IX

2.2K 56 9
                                    


    "Ma'am Jema, nandito na yung ibang deliver" Nakangiti ko syang tinanguan at kinuha ang binibigay nya. Busy ako kakabilang ng bulaklak ng biglang may nagsalita at hindi ako nakagalaw dahil kilalang kilala ko ang boses na yun. "Welcome back, Ms. Bea" Bati ng mga staff pero paanong nangyare na nakilala nila tong nilalang na to?

"Just to answer your thoughts. I'm already a regular costumer here" Sabi pa nito at napapikit ako dahil panigurado akong nakausap na sya ni Nanay dahil sobrang paborito sya nito.

"Then go, kunin mo na yung pinunta mo dito" Masungit na sabi ko at tinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa ko at nang makatapos ako ay agad kong pumunta sa office ni Ate pero bago ako makapasok ay may pumigil sakin.

"J-ema, can we talk?" Napa pikit ako saglit atska humarap sakanya ng seryoso.

"Wala tayong dapat pag usapan, De leon" Seryosong sabi ko at inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

"Alam mong kailangan nating mag-usap, Jessica" Inis ko syang tinignan at nakipag titigan din sya. Nakakainis to! Ako ang unang umiwas dahil iba ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Go. Talk, I'm giving you 5 minutes to talk" Seryosong sabi ko sa kanya at nanlaki ang mata nya at pinigilan kong mapangiti dahil namiss ko ang ganun reaction nya.

"Ano? Take it or leave it?" Seryosong sabi ko sakanya at parang nataranta sya. "Okay! Eto na! Start na ba?" Nalilitong sabi nya pero pinilit kong hindi mag karoon ng ibang emosyon.

"I-I j-ust want to sorry for what i've done before. I'm really really sorry" Saglit akong tumingin sa mata nya at kitang kita ko na sincere sya.

"If this about before? Napatawad na kita matagal na" Totoong sabi ko dahil iyon naman talaga. Matagal ko na syang pinatawad at matagal ko narin pinagbigyan ang sarili ko.

"R-eally? Oh-I didn't expec that. Thank you" Sabi nya at kita ko kung paano sya sumaya.

"Yun lang ba? I need to go. Umalis kana rin" Sabi ko sakanya at akmang papasok na ako pero napatigil ako sa sinabi nya.

"Come to think if bawiin kita kay Deanna?" Agad akong humarap sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. "You will never do that" Inis na turan ko sakanya pero ngumiti lang sya ng nangaasar.

"I want you back, Jessica" Nangaasar na sabi nito kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Kung nagbibiro ka, De leon. Hindi nakakatuwa" Inis na turan ko at binuksan ko ang pinto.

"Wait!" Inis kong hinawi ang kamay nya.

"Aray!" Nanlaki ang mata ko dahil sa paghawi ko ay napatama sakanya ang hawak ko sakanya.

"I was just joking, Margarett" Margarett na ang tawag nya sakin at tinatawag nya lang ako ng ganun before kapag galit or inis sya.

Nanlaki ang mata ko makita kong may dugo ang kamay nya ng alisin nya yun. Hindi ko hinayaan na magsalita sya at dali dali ko syang hinila papasok. "Umupo ka dyan, wag kang gagalaw at magsasalita" Sabi ko sakanya at dali dali akong pumasok sa Cr at agad na hinanap ang first aid kit ni Ate dito at ng makita ko yun agad kong kinuha at lumapit kay Bea.

"Alisin mo kamay mo baka ma infect" Inis na turan ko. Kung hindi ba naman sya tanga! Ang lakas mangasar na tamaan sya tuloy. Kumuha ako ng bulak saka ko nilagayan ng alcohol at nilapat ko sa bandang pisngi nya dahil duon ko sya  natamaan. 

"Beatriz, lumapit ka" Inis na sabi ko dahil nilayo nya agad ang sarili nya dahil nilapit ko sa mukha nya. "Masakit kaya yan" Sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. 

"Sige, umalis kana" Sabi ko at tumayo pero pinigilan nya ako kaya inis akong tumingin sakanya.

  "Aarte pa kasi" bulong ko pero nakarinig ako ng tawa kaya ambang hahapansin ko ulet sya pero hindi ko tinuloy at kumuha ng bagong bulak at nilagyan ko ulet yun ng alcohol and this time hindi na sya umilag at napapikit na lang sya kaya lihim akong napangiti at agad ko rin inalis dahil nakatingin na sya sakin. "Dahan dahan lang, Jema" Inis kong diniinan ang sugat nya pero dahil sa pagiwas nya nalaglag ang bulak sa baba ng sofa kaya inis akong tumingin sakanya saglit akong yumuko at pag anggat ko ay sobrang lapit ng mukha namin dalawa. 

Hindi ako makagalaw at makahinga dahil sa sobrang lapit namin. "J-ema?" Agad akong lumingon at isang Deanna Wong ang sumalubong sakin agad akong napatayo dahil duon. 

"D-eanna, I'ts no-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla syang tumakbo palabas saglit akong lumingon kay Bea at hinabol ko palabas si Deanna. Mas binilisan ko pa ang takbo ko dahil baka sumakay sya agad sa kotse nya. "L-ove, wait" Pigil ko sakanya bago nya buksan ang pinto ng kotse nya. 

Napaatras ako dahil sa talim ng tingin nya sakin. Shit! Sobrang galit sya at ramdam na ramdam ko yun kaya bumuntong hininga ako at hinawakan ko ang kamay nya. "Deanna, wala lang yun nakita mo" Hindi ko alam kung may boses ba na lumabas sa bibig ko. 

"Really?! Really Jessica?! Wala lang yun? Halos maghalikan na kayo?! At kung hindi pa siguro ako dumating?! Malamang nakipag halikan kana!" Hindi ko napigilan na sampalin sya dahil sa pinagsasabi nya. Ganon ba ang pagkakakilala nya sakin?

"Anong tingin mo sakin, Deanna?! Ganon ba ako sayo?!" Inis na sigaw ko sakanya at hindi ko napigilan na mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman ko mas masakit pa to kesa sa pag iwan sakin ni Bea dati. "Nakita ko kayo! Anong gusto mong isipin ko?!" Sigaw nya pabalik kaya napapikit ako at umiling.

Saglit kaming tumahimik at bigla na syang umalis kaya  napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko at mas lalong hindi ko mapigilan na bumagsak ang mga luha ko. 

"I'm sorry, Jema" Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at mapait na ngumiti.


















 "Hi, Pangs" Nakangiting bati ni Ate Jov pero malungkot na ngiti lang ang nabigay ko kaya agad syang lumapit sakin at yinakap ako.

  "Ate..." bulong ko.

"Deanna, right? Halika kwento mo sakin"  Nakangiting sabi ni Ate Jov kaya agad nya akong hinila papasok ng kwarto ko at agad ko rin na kwento sakanya. "So you mean nakita nya kayo?" Tumango tango ako dahil sa sinabi nya. 

"Nag-selos lang yun, kaya palamigin mo muna ang ulo" Nakangiting sabi ni Ate Jov pero bigla syang sumeryoso at tinitigan ako. 

"Pangs, umamin ka nga sakin. Anong naramdaman mo ng bumalik si Bea?" Saglit akong napatigtig sakanya at para bang nawala ang boses ko. 











AN: Updated na! Enjoy everyone ☺ Stay safe and God bless! 

Best PartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz