Chapter 12

8.1K 213 13
                                    

"I'll sing for you," tanginis. Sana talaga hindi panaginip 'to.

Inalog ko ang ulo ko at pinisil ang dalawang pisngi. Tatlong beses din akong huminga ng malalim saka pumikit nang madiin. Pagdilat ko, agad kong isinet ang focus ng mata ko sa kanya – narito pa rin siya. So, this is real?

"You mean it?" I couldn't hide the happiness on my voice. This felt surreal.

"Yeah," tamad niyang tugon. "You were thinking it's a joke?" His head slightly tilted.

I immediately shook my head for response. "No, no. It's just that–" nabitin sa hangin ang nakabukas kong bibig nang tumayo siya at itukod ang dalawang kamay niya sa center table na nakapagitan sa amin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at itinaas ang kilay niya.

"I'm in a hurry. I just stopped here for a little time to do this," seryosong-seryoso ang boses niya ngayon – malayo sa boses niyang malamig. "Now, tell me, it's just that?" Anumang oras ay parang malalagot ang ugat ko sa leeg dahil sa sobrang kaba – parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito. I couldn't order it to stop from beating fast. It's unstoppable... Leigh is... Leigh is like the commander of my heart. Yes, he commanded my heart to beat so fast that it could burst out.

"Uhm..." Shems, shems. Ano na ngayon? "I-I..." I couldn't talk properly! Ang talim ng titig niya sa akin. Hindi ko matagalan... parang sasabog ako anumang oras... nahugot ko na lang ang hininga ko nang lumayo siya sa akin. "I'm sorry," hindi siya sumagot. Diretso siyang umupo at tumingin ulit sa akin. Malamig na naman.

"It's fine," malamig niya ring tugon.

I slightly pinched my leg so that I could calm myself.

Hindi ko siya maintindihan. Iyan na naman siya sa it's fine niya. Tuwing nagkakamali na lang ako o may nagagawa akong hindi maganda – ano bang mayroon sa kanya? Also, I couldn't bring myself to stare at him like I used to! Just what on earth is happening to me?

Was I being messed again?

"I'll get the guitar." Tumayo ako at tumingin sa kanya. Hindi siya nagsalita o gumalaw, nakatingin lang siya sa'kin. Diretso sa mata ko. Parang tumatagos sa katawan ko ang bawat titig niya. Umiwas na lang ako ng tingin at mabilis na umalis doon sa living room.

Mahigpit ang hawak ko sa railings na akala mo ay mahuhulog ako anytime. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa kwarto ni Kuya.

Seriously! What the hell was happening to me? Okay naman ako, ah. Yes, okay lang. Walang dapat ikakaba. Si Leigh lang 'yon, ako lang 'to.

Shit. Leigh? Syempre hindi lang basta Leigh 'yon! Ang lakas ng dating niya sa'kin... kaya kailangan kong kumalma. Ang pangit ko pa namang tingnan kapag kinakabahan.

Tahimik akong naglakad at kinuha iyong gitara malapit sa kama niya. Binuksan ko ang drawer ng cabinet niya at kinuha iyong pick para hindi masyadong masaktan 'yong daliri ni Leigh. Napangiwi na lang ako nang may makita pang CD ng – nevermind. Kahit kailan talaga 'tong tuko na 'to. 

Mabuti na lang talaga at tulog siya.

"Hoy. Saan mo dadalin 'yang baby ko?" Napatigil ako sa paglalakad palabas at humarap sa kanya. Gising pala.

"Pahiram ako," I plainly said.

"Tss. Basta 'yung kay Elise, ha?" Tumango lang ako at lumabas na agad ng kwarto niya. Elise pa rin. Mukhang seryoso nga siya at hindi ako nananaginip about doon.

Noong makababa na ulit ako, iniwas ko na ang mata ko kay Leigh dahil alam kong nakatingin siya sa'kin – hindi ako assuming, ramdam ko talaga. Ayoko lang magkasalubong 'yong mga mata namin dahil hindi ko kaya 'yong tense ng titig niya. It gave me goosebumps... seriously.

That Cold Guy Is MineΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα