VIII

2.4K 72 12
                                    

   "By, you okay?" Tanong ko sakanya pero parang hindi ako narinig kaya hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya sakin ag kitang kita ko yung inis nya.

Nasa shop na ulit kami at hindi nya ako pinapansin buong biyahe hanggang sa makabalik kami at ngayon hindi ko na kinaya yung katahimikan nya. "Are you mad?" Tanong ko ulet sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya at hinarap ko sakin ang tingin nya.

"Tumingin ka sakin" pinipigilan kong maiyak pero hindi ko magawa kaya tumalikod ako sakanya at saglit kong pinunasan ang luha na pumapatak mula sa mata ko.

Haharap na sana ko ng maramdaman kong yinakap nya ako kaya napahawak ako sa kamay nyang nakapalibot sa bewang ko. "I-m s-orry" Bulong nya kaya napangiti ako at umiling.

Bago ako humarap sakanya pinunasan ko ulet ang luha ko. "Wala naman may mali satin diba? Kaya please wag mo ng uulitin yung hindi ako pansinin" Nagtatampong sabi ko pero bigla nya akong hinalikan sa labi kaya napangiti ako at dali daling yumakap sakanya at ginantihan nya ang yakap ko.

   "Pangs, gising ka muna saglit"

   "Pangs, si nanay gusto kang makausap"

   "Pangs"

Napamulat ako dahil sa tawag na yun at naramdaman kong inangat ni Ate ang kamay ko.

"Pangs, si nanay yan" Tango tango ako habang nakapikit at nilapit sa tenga ko ang inabot ni Ate Jov. "Hello nak, Jema" Tango tango lang ang sinagot ko.

"Uuwe na ako, this week" Bigla akong napabangon dahil sa sinabi ni Nanay. Umalis sya ng bansa dahil may business daw sya duon at bakit iniwan si tatay? Dahil nga sa Laguna naman ang business nya.

"Can't wait, Nay. Miss na kita" Sabi ko at narinig kong tumawa si Ate na nakahiga na pala sa kama ko. "Miss ko narin kayo, marami akong pasalubong para sa inyo...Hala sige pakausap kamo sa tatay nyo" Agad akong napatingin kay Ate at sa orasan malapit sakanya. Napaka aga pa pala.

"Bye na, Nay. Ingat po kayo dyan ha? Love you. Bigay ko na kay Ate to" Sabi ko at binigay kay Ate ang phone nya at kinuha ko ang paborito kong unan at pahigang yinakap yun.

"Pangs, wag na matulog ulet kasi gigising ka rin ni tatay baka mainis ka lang" Saglit akong napatingin kay Ate bago sya makalabas ng kwarto ko. Wala naman akong training kinabuksan o kaya pasok kaya hindi ako gigisingin ni Tatay love ako nun.

"Jessica Margarett, Gumising kana dyan dahil may bisita ka sa baba" Makakatulog palang sana ako pero nawala yun dahil sa sinabi ni Tatay.

"Sino po?" Tanong ko dahil parang iba ang naiisip ko. Shit! Tama ba na sya yung maisip ko na bisita ko.

Napapikit ako saka ako bumangon at naghilamos. Imposibleng sya yun kaya malamang si Deanna yun kaya agad akong bumaba at sumalubong sakin si Tatay at Deanna na nagtatawanan kaya saglit akong napatigil para titigan sila dahil ang gandang tignan na nakikita ko ngayon. "Dyan kana ba ate?" Saka naalis ang tingin ko sa kanila dahil biglang may nagsalita inirapan ko sya at bumaba na.

Si Mafe yun napaka aga nyang mangasar.

"Goodmorning tay!" Sabi ko kay tatay hinalikan sya sa pisngi bago tumingin ako kay Deanna at nginitian ko sya. "Goodmorning, Love" Sabay na bati namin kaya natawa kami ng sabay.

