Chapter 7

9.6K 242 11
                                    

Diretso ang tingin ko sa harapan at patuloy na pinipigilan ang pagpikit ng mga mata ko. Shems. Hindi naman ako nagpuyat kagabi pero bakit antok na antok na ako? Okay lang 'to, malapit na rin namang mag-uwian. Last subject na 'tong si Prof.

3... 2... 1...

"Class dismissed." Sa wakas! Tuluyan nang lumabas si Prof habang ako ay naiwan ditong nakaupo pa rin. Inaantok na ako at gusto ko ng umuwi pero parang nadikit na yata ako rito sa upuan ko.

"Beh!" Patakbong lumapit si Elise sa akin dala-dala ang malalaki niyang ngiti. "Pupunta na ba tayo sa inyo?" Halos mapunit na ang labi niya dahil sa ngiti. Sira talaga.

"Bakit, kasama ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya kaya nawala agad ang ngiti nito. Nawala yata ang antok ko. Boses siguro talaga ni Prof ang sleeping pills dito.

"E, ang duga mo, beh. Gusto ko lang naman makita si Daen..." She trailed off as she flipped her hair. "My loves." Nakakadiring dugtong niya. My loves talaga? Hindi ba siya pwedeng gumamit ng hindi ganoon kasama pakinggan? Hindi niya ako gayahin na asawa lang ang tawag ko kay Leigh. Hindi masyadong bulgar, right?

"Siguro, ginayuma ka no'n, 'no? Sabihin mo!" Lumapit ako sa kanya at inalog-alog ko siya. Hindi talaga ako makapaniwala na hanggang ngayon ay patay na patay 'to kay Daen. Ano bang espiritu ng katangahan ang sumanib dito?

Natigil ako sa pagyugyog kay Elise nang may tumikhim sa likod namin kaya sabay kaming napaharap doon at nakita namin si Leigh.

Argh! Bakit kasi ang gwapo ng nilalang na 'to? Ang cold niya pero ang hot! 'Yan ang asawa ko.

"Gagawa na ba tayo ngayon ng project?" Maagap na tanong niya. Well, as you see, this is Leigh. Matalino at model student sa lahat at bagay. Lagi pang unang gumagawa ng project.

Ang hirap lang talaga kapag bobo ka tapos matalino 'yong crush mo. Sumpa ba 'to?

Next Friday ang due date. Si Miss Santos ang pinakamaagang magbigay ng due date. Niru-rush niya talaga kami. Thursday pa lang naman. We still have one week.

Ang sabi ni Dad kailangan daw ay ipakita ko si Leigh ngayon pero pwede naman sigurong sa Sabado na lang. 'Wag na umarte si Daddy, aba.

Tumingin ako kay Leigh. "Sa sabado na lang tayo gumawa." I said as I innocently smiled. He just nodded, then turned his back and walked away. Nanatili akong nakatingin sa likuran niya habang papalayo siya.

Ang lamig pa rin ng pakikitungo niya sa akin. Naalala niya pa kaya no'ng niyakap niya ako at hinalikan sa noo? Siguro hindi na. Baka nga nakadrugs lang siya no'n. Kahit naman saan mo tingnan, imposible na magustuhan ako ni Leigh.

Syempre, joke lang. Mamatay na lahat ng magustuhan ni Leigh pwera lang sa'kin! Alam ko, balang araw ay mapapansin niya rin ako. Malay ko ba kung sa Sabado na iyon.

"Tara na, beh?" Tumango lang ako. Pumunta na kaming parking lot, nakita ko na rin si Daen na naghihintay roon at nakasandal sa kotse niyang bulok. Ang pangit talaga. Kasing gaspang ng ugali niya.

Napaaray na lang ako nang may kumurot sa akin. Tanginis. Sinamaan ko ng tingin si Elise sa gilid ko na kilig na kilig.

Ano bang nakakakilig d'yan? Tumaas ang kilay ko sa mga babaeng tumitingin-tingin pa kay Daen habang dumadaan dito, iyong iba ay parang nadikit na yata ang mata kay Daen. Hindi nila alam kadiri silang tingnan. Maraming lumalapit sa akin na babae, lalo na ang mga kabatch ko at umaasa silang ipapakilala ko sila kay Daen pero hindi. Manigas sila.

Hindi ko na lang pinansin at hinila na si Elise papasok sa kotse. Sinigawan ko pa si Kuya dahil mukhang may nakitang biktima na naman. Nakasimangot itong sumakay sa kotse at nagdrive. Naupo kami ni Elise sa back seat.

That Cold Guy Is MineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora