XIII

2.5K 60 19
                                    




          "Deanna, why did you do that?" Tanong ni Mom. 

"She's taking away Jema from me, Mom. Hahayaan ko ba yun?" Tanong ko sakanya and she just smiled to me at hinila ako papasok ng kwarto ko at agad na inupo. 

"Nak, Tama na ipaglaban mo si Jema, pero hindi tama ang ginawa mo sa bahay nila Elmer."  Napasimangot ako sa sinabi ni Mom. 

"Nagkasundo na ba kayo ni Bea?" Hindi ako sumagot sa tanong na yun. "Anak, Kailan ba kayo mag kakaayos?" Tumayo ako saka ko kinuha ang towel ko. 

"Kailangan pa ba yun, Mom?" Tanong ko saka ko tinitigan si Mom. "Ilang beses ko narin na sinabi na hindi kami magkakasundo ni Bea?" Ayokong sagutin si Mommy pero naiinis ako tuwing binibring up nya yung usapan nato.

"Pero, deans. Kai-" Hindi ko na pinatapos si Mom sa balak nya sabihin. 

"Wag mo nang ituloy, Mom. Hindi na ganun ang trato ko sakanya" Saka ako pumasok sa cr para maligo na. Kailangan mabawasan ang init ng ulo ko narinig kong nagbukas sara ang pinto ng kwarto ko at saka ako napapikit dahil ayokong sinasagot talaga si Mom pero hindi ko mapigilan tuwing pinaguusapan si Bea at mas lalong ayokong bigyan ng dahilan na masaktan si Mom pero hindi ko mahanap sa sarili na patawarin si Bea, siguro dadating din yung panahon pero hindi lang ngayon. 

    Pag labas ko ng banyo nakita ko ang picture namin ni Jema sa side table ko lumapit ako run at agad kong kinuha. Hindi ko maiwasan na masaktan dahil sa naalala ko na naman sya. 


  "Maayos pa kaya tayo, Margarett?" 

















       "Pangs, pinapatawag ka ni Nanay sa baba" Napatingin ako sa pinto at nakasilip duon si Ate Jov kaya tumango ako at agad na bumaba at naabutan kong nandun si Nanay malapit sa t.v at may kausap sa phone kaya dahan dahan akong lumapit sakanya pero napansin parin nya ako.

"Tay, nandito na si Jema. Nak, tatay mo kakausapin ka daw" Wala pa sila si Tatay dahil may aasikasuhin daw. "Hello, Tay. Bakit po?" Tanong ko saka ako tumingin kay Nanay at binigyan nya ako ng ngiti pero yung ngiti nya malungkot. Anong meron?

"Hi, Nak. Kamusta ka?" Tanong ni Tatay. 

"Well not that fine but getting there po" Nakangiting sagot ko pero  nakailang segundo na hindi parin sya nagsasalita pero naririnig ko yung buntong hininga nya. 

"Jema, Sana maintindihan mo yung sitwasyon at ang desisyon ko. Wag kang magalit sa tatay ha?" Kunot noo akong tumingin kay nanay at malungkot na ngiti parin ang binigay nya sakin kahit yung boses ni tatay malungkot. Bigla akong kinabahan kahit hindi ko alam kung anong meron ngayon. "Tay, ano ibig nyong sabihin?" Tanong ko. 

"Nanay mo na ang mag papaliwanag sayo. Mahal kita, Anak." Bago pa ako makapag salita ay nakarinig na ako ng beep na sound kaya tumingin ako kay Nanay. 

"Nay, may problema ba?" Tanong ko sakanya hindi na nawala yung kaba ko. 

"It's about our business, nak" Napaayos ako agad ng upo dahil sa sinabi ni Nanay. 

"Anong problema, Nay?" Tanong ko at nakita ko kung paano lumungkot ang mata ni Nanay sa harap ko.  "Unstable ang status natin, anak, at kapag hindi natin naayos yun maaring bumagsak ang negosyo natin. Mawawala lahat na pinaghirapan namin ng tatay mo" Agad akong napasugod sa tabi ni Nanay. Alam ko kung gaano kaimportante sa kanila yung negosyo namin dahil kung hindi dahil duon siguro nahihirapan kami sa pagaaral namin. 

"Anong kailangan kong gawin, Nay?" Tanong ko dahil base sa narinig kong tono kay Tatay, ako ang makakatulong sakanila. 

"Alam kong magiging mahirap sayo to kaya patawarin mo kami ng tatay mo." Hinintay kong tapusin ni Nanay ang sinasabi nya. 









       "Kailangan mo pakasalan ang anak ni Mr.Emnas" 


















































AN: I know, short update diba? Bawi ako next ud hehe kaya peace tayo! 

Best PartWhere stories live. Discover now