seven

5 0 0
                                    

Jinx's P.O.V

As always sasabihin ko na namang ayoko ng pumasok. Lagi naman na hays. Dami ko pang dalang libro. Ano ba yan! Ang dami kasing kailangan pag aralan sa dami ng quiz.

toogsh

Ay! Bwiset toh si Grayson! Nabunggo pa ako, nahulog tuloy yung books.

"Gago ka Grayson! Bigat bigat na nga niyan, binunggo mo pa ako!"

"Gago ka rin! Eh ikaw tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo! Ayan tuloy nabunggo mo ako!" Aba! Gusto niya ba ng away? Sige ibibigay ko sakanya!

"Anong ako? Ikaw kaya! Tutulungan mo na nga lang ako at mag sosorry, ang dami mo pang sinabi! Pakain ko sayo yang mga libro eh!"

"Paano kita tutulungan eh sinabihan mo na agad akong gago! Tsaka hindi ako mag sosorry, ikaw kaya nakabunggo sakin!" Napaka arte nito! Sorry lang hindi pa magawa!

"Arte arte mo! At anong ako? Ikaw!" -Me

"Ikaw!" -Grayson

"Ikaw!" -Me

"Ikaw!" -Grayson

"Ika—" Naputol ako kasi may umepal.

"Kayo! Kayong dalawa ang naka bunggo sa isa't isa kaya pwede ba mag sorry nalang kayo sa isa't isa. Ingay ingay niyo." Sabi ni Emma. Tumingin naman kami sa isa't isa ni Grayson ng matagal.

"Sorry." Sabay naming sabi.

"AYIE!" Sigaw ng classroom. Oo classroom kasi hindi lang barkada, kundi lahat ng nasa classmates yung sumigaw.

"Bagay kayo ha! New ship na ba dis?" Daming alam ni president.

"Oo nga! Una pa lang nababagayan na ako sa dalawang yan. Naalala niyo ba yung si Grayson nag bit bit ng books ni Jinx? Kayo ha, baka mamaya niyan, mag jowa pala talaga kayo." Isa pa tong si Noah, nakikisali. May time din kasi dati nung pa-uwi na ako, bit-bit ko na naman mga books ko tapos may sinabi ako kay Grayson kaya tinulungan niya nalang ako.

"Hoy hoy hoy Jinx at Grayson! Kayo ha nag lilihim na sa amin." Naniwala naman si Jayden kay Noah hmp.

"Yehey! May bagong ship na naman tayo! Una ang KaiNa, ngayon naman ang JiSon." Kadiri tong si Ellie.

(KaiNa- Kai and Iliana)

"Akala ko ba si Kai lang kaaway mo? Si Noah naka away mo na rin, ngayon si Grayson naman. Hoy ikaw baby maghanda ka na, ikaw na next!" Sabi ni Emma.

"Maldita kasi yan si Jinx! Inaaway tayong lahat. Maghanda rin kayo baby, kasi aawayin din kayo sa future niyan." Sabi pa ni Jayden.

"Ano ba yan iniiba nyo usapan eh! Balik tayo sa JiSon. Hoy kayo umamin nga kayo, kayo ba?" Babatukan ko tong si Iliana eh.

"Kadiri kayo! Hindi noh! Kaya naman sa kanya ako nagpatulong dati kasi tinakbuhan niyo ako mga ulol!" Tinakbuhan kasi nila akong lahat nung sinabi ko patulong, edi no choice si Grayson nun.

"Ay oo nga pala hehe. Ikaw naman Grayson ayie, nagstay ka talaga para tulungan siya." Kailan ba matatapos tong si Iliana?

"Kadiri! Hindi ko nga type yan eh! Kaya lang naman ako nagstay kasi nilakihan niya ako ng mata tapos ibabato niya daw sa akin yung hawak niyang books pag hindi ko siya tinulungan." Hehe yun ang sinabi ko sakanya para tulungan niya ako.

"Grabe ka naman Jinx! Maldita ka nga! Pero bahala kayo basta ship na namin kayo ngayon." Sabi naman ni Iliana.

"Mabuhay ang JiSon!" Sigaw ni Noah.

Crush BreakerWhere stories live. Discover now