Chapter 13

7.5K 244 23
                                    

Noong tumunog na ang bell, tumayo na rin ako para isauli ang librong binabasa ko. Love Takes Wing by Janette Oke. Hindi ako interesado sa mga novel dahil wala naman talaga akong hilig magbasa pero nakuha niya lang 'yong interes ko no'ng nakaraan sinusundan ko rito si Leigh.

Hindi siya madalas dito sa library. Sa tagal ko ng crush siya, halos kabisado ko na ang routine ni Leigh kung saan siya madalas pumunta at saan hindi.

"Late," napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Speaking of him, nandito siya ngayon sa harapan ko. Or sa gilid ng labas ng library.

"Ha?" Anong late? Nakapatong sa dibdib niya ang magkakrus niyang braso. Mukhang may inaabangan siya rito. Si Mae ba? Si Mae... matagal ko na rin siyang hindi nakikita.

Medyo humupa na iyong chismis tungkol sa kanila pero ganoon pa rin ang profile picture niya.

"You're late," mas malamig pa sa yelo ang boses niya. Kulang na lang magdala ako ng jacket kapag kausap ko siya.

Tinuro ko ang sarili ko at nag-aalinlangang ngumiti. "Ah, oo nga. Mukhang late na ako." Tumango ako pero nang maisip kong pati siya ay late na, napanguso ako. "Ikaw rin naman."

Umayos siya ng tayo at ibinulsa ang dalawang kamay niya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya sinundan ko na lang. Tumangkad pala ako. Dati ay hanggang dibdib niya lang ako pero ngayon tingin ko, nasa bandang ilong niya na ako. 5'8 ang height niya.

"Hinintay kita kaya ako nalate." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. It was out of nowhere.

Saka... anong ibig sabihin niya roon?

"A-Ano?" Mas binilisan ko ang lakad para makasabay sa kanya.

"Wala." Napanguso na lang ako ulit. Ang bilis niya mawalan ng pasensya! Pero narinig ko naman. Malinaw at sigurado. Hinintay niya ako.

Pero bakit?

What's gotten into him? I mean, he changed a lot. Nagsimula iyon no'ng tinutor niya ako. Kainis, nalilito tuloy ako. At... mas lumalala lang 'yong feelings ko sa kanya. Dapat wala na, e. Kung kailan desidido na ako saka siya ganito.

Ano bang gusto niyang mangyari?

"Leigh," malapit na kami sa classroom kaya hindi naman siguro magiging awkward kung tatanungin ko siya.

"Hmm?" Grabe, hindi niya man lang ako tinapunan ng kahit kaunting tingin o pansin!

"Wala!" How could he change my mood that easy?! Shems. Of course... I like him.

Hinintay kong lingunin niya ako o tanungin kung anong problema ko pero hindi niya ako pinansin. Tulo-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi umiimik. Yelo talaga! Hindi man lang ba siya worried sa akin kahit kaunti? I mean, he's my suitor, right?

Malayo na 'to sa pag-a-assume dahil siya na mismo ang nagsabing nililigawan niya ako. No'ng una, baka loko-loko pa pero nag-effort siyang pumunta sa bahay namin. Loko pa rin ba 'yon?

"Five minutes late," iyan agad ang salubong sa amin ni Prof pagkadating namin, isama mo na ang ma-issue'ng tingin ni Elise at ng mga kaklase ko.

"It's my fault. I called Miss Montecillo for some help in the library. She should've came here earlier," he explained. And he's obviously lying! Nakakunot ang noo ko habang nagpapaliwanag siya pero sumang-ayon na lang din ako no'ng tinanong ako ni Prof.

Ayoko lang masayang 'yong effort niyang magsinungaling. Babawi na lang ako sa kanya, of course, I owe him this one.

Nang tagumpay kaming makapasok, hindi na ako nagkaroon ng chance na makapagthank you sa kanya dahil dumiretso na siya agad sa upuan niya, ganoon na lang din ako.

That Cold Guy Is MineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin