XIV

4.9K 87 23
                                    



          "Kailangan mong pakasalan ang anak ni Mr.Emnas" Para akong hinagisan ng bomba sa harap ko dahil sa narinig ko mula kay Nanay. 

"Pasensya, Nay pero tama po ba yung narinig ko?" tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. 

"Anak, alam ko mahirap pero eto na lang ang paraan malapit na kaibigan natin ang mga Emnas at nang malaman nila ang nangyayare sa negosyo natin agad silang nag-alok ng tulong" Nakatingin ako kay Nanay na hindi mapakaniwala. "Nay, Imposible yang gusto nyong mangyare ni Tatay at ni hindi ko nga kilala yang sinasabi nyong pakakasalan." Medyo frustrated na sabi ko kaya napapikit ako baka akalain ni Nanay na galit ako sa kanila. 

"Nak, kung papayag ka uuwi sila dito sa pilipinas para ma-meet mo yung anak nila. Hind lang simpleng kasusyo sila anak. Makakatulong sila sa negosyo natin at nakikiusap kami sayo na tulungan mo kami." Nasaktan ako sa nakikita ko sa mata ni Nanay. 

"Nay, paano ko yun gagawin? Hindi pa nga kami ayos ni Deanna tapos dumagdag pa si Bea tapos ito pa?" Hindi ko narin alam ang gagawin ko. 

"Alam ko na nag hirap na pinagdadaanana mo, Anak. Ok, no pressure. Pag isipan mo muna pero sana pumayag ka" Sabi ni Nanay at iniwan ako dito sa salas. Anong dapat kong gawin?











   Kinaumagahan agad akong bumaba at pupunta sa kusina dapat dahil nauuhaw ako pero napatigil ako dahil nandoon si Nanay may kausap sa phone nya at alam kong si Tatay yun. 

"Ano? kahit si Mr. Santos, nag-pull off na ng investment? Diba sya ang may pinakamalaking investor natin?" Naiiyak na si Nanay habang kausap nya si Tatay at hindi ko napigilan na maluha dahil sa narinig ko. "Wala na tayong magagawa, tay. Alangan naman na mas unahin ang negosyo natin kesa sa anak natin. Ayokong maging unfair tayo sa kanila." Mas lalo akong naluha dahil sa narinig ko kay Nanay. 

"Oo, meron pa naman tayong ipon at yung savings natin at sapat na yun hanggang makapag tapos si Mafe" Sabi ni Nanay at saka binaba ang phone nya kaya agad akong lumapit sa kanya at mahigpit syang yinakap. "Kakain ka ba, nak?" Tanong nya at agad akong umiling. 

"Nay, tawagan mo na po ang mga Emnas handa na po akong makipag kita" Pikit mata kong sabi dahil ito ang tamang desisyon ayokong masayang ang negosyo ni Nanay at Tatay na syang nagtaguyod samin kaya isasakrpisyo ko ang sarili ko para lang sa pamilya ko. 









  "Jessica Margarett?! Bakit ka naman pumayag sa gusto nila?" Inis kong tinignan si Kring dahil napakalakas ng boses nito. 

"Kring, isa pa." Inis na sambit ko pero tinirikan lang ako ng mata ng babaeng kasama ko. 

"Mag-kwento kana bilisan mo" Sabi pa nito kaya kinurot ko dahil hinihintay pa namin si Kyla dahil kaibigan rin namin ito kesa mahirapan ako sa kakapaliwanag ay pagsasabayin ko na lang. 

"Hi girls" Sabay kaming napatingin sa babaeng nagsalita agad syang bumeso at umupo saglit kaming natahimik sa hindi malaman na dahilan kaya napabuntong hininga ako. "Akala ko ba gusto nyo ng chismis?" Nagbibirong sabi ko at nagkatinginan ang dalawa pero tinitigan lang ako pabalik nito kaya sumeryoso na ako.

"Mag uumpisa ako kay Bea, bumalik na siya" Simpleng sabi ko pero bigla sabay na sumigaw ng Ano yung dalawa kaya inis ko silang hinampas. 

"Tumahimik nga kayong dalawa." Inis na sabi ko. 

"Kung bumalik si De leon, paano na si Wong?" At dahil sa tanong na yun ni Kyla ay mas nalungkot ako sabay mo pa yung hanggang ngayon wala syang paramdam pero mas okay na yun dahil sa sitwasyon ko ngayon? Ewan ko lang kung magkaayos pa kami.

"Galit sya sakin dahil nakita nyang dumalaw si Bea sa bahay" Sabi ko at uminom ng kape na iniinom ko pero bigla na naman ang isterikal ang dalawa. "Anong nangyare sa manok ko? Sumuko na agad?" Tanong ni Kyla kaya napangiti ako ng malungkot. 

"Alam at ramdam nya rin na hindi pa ako totally nakaka move-on kay Bea."  Naghihintay ako ng matinding reaksyon nila pero wala. "Wala kayong violent reaction dyan?" Tanong ko pa sakanilang dalawa at nagkatinginan pa sila. 

"Paanong kami magugulat kung kami mismo alam namin yun? We know you for years Jema kaya we both know na hindi ka pa ganun nakakamove on kay Bea totally pero alam din namin na mahal mo si Wong dahil sa mga ngiti mo na hindi namin nakita before nang kasama mo si Bea" Sabi ni Kring at ako naman ang natulala dahil sa sinabi nya. 

"Wala na bang ibang balita?" Tanong ni Kyla kaya napabuntong hininga ako at tumingin sakanila na may ngiting malungkot. "I-aarrange marriage nila ako" Malungkot na ngiti ang binigay ko sakanila at hindi na sila nakapag salita pa. 

"Within weeks, makikilala ko na ang pakakasalan ko" Sabi ko sakanilang dalawa at nagkatinginan silang dalawa. "Paano si Deanna?" This time mas seryoso si Kring sa tanong nya kaya malungkot akong ngumiti. 

"Wala, wala na." Malungkot na ngiti ulit ang binigay ko. Ayokong umiyak sa harapan nila at ni kahit sino ayokong makita akong umiiyak. "What about bea? I think kaya ka hindi pa nakakamove-on dahil wala kayong closure. I mean maayos"  Napagtango ako dahil yun din ang naiisip ko kaya binabalak ko na kausapin sya pero hindi pa sya ulet nagagawi sa shop. 

"Kasama yun sa plano ko ang kausapin sya" Malungkot na sabi ko. 

"Wala ka talagang plano kay, Deanna?" Tanong ulet ni Kring kaya napatingi ako sakanya. 

"Kakausapin ko rin sya pero pag handa na ako" Ang totoo nyan hindi ko alam kung kailan mangyayare yun dahil baka galit parin sya kaya si Bea na lang muna ang unang kakausapin ko. 

























































            "Ang ganda mo sa suot mo anak" Napatingin ako kay Nanay at nginitian ko sya. Ito na, wala ng bawian pa ito. 















































































AN: Hi guys! Sorry ngayon lang ulit nakapag update peace tayo. oki? follow me on twitter @mhyraywan is the uname ☺

Don't forget to smile ☺

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best PartWhere stories live. Discover now