Chapter 10

8.2K 281 28
                                    

Naimulat ko agad ang mata ko at mabilis na umupo ng kama nang tumunog ng malakas ang alarm clock. Kasabay ng isang paghikab ang pag-unat ko sa mga braso ko. Nakatulog pala ako. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako rito sa kwarto para ipagpatuloy 'yong pagbabasa ko ng libro kaso umepekto na naman yata 'yong pagkaantok ko tuwing mag-aaral kaya ayon, nakatulog. Okay lang naman dahil naset ko ang alarm clock in case na ganoon, in-expect ko na rin kasi.

Three na ng hapon. Nakabukas ang bintana kaya mayroong ilang sinag ng araw ang nakapasok sa loob ng kwarto.

Hay. Kawawa naman ang Leigh ko, kahit medyo mainit pa, pupunta pa rin siya rito. Papagawan ko na lang siguro siya ng malamig na malamig na juice – pero sa tingin ko, roon pa lang sa way na cold siya, hindi niya na kakailanganin ng juice.

"Shit," I cussed upon realizing the possibility that Leigh would be here now.

Nagmamadali akong pumunta sa cr para maghilamos at magtooth brush, mabilis ko ring inipit ang buhok ko sa bun saka nagpulbos at kaunting pisik ng perfume. Nang makita kong ayos na ang sarili ko sa salamin, bumaba na ako. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil mukhang ayos na naman 'tong suot ko, plain black na pajama at printed white t-shirt. Hindi na naman ako siguro mukhang dugyot dito.

Nasilayan ko na si Leigh na nakaupo sa may couch. May juice at sandwich na sa harapan niya pero hindi pa rin nagagalaw, diretso lang ang tingin nito sa akin habang palapit ako sa kanya. Ngumiti ako pero nanatiling blangko ang mukha niya. Walang dapat ipag-alala dahil gan'yan na siya rati pa.

"Hi." I tucked a lock of hair behind my ear. My smile widened.

"Yeah," he replied.

I bit my lower lip to stopped myself from smiling. Shems. Kinikilig ako. Ang babaw pero oo. Isang yeah niya lang tapos ganito na iyong epekto sa akin? Paano na kapag nag I love you pa siya? Baka mamatay na ako sa kilig no'n! Pasimple akong humugot ng hininga at saka muling tumingin sa kanya.

"Uh..." Tanginis! Anong dapat sabihin? Parang natuyo bigla 'yong lalamunan ko at walang ideyang pumasok sa isip ko paano ako makikipag-usap nang maayos sa kanya.

"You can sit beside me," he said, still cold.

"Uhm, sige." Medyo nanginginig pa ang tuhod ko habang lumalapit sa kanya, halos makahinga ako nang maluwag no'ng tuluyan akong makaupo pero nang pumasok sa isip ko na siya 'yong katabi ko, halos magpalpitate na naman ako. Paano ba kasi kumalma?!

Bwisit na yelo 'to!

"Sorry pala kung hindi na kita nasalubong sa gate," naglakas-loob na akong magsalita dahil ang tahimik namin masyado. Nakakabother lang.

"It's fine," he shortly replied.

Okay. So, ano na ngayon? Kaunti na lang ay masisiraan na ako ng utak kung hindi pa lumabas si Mom sa kitchen at daluhan kami rito.

"Buti at nagising ka na, baby. Kanina pa si Leigh dito." Nakangiting aniya. Kanina pa si Leigh dito? Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiya. Ibig sabihin, kanina ko pa siya pinaghihintay? Argh! Bakit walang gumising sa'kin? Paano kung maturn off sa akin si Leigh niyan?

I smiled unconsciously. "Opo..."

"It's fine," ulit ni Leigh. Hindi naman sumagot si Mom at tumango lang na may ngiti pa rin sa labi, pero ramdam na ramdam ko 'yong titig ni Mom sa akin, 'yong titig na nang-aasar. Bahagya kong iniling ang ulo ko at tumingin kay Leigh.

"Sorry ulit," I sincerely said.

"I told you it's fine." Hindi na ako sumagot at alanganin na lang na ngumiti.

That Cold Guy Is MineDär berättelser lever. Upptäck nu