Chapter 9

8.4K 243 9
                                    

"Beh!" Sunod-sunod ang pagkatok sa pinto ko na akala mo ay may sunog. Wala akong ganang tumayo sa kama at tamad na naglakad para buksan ang pinto. Bumungad agad sa akin ang mukha ni Elise.

"Oh?" Sa sobrang tamlay ng boses ko, parang natanggal ako sa trabaho o kaya naman ay honor student na natanggal sa list of honors– syempre, parang lang 'yon. Hindi naman ako top sa klase, e. Mas gusto ko pang mapunta sa top ni Leigh.

"Seriously, what's with that face?" She pointed out my face with her index finger as she titled her head a bit. It was like she was confused on my face's reaction.

"Ah, nothing, nothing." I shook my head.

"E?" Tumango na lang ako.

May nangyari lang talaga na hindi maganda kagabi. Kainis kasi si Kuya, ubusan ba naman ako ng paborito kong cake! How dare him? Nawala tuloy ako sa mood ko. Not mentioning na inasar-asar niya pa ako pagkatapos no'n. Kaya hanggang ngayon ay dala-dala ko ang bad vibes.

"Okay lang ako," I said.

"I guess so," she replied.

Binigyan ko siya ng daan nang pumasok siya bigla sa kwarto ko. Napanguso na lang ako habang sinusundan siya ng tingin, pabagsak itong humiga sa kama at tiningnan ako.

"Ano?" Tanong ko rito. Isinara ko ang pinto at lumapit sa kanya. "Wala si Kuya rito," I heard her tss. Tumawa ako. "'Yon lang naman ang pinupunta mo rito, duh." That was a fact. Umupo ito.

"'Di ba ngayon pupunta si Leigh dito?" Pag-iiba niya ng topic. Tumango naman ako. Dahil sa kaepalan ni Kuya, muntikan ko na rin makalimutan na pupunta nga pala si Leigh dito. "Anong oras?" Tanong niya pa.

"Three." tipid kong sagot.

Tumayo ako at pumunta sa cr. Kakagising ko pa lang at naalala ko na hindi pa pala ako nakakapagtoothbrush man lang. Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo. Ayokong maturn off sa'kin si Leigh, though, maliligo pa naman ako mamaya pero dapat ay super bango talaga ako. Kung pwede lang na perfume na ang ipaligo ko pero masyadong magastos iyon para sa ngayon. Saka na lang siguro kapag official na kami.

Kanina ko pa iniisip ang pagpunta rito ni Leigh pero hindi ko alam kung alam niya ba 'tong bahay namin – ah, teka. Nahatid niya na pala ako rati sa bahay no'ng pumunta kami sa park. Wait, wait. Paano niya nalaman ang bahay namin no'n? To think of it... ang tagal na no'n pero ngayon ko lang din napag-isip-isip. Gano'n ba talaga ako ka-overwhelm no'n? Shems. Iba talaga ang dating niya sa'kin.

"Excited ka na ba?" Pilyo ang ngiti ni Elise no'ng makalabas ako ng cr.

"Not... that much." Tumawa ito nang malakas.

"Sus!" Inilingan ko siya.

"I was serious with that." Tumigil siya sa pagtawa at nag-o ang bibig.

"Bakit? Bakit?" She excitedly asked.

"Naalala mo no'ng..." Tumigil ako.

Hindi niya pa nga pala alam na gusto ko ng tigilan si Leigh. Wala akong nasabi sa kanya about doon, tiyak na hindi rin naman kasi siya maniniwala.

"No'ng? Ano?" Hinihintay niya ang sasabihin ko.

Ngayon... iyon pa rin ba ang desisyon ko? Gusto ko pa rin bang tigilan si Leigh?

I wasn't able to confirm the thing between Mae and Leigh.

Posibleng sila talaga at posible ring hindi. Ini-stalk ko si Mae no'ng nakaraan sa Facebook at iyon pa rin ang profile picture niya. Nagsisinungaling ba sa'kin si Leigh?

"Hey." bumilis ang tibok ng puso ko nang tapikin bigla ni Elise ang balikat ko. Isinuot niya sa akin ang reading glasses at tumawa. "You looked totally smart." I frowned and removed the glasses.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon