X

2.4K 67 17
                                    


    "Pangs, umamin ka nga sakin. Anong naramdaman mo ng bumalik si Bea?"

     "Wag mo na lang bigyan ng rason si Deanna para magselos"

Sabi ni Ate Jov at pumikit ako saglit dahil hindi ko na alam. "Anong dapat gawin ko, Pangs?" Malungkot na turan ko sakanya. "Iiwasan ko ba?" Habol na tanong ko pa ulet.

"Hindi naman totally iiwasan and After all kaibigan mo parin si Bea pero kasi Ex mo na sya kaya dapat iwasan mo na makita ni Deanna yung shadow ng nakaraan nyo ni Bea lalo't pa mukang hindi ka pa nakakapagmove on totally" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Oh? Idedeny mo pa ba sakin, pangs? Kilalang kilala kita" Hindi na ako pumengol sa sinasabi nya at hinayaan ko na lang syang magsalita.

"Pangs, sorry not sorry ha. I'm being honest here." Tumingin ako sakanya at tumango tango kahit ano pang sabihin nya tatangapin ko.

"Wag mong bigyan ng dahilan para magselos si Deans, kasi suntok sa pride nya yun lalo na kung nakikita nya na ang bilis mo na makapalagayan ulet ng loob yung babaeng nanakit sayo. Mas lalong maiinis yun kapag nakita nya na totoong napapasaya ka ni Bea in a very short time simula ng magkita kayo ulet gayong sya, todo effort mapangiti at mapasaya ka lang ng totoo." Saglit kong tinimbang ang nararamdaman ko at tumingin kay Ate Jovilyn.

"I'm happy with Deanna, Ate" Seryosong sabi ko at ngumiti sya.

"Sure you are, kanino ka mas masaya? Pag kasama mo si Deanna o si Bea?" Agad kong naalala ang nangyare kanina kunting pagiinarte lang ni Bea ay napapangiti na nya ako kunting kilos lang alam kong may tama na yun sakin.

"I thought so...🎶🎶" Napatingin ako kay Pangs dahil pakanta nya pa itong sinabi at tumayo sa harap ko.

"Alam mo, magisip isip ka. Clarify your feelings. Galaw galaw din mula sa confusion, kapatid" Sabi nito at bago umalis ay tinapik ang balikat ko. Humiga ako at sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko.

      "Nak, Gising kana." Minulat ko ang mata ko at ngumiti sa kay Nanay.

"Bakit mugto mata mo? Is this about Bea?" Tumingin ako kay Nanay. Oo, umiyak ako kagabi dahil halo halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat gawin ko.

"Not really about Bea, Nay." Nginitian ko si Nanay at sana hindi nya napansin na malungkot yun umayos ako at umupo.

"Pero kasama sya sa dahilan kung bakit mugto ang mata ko" Simpleng sabi ko at naalala ko na naman si Deanna kaya hindi ko maiwasan na malungkot pa lalo. "Pero nak, wala na ba kayong pagasa na magkabalikan ni Bea?" Saglit kong tinitigan si Nanay at umiling ako.

"I love Deanna, Nay." Nakangiting sabi ko sakanya and this time alam ko na totoo yung ngiti ko. Naiintindihan ko naman si Nanay kung bakit nya nasabi yun kasi paborito nya si Bea noon. Parang mas anak nya pa si bea kesa sakin and imbis na ikainis ko yun ay natuwa ako pero dapat pala nainis na lang ako kasi para saan pa yun diba? Kung iniwan nya naman ako.

"Nakikita kong nahihirapan kang mamili. Isa lang mabibigay kong payo, Anak." Tumango ako kay Nanay at hinintay ang sasabihin nya.

"Ito. Sundin mo kung anong sinasabi nyan" Napatingin ako sa tinuro nya. Sa puso ko, kaya agad akong tumingin kay Nanay at yinakap sya.

I need this right now. Yakap na makakapag pakalma sakin. "Nay, Jessica, Halika na't kakain na tayo" Nagkatinginan kami ni Nanay saka kami sabay na natawa.

"Eto na tay, lalabas na po kami" Sigaw ko saka ako tumayo at inayos ang pinaghigaan ko. "Nak, labas na ako ha? Kaya mo yan" Nginitian ko si Nanay at tumango.

Best PartWhere stories live. Discover now