MAXPEIN MOON : PART 10

665K 25K 38.3K
                                    

"DUMATING NA po ang reyna,"isang umaga ay sinabi ng tagapag-ensayong rangohabang nag-aagahan ang lahat sa silong.

Parang wala akong narinig. Nauntag lang ako nang magsipagtayuan ang mga kasama ko. Ang atensyon ko kanina pa ay wala na sa pagkain. Kundi naroon sa pag-uusap sa malayo ng pangunahing lalaking rangoat ng cheotjae. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit masyado silang malayo at mahina ang boses ng pangunahing lalaking rango. Napakaraming sinasabi ng lalaki ngunit ang aking lola ay tutok sa agahan niya. Kung sumagot man ay panay tango nang nakangiwi lang.

Sa pagkakakilala ko sa aking lola ay hindi siya interesado kapag ganoon ang kaniyang reaksyon. Paniguradong nahuhulaan niya na kung alin ang totoo at hindi sa mga sinasabi ng pangunahing lalaking rango. May ugali pa man din itong pabibo.

Kumilos ako nang tumayo ang cheotjaeat sulyapan ako. "Halika't salubungin natin ang reyna, Maxpein Zin Moon,"utos ng cheotjae.

Pinangunahang maglakad ng pangunahing lalaking rangoang cheotjae, napaiwas agad ako. Aligaga akong nag-angat ng tingin sa cheotjae nang tapunan niya ng tingin ang naging pagkilos ko. Sandaling naglapat ang mga paningin namin ngunit wala akong mabasang reaksyon sa kaniyang mukha at mga mata.

Naagaw lang ang aming atensyon nang mahawi ang silong at tumambad si Bitgaram. Nasa akin agad ang paningin nito. Ngunit agad din itong tumango nang makaharap ang dalawang matataas na taong kasama ko.

"Cheotjae,"sambit ni Bitgaram. "Ikinagagalak ko po kayong makita."

Ngumiti ang aking lola. "Mabuti at nakarating kayo nang ligtas. Magaling, Bitgaram."Gusto kong magulat nang kindatan ito ng aking lola.

Bahagyang nagulat si Bitgaram saka nangiti at tumango. Muli siyang tumingin sa akin at tumango. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko bago nilingon ang pangunahing lalaking rangoat muli pang tumango. "Nagbalik na po ako, pangunahing lalaking rango."

"Maaasahan ka na ngang talaga, Bitgaram. Magaling."

"Salamat po, pangunahing lalaking rango."

Bahagyang tumawa ang pangunahing lalaking rango saka muling hinarap ang cheotjae. "Kaedad lamang niya ang inyong panganay na apo, cheotjae. Sa katunayan ay sabay silang nag-ensayo. Naroon ako nang pareho silang matuto."Umiral na naman ang pagiging pabibo nito.

Nasa tinig ng pangunahing lalaking rangoang pagmamalaki. Parang sinasabi nitong ito ang nagsanay kay Bitgaram at sa aking kapatid.

"Ngunit tingnan ninyo, sa mura niyang edad ay maaasahan na siya sa pagsundo sa reyna."Nakangising sinuyod ng tingin ng pangunahing lalaking rangosi Bitgaram. "Hindi na ako magtataka kung balang-araw ay sumunod ito sa yapak ko. Hindi ba nabuburyo sa pananatili sa bahay at eskuwela iyong panganay ninyong apo, cheotjae? Kung hindi ninyo mamasamain ang tanong ko."

Kung hindi ako nagkakamali ay naroon ang sarkasmo, hindi lang sa tono kundi maging sa mga sinabi ng pangunahing lalaking rango. Palihim ko itong sinamaan ng tingin bago nag-angat ng tingin sa lola ko.

Wala man lang mabasang inis o pagkainsulto sa mukha ng cheotjaenang tapunan ito ng tingin. "Hindi,"bumuntong-hininga siya. "Dahil kung mabuburyo siya sa kapaparoo't parito sa bahay at eskuwela ay sigurado akong walang gagamot sa 'yo sa sandaling mag-agaw-buhay ka. Maigi nang magpakadalubhasa siya."

Naitikom ko ang aking bibig upang mapigilan ang matawa. Lalo na nang makita ko ang pagbalatay ng gulat at pagkapahiya sa mukha at tainga ng pangunahing lalaking rango. Namula siya. Maging si Bitgaram ay yumuko nang todo upang itago ang kalokohan sa mukha.

MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon