VII

2.4K 63 2
                                    

"Jema, may bisita ka" Agad na akong napalabas ng kwarto dahil sa sinabi ni Pangs. Ilang araw din busy si Deanna kaya hindi kami masyadong nagkikta.

"Hi, love" Napatigil ako dahil sa nasa harap ko na sya agad kakabukas ko lang pinto at ito bumungad sya agad.

"Sun flowers for my love" Tinaggap ko ang inaabot nyang bulaklak at agad ko syang yinakap ng mahigpit dahil namiss ko sya.

"I miss you too, by" Napabitaw ako sa pagyakap ko sakanya at nginitian ko sya. "How did you know na namiss nga kita?" Pangaasar ko sakanya pero tinawanan nya ako sabay pasok sa kwarto ko habang hila hila ako.

Bigla syang humiga sa kama ko at pati ako damay. "Bb, yung bulaklak" Saway ko sakanya at natawa na naman sya. Bakit sobrang saya nya yata ngayon? Tumayo ako at inalagay ko sa study table ko ang bulaklak na binigay nya.

Saka ako lumapit sa kama ko at tinignan sya na nakatingin lang din sakin. "Love, I need hug. I need you" Inangat nya ang dalawang kamay nya asking for hug talaga kaya napangiti ako at nilapit ko ang sarili ko sakanya pero nanatiling nakatayo parin ako.

"Love naman..." Natawa ako dahil nag pout na sya. Such a cutie! Humiga ako sa tabi nya at yinakap sya. Napapikit ako ng maramdaman kong ginantihan nya yung yakap ko.

"Pangs..." Sabay kaming napatingin sa pinto kung saan nakasilip na si Ate Jov kaya inalis ko muna saglit ang pagkakayakap ko sakanya at lumapit kay Ate. "I need your help sa shop" Saglit akong napatingin kay Deanna at saktong nakatingin rin ito samin.

"Kailangan kong umuwe sa Laguna si Tatay pinapauwe ako" Agad akong nagtaka kung bakit sya pinapauwe. "Hindi ko rin alam kung bakit...nagtext lang sya na umuwe ako baka magpapasundo lang" Napabuntong hininga ako at tumango kay Ate.

"Thank you, may klase pa kasi Bunso e" Umiling ako kay Ate Jov at nginitian ko sya. "No, okay lang we don't have trainings naman for this week e" Sabi ko kay Ate at iniwan ko sya saglit para kunin yung susi ng kotse ko.

Agad ko yun binigay sakanya at nagtataka syang tumingin sakin. "You need it now basta pag uwe full tank ha?" Biro ko sakanya at natawa sya agad ko syang yinakap.

"Deans, I need to go. Ikaw ng bahala dito kay Jema ha?" Tignam mo ginawa pa akong baby.

"Walang pong problema te jov! Ako ng bahala kay Jessica Margarett" Sinamaan ko ng tingin si Deanna pero tumawa lang tong dalawang to kaya napailing na lang ako.

"Alis na te baka magalit si Tatay" Tulak ko sakanya palabas ng kwarto at sinara ko ang pinto saka ko binigyan ng pansin si Deanna at lumapit sakanya.

"I know love kaya go change your clothes na. I'll take you to the shop and syempre no need to ask I'll be with you parin" Sagli ko syang yinakap at agad nagpalit ng damit dahil shop lang naman yun hindi ko na kailangan magarbo pa. Anong shop ba yung pupuntahan namin?

Flower shop kasi mahilig si Nanay sa mga bulaklak kaya naisipan nyang magtayo dito sa manila. Eh wala naman sya dito ngayon wala rin sa laguna. "You done baby?" Napatango ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Deanna at sabay kaming lumabas.

"Love, ako na mag lock" Napangiti ako at tumango agad naman nyang sinara ang gate ng bahay namin at bumiyahe papunta sa shop namin. Hindi naman sya ganun kalayuan dahil si Nanay rin pumili ng bahay namin dito.

Tahimik lang kami sa biyahe pero hindi naman awkward...pagka park nya ay sabay kaming bumaba at agad nyang nilock ang kotse nya.

"Kaya mo ba talaga samahan ako? Baka mabored ka nyan love" Tanong ko sakanya.

"Kailan ba ako nabored ng kasama ka?" Tanong nya sakin kaya napaisip ako pero sa palagay ko wala naman kaya umiling ako.

"See, kapag kasama kita masaya ako kaya no time para ma boring" Saglit kong pinang gigilan ang pisngi nya at sabay kaming pumasok ng nakangiti agad kaming binati ng ilang staff.

"Ma'am eto po ichecheck for today ibigay ko daw po sayo" Ngumiti ako at tumango sakanya saka ko lang chineck kung tama ba yung bilang.

Saglit akong napatingin kay Deanna at napangiti rin ako dahil nakaupo lang ito. Nasa office kami ni Ate minsan naman nabibilin nya to sa Manager nya pero ngayon wala rin yun dahil nagleave. "Miss Jema..." Napatingin ako ulet sa pinto kaya agad akong lumapit rito.

"Yes?" Tanong ko at may inabot sya sakin.

"Kailangan po ng signature nyo para po marecieve na nang buyer po" Ngiti kong kinuha ang pen na hawak nya at napakunot noo ako dahil sa pangalan na nakalagay duon.

"Bakit po?" Napatingin ako kay Deanna saglit at pinirmahan ko na agad bago pa makaalis ay pinigilan ko ang staff "Y-ung b-uyer hindi naman sya yung kukuha diba?" Tanong ko please say yes.

"Actually, nandyan po sya sa labas and sinabi ko pong papirmahan ko po" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at nagpaalam ng aalis.

"Love, you okay? Wait...Gutom kana? Bili ako sa labas" Bago ko pa sya mapigilan nakaalis na sya kaya agad akong sumunod sakanya pero napatigil ako ng makita ko silang magkaharap.

Jusko naman lagi ba kaming paghaharapin tatlo? Agad akong lumapit kay Deanna at nginitian ko sya agad. "Love, Samahan kita" Sabi ko sakanya pero hindi sya gumalaw.

"Ari, ikaw na muna bahala dito saglit ha?" Bilin ko sa isang staff. "Okay po, Ms. Jema" Napatango ako.

"Ms. Bea De Leon here's your order po" Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Bea na nakatingin rin samin balak ko na sanang hilahin palabas si Deanna ng magsalita sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Napahigpit ang hawak nya sa kamay ko. "I didn't know na sa Galanza pala tong flower shop" Nakangiting sabi nito. Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko.

Namiss ko yung boses nya yung ngiti nya. Shit! Nandyan si Deanna sa tabi mo Jema kaya wag kang magisip ng kung ano ano dyan.

"I remember bago pa lang maging kami ni Jema plano palang ni Tita to" Damn! Bakit kailangan pumunta sa Past naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"We're sorry, Bei-I mean Bea but we need to go" Sabi ko at himila na paalis si Deanna sana naman pag balik namin sa shop wala na sya dun.






































AN:  Update! Pero dito na lang muna short update lang naman 😂 Enjoy!

Best PartWhere stories live. Discover now