two

3 1 0
                                    

Jinx's P.O.V

after 3 months
October 10 20**

Nakaka-inis na talaga toh si Kai, ang sarap niyang itapon sa ibang universe. May gagawin kasi kaming activity sa Math, eh siya yung partner ko. Sarap niya ng patayin hays. Wala pa nga kaming nagawa eh, kanina pa kami nag-aaway. Kasi ba naman yung pinapagawa ko sakanya, ayaw niyang gawin kasi daw masiyadong mahirap at nakakatamad, pakain ko kaya sakanya tong hawak kong gunting. Nakakastress.

"Ano? mag aaway na lang ba tayo dito o gagawin mo na yung pinapagawa ko?" Ilang minutes na kaming nag aaway dito jusko.

"Ikaw kasi eh, maka utos. Tsaka nakakatamad yang pinapagawa mo." Aba aba, konti nalang at sasabog na talaga ako. Hinga Jinx, hinga lang.

"My goodness Kai! Gugupitin mo lang toh oh! Anong nakakatamad diyan?! Pakain ko sayo toh eh." Nakakainis kasi talaga eh, mas mahirap nga tong gagawin ko tapos siya gupit lang, hindi pa magawa.

"Psh. Akin na nga, ang dami mong sinabi, ang sakit sa ears." Thank you Lord! At gagawin niya na rin.

"Sakit sa ears ka diyan, ikaw nga sakit sa brain bwiset ka!"

"Oh ano? tapos na kayo? kulang nalang popcorn dito sa amin eh. Kayong twins talaga, lagi nalang kayo nag aaway." Ay hala, kanina pa pala sila naka tingin sa amin ni Kai.

"Ay hehe. Sorry sa istorbo. Sige balik na kayo sa ginagawa niyo guys. Next time ako na mag bibigay ng popcorn pag nag away ulit kami." Nag sigawan naman silang lahat. Para naman kompleto noh.

Si Kai nga pala yung kaibigan na kaaway ko na rin. Close talaga kami ni Kai pero lagi rin kaming nag-aaway, tulad ng kanina. Siya rin yung first na nagustuhan ko dito sa HIS, pero hindi ko na pinaalam sa kanila, hindi pwede eh. Gusto kasi siya ni Iliana, sila pa yung shiniship sa classroom namin. Eh ayoko naman masira friendship namin ni Iliana kaya nilihim ko nalang. Siyempre ayoko ngang i-paalam kaya hindi ko na pinahalata. Mahirap man basta magiging masaya si Iliana, kakayanin ko toh.

Sa loob ng 3 months, naging close ko talaga sila Emma, Ellie, Iliana, Noah, Jayden, Grayson, at Kai. Napaka close namin sa isa't isa, yung kahit magulo pero masaya. Pero si Jayden, siya talaga yung bestfriend ko. Si Kai naman, sinasabi ko nalang na tinuturing ko siyang twin or kapatid para hindi nila mahalata. At bakit twin? Lagi kasi kaming parehas ng score HAHAHA. Kaya minsan twinny na tawag ko sakanya. Kapatid talaga turing niya sa akin kaya ang strict niyan pag may magkakagusto sa akin. Si Grayson? Wala nakita lang namin sa canal kaya sinali na namin, joke HAHA. Next time ko na ikwekwento kung paano kami naging close ni Grayson.

lunch break

Ito ako ngayon, mag isa papuntang canteen huhuhu. Busy kasi sila Emma eh, hindi ko nga alam kung bakit sila busy ano ba yan. Sila Noah naman hindi ko alam kung saan sila napadpad. Ang lungkot naman pag mag-isa. Bumili na ako ng pagkain at kumain mag isa huhu.

Grabe I can't believe na October na, ang bilis naman ata. Buti nakapag-adjust naman ako dito at naging kaibigan ko na rin yung mga ibang sections. Ang saya rin ng section ko eh, para kaming pamilya na talaga. Siyempre hindi maiwasan sa section ko ang cool or bad kong classmates. Si Noah, Kai, Jayden, Grayson at Ellie ang mga pasaway kong classmates, minsan na-iinfluence na ako hays. Actually si Grayson mas okay pa siya ng pinch. Si Iliana at Emma naman ang matalino sa amin.

Narinig ata ako ni Jayden na sinabi ko na malungkot pag mag-isa, papunta na siya sa akin eh.

"Oh Jinx bakit mag isa ka lang? Saan sila Ellie? Siguro kinain mo o nilibing mo ng buhay o baka naman ayaw na nila sayo kasi sawa na sila sa mukha mong pangit HAHAHAHA." Aba! Maka salita siya parang siya hindi mukhang unggoy!

Crush BreakerWhere stories live. Discover now