V

2.4K 61 4
                                    

        Nice game @deannawongst

Ngiting pinost ko yun pinanuod ko lang sya via streaming dahil nasa bacalod sila pero pauwe narin sila ngayon. Miss ko na nga pero nababawi naman yun dahil lagi syang nagtetext and chat tapos nagsesend din sya ng mga picture.

"Pangs, phone mo nagriring" Napatingin ako kay Ate Jov at binigay nya sakin ang phone ko kaya dali dali kong kinuha yun. Bumaba ako ng sasakyan dahil susunduin ko sya nandito kami ni Ate Jov sa NAIA. "Hi din baby! I miss you too pero nasaan ka?" Tanong ko saka ko binuksan ulet ang kotse ko at pinatay ko ang makina.

"Baba kana, te. Nandito na si Deanna" Sabi ko kay Ate Jov at hinintay syang bumaba at lumapit ako sakanya saka ko nilock ang kotse ko.

"Stay where are you at. Naglalakad na kami ni Pangs" Sabi ko at saka naoakunot noo ko dahil biglang namatay ang tawag buti na lang na sabi nya kung nasaan sya kaya hinila ko si Ate Jov para tumakbo at hinanap ng mata ko si Deanna.

Malayo pa lang kita ko na agad kung nasaan sya kaya binitawan ko si Ate Jov at patakbong yumakap kay Deanna. "By!" Gulat na sabi nya kaya natawa ako.

Nilayo ko ang sarili ko para naman makita ko sya at hindi ko napigilan na mapangiti dahil namiss ko sya kahit dalawang araw lang nawala sya.

"Hi, love" Ngiting sabi nya sakin at yinakap ako kaya gumanti ako ng yakap dahil parehas lang namin miss ang isa't isa.

"Ehem...Nandito pa kami" Sabay kaming napalingon sa Nagsalita at saka lang ako nahiya ng makita kong nandun ang lahat ng teammates nya kaya ngiti na lang ang nabigay ko.

"Hi Jema" Madami silang bumati kaya nag hi na lang ako sakanilang lahat. "Guys, nandito na yung sundo kaya...I'll see you later na lang ha?" Sabi nito at yumakap isa isa sa mga team mates nya.

"Hi there Ate Jov" Bati nya kay Ate ng makitang nasa tabi ko na agad naman nyang nilapitan din si ate at yinakap saka sya tumingin sakin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na sa bahay nyo" Sabi nya agad kaya natawa ako.

Wala yung Mommy nya dito dahil nasa Cebu kaya nagdodorm lang sya or sa bahay namin natutulog. "Pangs, nasaan ang susi? Ako na ang mag drive alam kong namiss nyo na ang isat isa" Napangiti ako sa sinabi ni Ate at agad ko yun binigay at hinila sya pasakay sa backseat.

"Hala by, baka ayaw ni Ate ang walang katabi dun" Natawa ako sa sinabi nitong babaeng may hawak ng kamay ko. Umiling ako sakanya at ngumiti magsasalita na sana sya ng halikan ko sya kaya napatigil sya at napangiti ako at siniksik ko ang muka ko sa leeg nya.

"Susunduin natin si Mafe, by" Bulong ko at naramdaman kong tumango sya at yinakap rin ako.










    "Love, let's play na kasi sa arcade...please" Nakapout na sabi nya kanina nya pa ako kinukulet ng dahil sa arcade at kanina parin ako hindi pumapayag dahil sa kakauwe nya lang pumunta lang kami dito sa mall para kumain pero dahil kasama ko yung dalawa kong kapatid ay namili pa sila kaya tong isa nakita yung arcade. "Baby, Please..." Tumingin ako sakanya at tinignan sya ng seryoso. 

"I let you play..." Pabitin na sabi ko kaya natuwa na ang mukha nya. "Kung may dumaan na lalaki na naka pink na shoes" Nakangising sabi ko sakanya at biglang kumunot noo nya. 

"What?! Love, medyo mahirap naman yun eh" Sabi nya kaya natawa ako pero sumimangot na sya at ako naman parang na guilty kaya napabuntong hininga na ako at hinawakan ko ang kamay nya. "Pangs'Mafe tara sa arcade maglalaro daw tong batang kasama ko" Sabi ko ng madaanan sila habang naglalakad naririnig kong nagsasalita tong katabi ko pero hindi ko sya pinapansin tumigil ako sa paglalakad dahil nasa harapan na namin ang gusto nya. 

Nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa labi at hindi ko maiwasan mapa ngiti dahil para talaga syang bata. "Happy na?" Tanong ko sakanya at tumango tango sya. 

"Yes, love. I love you talaga!" I love you too, Deanna. 

Pinapanuod ko lang sya maglaro dahil hindi naman ako mahilig sa ganito kahit noon pa saming magkakapatid ako lang hindi mahilig talaga. "Love, come here. Try mo to" Nakangiting enganyo nya iiling na sana ako ng bigla nya akong hilahin papalapit sakanya at pinagtry nya ako sa claw machine na alam natin na 10 % lang sa 100 % ang chance mo na makuha ang nasa loob. 

"Tulungan na nga kita" Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at nilagay yun sa joystick ng machine kaya ang lagay namin ngayon para syang nakabackhug sakin. "Then boom!" Sabi nya at pinush ang button sa gilid malapit sa joystick. 

Nanlaki ang mata ko dahil nakuha namin ang nasa loob nun kaya tumigin ako kay Deanna na hindi makapaniwala. "Nakuha mo, love! Galing!" Masayang sabi nya kaya agad kong kinuha yun at napangiti ako mukang okay magiging okay na sakin ang arcade. 

"Ikaw nakakuha nyan?" Napatingin kami sa Nagsalita si Ate Jov yun kaya masaya akong tumango. "Hala! Buti napilit mo yan si Ate Jema na maglaro Ate Deans...Ayaw na ayaw nya kaya dito" Pinanlakihan ko ng mata si Mafe dahil napaka daldal. 

"Totoo naman kaya, Diba Ate Jov? kahit nga si Ate Bea hindi ka mapapayag eh" With that hindi ako nakapag salit ni kahit isa samin hindi nakapag salita. 

"Atleast napapayag ko sya diba?" Duon nabasag yung katahimikan pero may awkwardness parin kaya patay sakin si Mafe pag uwe. Hinawakan ko ang kamay ni Deanna saka ko sya nginitian. 

"Gusto ko ng Milktea, love" Ngiting sabi ko sakanya at nginitian nya ako kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil duon.






   "Ako na ang mag-order, love" 

   "Samahan na lang kita."

   "Ako na lang babe"

   "Aray"

Napatigil kami sa pagtatalo ng biglang may nakadali sakin. Inis kong tinignan yun pero hindi  ako nakapag salita para bang nalunok ko ang dila ko at parang unti unting sumikip yung lugar dahil hindi ako makahinga. 
























        "Sorry Miss...Jema?"






































AN: Hi! Enjoy this Chap! Godbless and Gooodnight! Makakatulog narin hahahhaha Thank you!

Best PartWhere stories live. Discover now