"Napaka agang landian nyan, Pangs" Napasimangot ako agad ng marinig ko ang sinabi ni Ate Jov pero hindi ko na lang pinansin at agad kong binigyan ng mabilis na halik si Deanna sa labi at natawa ako ng makita kung paano sya magulat. "By, nandyan si tito" Mas lalo akong natawa dahil sa binulong nya. She's so cute right now kaya hindi ko napigilan ang sarili ko napang gigilan sya.

"Ehem...tama na yan at kakain na tayo" Sabi ni Tatay at tumayo kaya hinabol ko lang ng tingin si tatay hanggang sa mawala ito saka ko binaling ang atensyon ko sa taong katabi ko.

"Love, galit ba yun si tito? Ikaw kasi hinalikan mo ako sa harap nya. Alam mo naman yun tinuturing kayong prinsesa nun" Naka simangot na sabi nya imbis na mainis ako ay hindi ko mapigilan na mapangiti kasi talagang ginagawa nya yung mga bilin ni tatay sakanya.

"Love, hindi mo sya sinuway ah? Ano bang sabi nya? Diba wag MO akong halikan sa harap nya" Nakangiting sabi ko at parang batang tatango tango sya.

"Ako naman yung nagkiss kaya okay lang yun. Tara na, gutom na me" Nakangiting sabi ko at hinila na sya at sumunod na kay tatay na aabutan namin na nakaupo na silang tatlo kaya agad kong hinila papalapit si Deanna sa kanila.

      Nag stay lang kami dito sa bahay dahil parehas namin napagdesisyonan na wag na lang lumabas at manatili na lang dito dahil hindi pa nakakapagod dahil hindi puro lakad ang ginagawa namin. Nanunuod kami ng movies ngayon kakatapos lang ng Midnight Sun na ako ang pumili at pumilit hahaha Hindi nya kasi trip ang ganun movie pero nagkakasundo naman kami dahil pinagbibigyan nya ako.

"Love, your not watching naman e. Ayaw mo ba?" Saglit na napaangat ang tingin ko dahil nakaunan ako sa dibdib nya habang nanunuod kami dito sa kwarto ko.

"I'm watching naman baby atska I like harry potter naman ah" Nakangiting sabi ko sakanya at humigpit ang pagkakayakap nya sakin kaya inangat ko ang sarili ko dahilan para isiksik ko ang mukha ko sa leeg nya.

"By..." I giggled and give her neck a quick kiss before ko ituon sa tv ang mata ko. Naramdaman kong umiling sya pero tanging ngiti na lang ang nagawa ko pero nagulat ako ng halikan nya ako sa ilong. "What? Let's watch na, love" Kunot noo ko syang tinigan pero napangiti rin ako agad. Namiss ko yung ganun ges-t-ure.

Naalala ko bigla na hindi sya ang Gumagawa nun sakin si B-eatriz. "Love, sabi ko nuod na tayo" Napatingin ako kay Deanna at sumalubong sakin ang maganda nyang ngiti. Bakit ba kasi naiisip ko parin sya?

I'm sorry, love. Hindi ko rin alam kung bakit lagi na lang sya napasok sa isip ko.

Sa lungkot na nararamdaman ko yumakap ako sakanya ng mahigpit at hindi ko alam kung bakit may natulong luha mula sa mga mata ko.

"Sus, miss mo ako no? Nasa tabi mo lang ako eh" Saglit akong napangiti dahil sa sinabi nya.

"Mahal kita, Margarett" Tumingin ako sa mga mata nya at nakita ko ang pagkabigla sa kanya dahil narin siguro sa mga luha ko. Hindi ako sumagot sa kanya dahil bago pa sya makapag salita agad kong pinikit ang mata ko at nilapit ko ang labi ko sa labi nya.

Ayokong sabihin lang sa salita dahil gusto kong maradaman nya.




































An : Sa next chapter gusto nyo Bea and Jema time naman? Comment lang. Pag umabot ng 10 c and v. Next chap agad hahahahahahah Godbless.

Ps. Yung sa FFY tatapusin ko na lang yung chap ready to publish na pero sa DC? Medyo matatagalan tayo dun 😅

Follow nyo ako sa twitter 😉 @mhyraytwan 👌

Best PartWhere stories live. Discover now