellie o hindi.

"Oo nga! Or baka naman sa Math?" Ayan na nga ba sinasabi ko, makikisali rin toh si Jayden.

"Tanga babae yun! Baka sa Science?" Sabi naman ni Emma, natawag tuloy na tanga boyfriend niya HAHAHA.

"Isa pa tong tanga! Bobo couple talaga kayo. Bakla yun!" Singit naman ni Iliana. Oo nga naman bakla si sir.

"Oo na! Sasabihin ko na! Matahimik lang kayo bwiset"  Bigla naman silang titig na titig sa akin.

"Si Kenji sa kabilang section."

"OMG! Yun?! Ang pogi nun eh! Ay nako support ako diyan!" Thank you Emma love you hihi.

"Support agad? Porket pogi? Eh pano kung pangit ugali ha?" Ayan na si Kai hays. Wag ka na magselos baby. Joke ew! Bakit ba baby naiisip ko? Kadiri! Yun nga pinaka ayaw kong tawagan ng mag jowa eh.

"Hoy FYI mabait si Kenji kasi close kami at alam mo na dapat yan naging kaklase mo kaya yun dati." Naging classmates kasi sila nung grade 8 daw sila.

"Malay mo nagbago ugali, baka nga f*ck boi na talaga." Hay nako kaya ayokong sinasabi sakanya crush ko eh.

"Ang judger mo naman Kai! Chill ka nga diyan mabait nga daw diba tsaka close daw sila kaya pabayaan mo na yan si Jinx." I love you rin Iliana. Tong si Iliana mahilig mag lagay ng "er" sa words niya HAHAHA minsan nahahawa na kami.

Crush BreakerWhere stories live. Discover now