XII

2.3K 71 8
                                    

     Hindi ko na hinintay pa yung bati ng maid sa akin derederetso lang ako. I was actually forbidden to come here not unless for some occasions na kailangan ng "show".

"Ma'am Deanna, bawal po kayong dumeretso dyan" Hindi ko yun pinansin at dumeresto lang ako sa kwarto ni Bea at napatigil ako ng harangin ako ng maid pero nilagpasan ko sya.

At agad na pumasok sa loob at kitang kita ko kung paano magulat si Bea. "Dean-" Hindi ko na sya pinatapos pa agad ko syang binigyan ng suntok dahil ayokong marinig ang boses nya.

Tinulak nya ako palayo kaya agad akong sumugod at binigyan sya ng isa pa ulet pero nakailag sya at tinulak ako sa pader.

"What the hell is your problem?!" She shouted pero nag pumiglas ako dahilan para mabitawan nya ako agad ko syang sinuntok and this time tumama ito sakanya kaya agad syang tumumba.

"Ilang beses ko ng inulit sayo na layuan mo ang girlfriend ko! Layuan mo si Jema! Akala mo ba hindi ko alam na pinopormahan mo sya?!" Sigaw ko sa kanya at susugod na sana ako sa kanya pero naunahan ako at ako naman ang nasuntok kaya agad akong napahawak ako sa bandang labi ko at napangisi ako dahil may dugo yun. "Anong karapatan mo na sugurin ako sa sariling bahay ko?" Napa ngisi ako at tumango tango sa kanya.

Ano nga naman karapatan kong tumapak dito sa pamamahay niya...nila. "Ganyan ka ba ka insecure, Deanna?" Nandilim ang paningin ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi mo mapag katiwalaan ang Girlfriend mo? Pfft-Akala mo kay Jessica may pumorma lang sa panahon na nag aaway kayo bibigay agad?" Napayukom ako ang kamao ko dahil hindi ko na kinakaya ang sinasabi nya. "Mas lalo ko lang napatunayan na hindi karapat dapat kay Jessica" Hindi ko na kinaya kaya agad akong lumapit sakanya.

"Wag mo akong pangaralan! Wala kang alam at may tiwala ako kay Margarett pero sayo wala!" Inis na sabi ko sakanya at tinulak ko sya.

"Pwede Deanna, wag kang gago! Hindi ka karapat dapat kay Jessica! Hindi mo alam kung paano sya mahalin ng tama! Mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para bawiin sya sayo" Ngitian ko sya at pumalakpak ako pero agad kong tinigil yun at nginisian sya.

"Do you really think she will come back to you? Oh well! Dream on, Bea! Sinaktan mo sya ng dahil sa walang kwenta mong dahilan! Sino bang nandun nung iniwan mo sya? Nung mga panahong umiiyak sya ng dahil sayo?!" Halos mawalan ng ako ng boses sa lakas ng sigaw ko sakanya. "Sino? Diba ako? Ako, Bea! Ako! Kaya wag mong asahan na babalikan ka nya!" Nginisian ko sya pag katapos kong sabihin yun pero binigyan nya rin ako ng ngisi.

"Kung ganyan naman pala kalakas ang tiwala mo kay Jessica. Bakit hindi mo man lang nagawang batiin sya sa loob ng dalawang linggo? Ha Deanna?" Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. "Kasi ano? Mas pinairal mo yang pride mo kesa kay Jessica? Wag kang pakampante. Deanna, alam kong alam mo na may nararamdaman pa sakin si Jessica" Sinamaan ko sya ng tingin at mas napayukom ang kamao ko dahil sa sinabi nya.

"Kahit pa ikaw ang nasa tabi nya malungkot parin sya. Sorry, mula noon at hanggang ngayon ako parin ang mahal nya" hindi ko napigilan at susuntukin ko na...

     "D E A N N A!" Hindi ko natuloy ang gagawin ko dahil may humarang sa gitna namin ni Bea.

"Anong karapatan mo na sumugod dito at mambugbog?! Dito mo pa nilabas ang pagka basugalera mo sa pamamahay ko?!" Inalis ko ang pagkakayukom ng kamao ko at inayos ko ang damit ko. "I'm sorry but I think bagay lang sa anak nyo yan, Mr.De Leon dahil inaahas nya ang girlfriend ng iba" Ngising sabi ko.

"Deanna, That's is unfair." Nag chuckle ako dahil sa narinig ko sa Asawa ni Mr.De leon.

"What can I expect here?" Agad akong umalis sa kwartong yun dahil wala na akong dahilan pa para mag stay pa duon.

"D E A N N A!" Rinig kong tawag ng tatay ni Bea pero hindi ako lumingon at mas binilisan ko pang maglakad at dali daling sumakay sa kotse ko at pinaandar iyon. Nakakainis! Ano ba kasing meron sa buhay ko?! Ang gulo na! Sobrang gulo!

   Si Jema na lang ang natitirang tama sa buhay ko. Parang mapupunta pa sa wala ang pinagsamahan naming dalawa bigla kong naalala yung pagtatalo samin. Tama ba na sinabi ko yun sa kanya. Shit ka Deanna! Syempre hindi!

Pero naalala ko rin yunh scene na nadatnan ko sa bahay nila. Yung ngiti nya kay Bea? Tapos yung sinabi pa ni Bea kanina na may nararamdaman parin si Jema sakanya.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan at duon nagumpisang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinigilan at ng mailabas ko na lahat ay dumeretso ako sa bahay namin at agad na nagkulong sa kwarto ko.

    "Pagsabihan mo yang anak mo!" Agad akong napamulat at dali daling bumaba dahil boses iyon ng tatay ni Bea.

"Oo, pagsasabihan ko sya Elmer pero umalis kana" Sabi ni Mom at tinulak nya palabas ito at lumingon sakin agad na naglakad papasok si Mom at hinila ako papasok sa kwarto ko.



















AN : Aweeee! Another short update 😅 Watcha think guys? Sorry na sa mga nasaktan sa last update ko 😅 peace love tayo! 💯💖 enjoy! Godbless to us!

Ps. Don't forget to smile 😊

Best PartWhere stories live. Discover now