Chapter 3

9.4K 294 10
                                    

"Picture with my boyfriend, I love you, hubby."

Wait, what the hell is this? Kailan pa siya nagkaroon ng karapatan na tawaging hubby ang asawa ko? When I say asawa ko, it's Leigh! He's mine only, duh? Am I doing a mistake here?

Pero, kung iisipin ko. Paano naman nakakuha si Mae ng picture ni Leigh at saka bakit parang totoo 'yong edit niya? Ha! Hindi ako maniniwala na nagkaroon ng chance 'tong bruha na 'to sa asawa ko. But, what if? Paano kung boyfriend niya nga talaga si Leigh?

Teka, hindi pwede iyon. Bakit hindi ako updated? Shems. Ano bang nangyayari sa mundo? Akala ko ba para sa akin 'tong araw na 'to? Ang sarap pagbuhulin niyang mga buto ng bwisit na Mae na 'yan!

Binasa ko iyong mga comment pero bago iyon ay nagreact muna ako ng sad. Tutal ay mukhang hayok naman sa reacts itong si Mae. Well, siya ang tinatawag na queen bee sa school dahil sa siya ang nanalo noong nakaraang pageant ng school namin. Wala naman akong pakialam no'ng una as long as wala akong kaagaw kay Leigh... pero mukhang nag-iba na ang lahat ngayon.

Queenie: Stay strong!

Carl Monteverdi: Ayieeeee ang sweet!

Layne Zy: Woah! Bagay na bagay kayo, Mae.

Hindi ko maiwasang iikot ng 360° ang mata ko habang binabasa ang mga putspang comment na 'to. Kaya nagiging toxic ang Facebook, e! 'Yong mga basura ay nilalagay pa nila sa comment section. Akala mo naman talaga sweet. Anong sweet d'yan, e, nakaakbay lang naman? Isa pa, walang forever, duh.

Well... may forever, kung sa akin mapupunta si Leigh.

Pero, tama nga? Si Mae at Leigh na talaga? Dapat na ba akong mawalan ng pag-asa? Pero 'di ba ay wala pa namang cino-confirm si Leigh na sila na nga ni Mae, so, it means na may kaunting pag-asa pa rin.

Yeah, hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Ang araw na ito ay ginawa para sa akin.

Maya-maya ay naagaw ng atensyon ko ang isang notification na nagpop up sa screen ko. 

'Mae mentioned you in her comment...'

Ano namang kailangan sa akin nitong gaga na 'to? May pamention pang nalalaman, magpapareact ba na naman ba sa kung anong beauty contest 'yan?

Mae: Coleen Montecillo, bakit sad?

I clicked the reply button. Napaismid ako habang nagta-type, napakaarte naman nito, nagreact na nga tapos ayaw pa? Kung ito lang din ang magiging girlfriend ni Leigh, e 'di sana ako na lang ang pinili ni Leigh!

Ang tali-talino niya tapos hindi niya alam na siya ay para sa'kin lang?

Coleen Montecillo: Ayaw mo ng sad? Haha gusto mo?

Wala naman akong balak patulan 'tong si Mae pero masyado niyang hinihila ang trigger para mainis ako. Maya-maya lang ay nakita kong nagreply siya kaya agad kong pinindot ito..

Mae: Oh, sorry, I forgot na bitter ka nga pala, BOYFRIEND ko na kasi si Leigh.

Nako, nako! Iyang mga naka-one name talaga sa Facebook ang sarap pagtitirisin! Halos lumubog na ang isa sa mga key ng keyboard ng laptop ko dahil sa diin ng pagkakapindot ko. Ang sarap isaksak sa baga niya 'tong laptop.

Kung boyfriend niya si Leigh, e 'di boyfriend niya! Alam ko namang maghihiwalay rin sila agad. Jowa now, iyak later. Karmahin sana siya!

Nagreact na lang ako ng haha sa reply niya at nilog out na iyong Facebook ko. Kung alam ko lang na masisira ang araw ko dahil sa profile picture ni Mae, e 'di sana ay natulog na lang ako.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon