Chapter 11

8.5K 252 16
                                    

"Hi, Coleen!" Magiliw na bati sa akin ni Tita Elainne at hinalikan ako sa pisngi. Hindi makapal ang make-up nito pero ang nangingibabaw ang kagandahan niya, kahit na nasa malayo ay amoy na amoy ko rin ang perfume ni Tita. Hindi siya nakangiti pero sobrang lakas ng appeal niya. Mapapasana all ka na lang talaga sa ganda niya.

Minsan, feeling ko mas matanda pa ako kay Tita Elainne. Lalo na kapag stress ako sa school.

"Hi po, Tita." Bati ko rin dito at tipid na ngumiti.

"Uy, beh." Hindi na ako nagulat nang sumabit sa braso ko si Elise. Maganda rin naman si Elise pero karamihan ng features niya, namana niya kay Tito Louise.

Speaking of Tito, narito na rin siya at palapit sa amin ni Elise. Ngiting-ngiti ito habang kausap si Daen. Close kami ni Tito pero mas close talaga si Daen sa kanya, sipsip kasi si Kuya. Hay nako! Ewan ko pero mas close din si Kuya kay Dad. Sabi ni Mommy, normal lang daw 'yon kasi iisa lang ang interes nila dahil lalaki sila.

Pasimpleng sumulyap si Daen dito sa pwesto namin ni Elise. Akala niya matatago niya pa 'yong pagnanasa sa kaibigan ko, e, halatang-halata na siya. Ito namang si bruha, mukhang wala pa rin talagang alam. Nakakainis sila. Akala yata ni Kuya, e, masaya ako para sa kanila? Sasaya lang ako kapag nasa akin na si Leigh - shems, nadulas.

Iyong matter kasi na iyon, mahirap pagdesisyonan. Alam kong desidido na ako na layuan si Leigh, na maging masaya na lang para sa sarili ko. Pero paano ko gagawin 'yon kung kanina lang, sinabi niya sa'kin na nililigawan niya ako?! Though, hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon.

Argh. I am completely clueless!

"Yo, Tito panget!" Bati ko rito nang dumaan ito sa harapan ko. Inismidan naman niya agad ako.

"Hi, Coleen takaw!" Mapang-asar din nitong balik na agad kong inirapan. "Pikon pa rin tulad ng nanay mo, e." Humalakhak ito lalo no'ng makita si Mom na palapit sa amin.

Hinayaan na lang namin sila na mag-usap- mag-asaran rather. Si Daddy naman ay kausap si Tita. Ganiyan ang usual na set-up tuwing nagkikita sila. Minsan hindi ko maiwasang magkaroon ng issue sa isip ko pero halatang mature na talaga sila kaya parang wala lang iyon. Ako na ang ma-issue at judger.

"Si Leigh?" Elise asked while we were entering the dining room.

"Umuwi na, dumating daw 'yong friend niya sa Singapore." Kibit-balikat kong sabi. Kinunutan ko siya ng noo nang ma-issue siyang ngumiti. "What?" My lips parted.

"Were you disappointed? Ha?" Her eyebrows were up and down.

"No," I firmly said.

"Weh?" Makulit niyang tanong habang paupo kami. "Hindi mo ba hiniling na makasabay kumain si Leigh?"

"Well, dadating din naman kami riyan," A grin was plastered on my face. "Baka nga kami na 'yong magkakainan," napahagalpak na lang ako sa tawa.

"Ang wild, grabe." Umiiling ito. "Sobrang pagnanasa na 'yan." Nagsign of the cross siya. "Hayaan mo, ipagdadasal ko na patawarin ka ni Lord. Bilang best friend mo, ito na lang ang magagawa ko," May papikit-effect pa ang gaga habang nakadikit ang mga palad niya.

"Alam mo, magkalimutan na nga tayo." I crossed my arms over my chest. Wala talagang kasupport-support, e!

Imbis na nagbago na 'yong isip ko at isu-support ko na sila ni Kuya, hindi na lang pala! Ako ang magiging villain sa kanilang dalawa. Kung wala lang din akong love life, mabuti ng wala rin sila! Damay-damay na 'to.

"Joke lang!" Tumatawa siya nang tumigil ito bigla. "Ito naman, 'di na mabiro. Kwentuhan mo na lang ako mamaya kung anong nangyari sa inyo," pahina nang pahina ang boses niya dahil sobrang intense ng tingin niya kay Kuya. Makapigil-hininga, e.

That Cold Guy Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon