MOON

631K 22.8K 27.6K
                                    

MAXPEIN MOON

INIHATID AKO ni Maxwell papunta sa kwarto. Ilang beses niyang tinanong kung ayos lang ako. Panay pagtango lang ang aking isinagot. Batid kong nag-aalala sila dahil mula nang madatnan nila akong nakikinig ay hindi na muli ako nagsalita pa. Paulit-ulit niyang tinanong kung gutom ba ako ngunit ni isang beses ay hindi ako sumagot. Ninais niyang huwag akong sukuan, makikita sa kaniyang mukha iyon. Pero ang katahimikan ko ang naging sagot sa kaniyang mga katanungan. Ayaw man ni Maxwell ay iniwan niya ako sa aking silid.

Gaya kanina ay nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto ng aking silid. Nanatili ako roon at paulit-ulit na sinasagot sa isip ang lahat ng katanungang kanina pa man ay nasagot na. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa ganoong pakiramdam. Iyong pakiramdam na may parte sa pagkatao mong nabuksan ngunit hanggang doon nalang, may hangganan, may kulang...meron nang kulang.

Gusto kong magsisi. Bakit pa ba ako nakinig? Siguro nga ay tama ang chairman, matigas ang aking ulo. Sa halip na sumunod ay ginagawa ko ang aking gusto.

Hindi ako natulog nang gabing iyon. Hindi ako nahiga. Nanatili lang akong nakatayo at tulala. Paano ko kayang natagalan? 'Sabagay, bale-wala iyon sa mga nakaraan kong pinagdaanan. Sa unang araw palang ng pagsabak sa ensayo ay matinding sakit na ang naramdaman, at napakaraming katanungan na ang laman ng isip ko. Hindi ang pagtayo sa maghapon o magdamag ang makapagpapalambot sa matigas nang mga tuhod ko.

"Dad? What are you doing here?" nauntag ako sa tinig ni Maxwell mula sa labas ng aking silid.

Matagal bago ko nagawang lingunin ang nakasarang pinto upang muli lamang matulala doon. Tila wala ako sa sarili. Basta lang napako ang paningin ko sa kung saan habang nakikinig. Ni hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko gayong batid kong papasok anumang sandali si Maxwell sa aking kwarto.

"Did you sleep here?" mahina man ay hindi makapaniwalang dagdag ni Maxwell. "Did you sleep?"

Hindi tumutugon ang aming ama. Naisip ko tuloy kung ano ang kaniyang hitsura. Nakaupo kaya ito sa sahig, sa labas ng pinto ng aking kwarto? Bakit naman kaya nito ginawa iyon? Hindi ko maintindihan kung bakit tila wala akong maramdaman.

MOONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon