Chapter 1

14K 324 14
                                    

Dumating na 'yong Prof namin sa Science, kasunod lang nito si Leigh. Napanguso ako at pumangalumbaba. He's so adorable! Gusto kong lapitan siya at halikan sa labi – what the, Coleen? I mean, gusto ko siyang mas makilala pa. Tingin ko ay hindi lang panlabas na anyo ang maganda sa kanya kung hindi pati panloob din – wait, wait. Don't get me wrong, I'm thinking about his attitude and not his – this is enough.

Napaismid na lang ako nang makarinig ako ng ilang mga usapan at makakita ng malalagkit na tingin kay Leigh. Such a bad dreamer! Hindi nila alam na para sa akin lang si Leigh.

Saka... sa lagay na 'to, hindi pa ako gusto ni Leigh. Sa ganda at talino kong ito. Paano pa kaya ang mga nananaginip ng gising na iba diyan?

I pity them.

Finocus ko na lang ang sarili ko sa mga dinidiscuss ni Prof pero iyong mga mata ko, parang may sariling buhay. Napansin ko na lang na na kay Leigh na pala ang tingin ko. Gusto kong makinig kay Prof at i-ignore 'tong si Leigh pero... paano? It's just that he's so cute to the point that I can't take my eyes off him! 

Tapos tuwing mapapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay iirapan niya ako. Kahit na ginagawa niya ang bagay na iyon, ang cute-cute niya pa rin! When I say that he's cute, it means he's the right person that I'll marry!

Take note, it's not the same to those girl who're just dreaming... it's the truth! No one's capable to be my husband but Leigh!

Napangiti ako sa iniisip ko. Soon, alam kong mapapansin niya rin ako.

"Miss Montecillo?" Nanlaki ang mata ko at nabalik agad ako sa reyalidad nang marinig kong tinawag ang apelido ko. Anong mayroon? Shems. Lumutang na sa kalangitan 'yong isip ko dahil kay Leigh.

"Ano po 'yon, Prof?" Magalang na tanong ko at bahagyang ngumiti.

"Are you listening?" I nodded quickly.

"Yes, prof." I replied.

"Then, what is the meaning of genetics?" Inayos nito ang salamin niya at maigi akong tiningnan.

Genetics? What the hell is that word?

Alright, alright. Did I thought that I'm a smart and pretty student? Please drop the smart, I'm lying in that part. 

"Uh..." Ano nga ba? Shems. Hindi ako pwedeng mapahiya! Mapahiya na sa lahat ng sulok ng mundo pero hindi rito! "H-Hindi ko po alam, e..." I give up. Hindi ko malalakihan ng mata si Elise ngayon dahil masyadong malayo ang upuan niya sa akin. Looks like my unlucky day is today, huh? Yumuko ako at hindi na nangahas pang tingnan si Leigh. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Prof na tiyak ang ibig sabihin ay disappointment.

I messed up!

"Take your seat. Mr. Hudson, can you answer my question?" I let out a sigh. Umupo na ako sa upuan ko ulit.

"Genetics is the study of heredity and variation." Malamig na sabi nito at umupo na. Yeah, right. Isang nagustuhan ko kay Leigh ay dahil matalino ito.

Ang hirap din pala kapag bobo ka tapos nagkagusto ka sa matalino.

Pero, hindi ako dapat sumuko. Tutal, sabi nga nila ay love is blind, aasa na lang din ako na mabubulag si Leigh at ma-in love sa akin.

Iniangat ko ang tingin ko at tumingin kay Leigh. Nagulat pa ako nang nakatingin din pala ito sa akin. "Tss." Walang emosyon ang boses nito at halatang nainis sa kalat na ginawa ko. Sabagay, nakakainis naman talaga na saluhin ang problema ng iba.

Napangiti na lang ako ng alanganin at umiwas ng tingin. Tanginis. Nakakahiya. Lupa, kung maaari ay kainin mo na ako, now na!

"So, like Mr. Hudson have said, genetics is..." Nakatulala lang ako kay Prof habang nakikinig sa mga dinidiscuss niya.

That Cold Guy Is MineWhere stories live. Discover now