Kabanata V: Code master/Hacker

1.8K 66 24
                                    

Arya

"KYAAAH!" sigaw ko nang makita ang resulta ng detective section. Bumaling ako kay Zanaya at niyugyog ko pa ang balikat niya sabay sabing, "I can't believe this! Pasok tayo sa top 5!"

Grabe, sobrang saya ko talaga. Hindi ko lubos akalain na makapapasok ako sa top 5. Napatingin ako kay Zanaya para batiin sana siya ngunit wala man lang kahit na anong bahid ng emosyon sa mukha niya. Mukhang hindi siya natuwa sa resulta.

Ayaw ba niya sa Detective section? Ayaw ba niya akong makasama? Nakaiiyak naman. Pakiramdam ko tuloy maluluha na ako.

Naglakas loob na lang akong tanungin siya, "Zan, anong problema?"

Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa balikat at seryosong tumingin sa aking mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, ngunit hindi ko na lang ininda. Ang ikinababahala ko ngayon ay ang tensyon na inilalabas ng mga titig niyang iyon.

"Arya, listen to me. Hindi ako dapat mapabilang sa top 5," sabi niya sa mahinang tinig.

"What? I can't understand. Everyone wants to be in the top 5," katwiran ko. Hayan, napapa-english tuloy ako. Kapag ganitong ninenerbyos ako ay talagang kusang lumalabas ang mga English words sa bibig ko.

Matapos kong sabihin iyon ay bigla na lang niya akong kinaladkad. Pakiramdam ko tuloy may sapi ang babaeng ito. Hindi naman siya ganito kahapon ah. Nasa bingit na yata ako ng kamatayan. Okay, OA masyado iyon.

Napansin ko na lang na dinala niya pala ako sa isang bakanteng silid.

Hala! Bakit dito pa? Sigurado akong may binabalak siyang masama. Anong gagawin ko? Arya, mag-isip ka nga.

"Upo," utos niya sa akin na para bang isa siyang boss sa isang kidnapping syndicate.

Naupo na lang ako dahil sa kaba at pangangatog ng mga tuhod ko. Ganitong-ganito ang eksena sa isang hostage-taking eh.

Lord, Ikaw na po ang bahala sa akin.

Umupo rin si Zanaya sa tapat ko at huminga siya nang malalim tapos seryoso ulit ang tingin niya sa akin. Ako naman ay walang magawa kundi pagmasdan ang mga ikinikilos niya. Alam kong weird si Zanaya kahapon pa pero mas weird siya ngayon.

"I was not supposed to be here, in this academy," panimula niya.

Teka nga, akala ko ba hostage-taking ito? Bakit parang mag-i-story telling naman yata siya?

"Nandito ako para magtago."

Nang masabi niya iyon ay biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Sinasabi ko na nga ba eh, isang psychokiller si Zanaya. Pero mababait at respetado ang mga magulang niya, imposible naman yata iyon.

"I'm not a killer, silly."

Mas lalo naman akong kinilabutan nang sabihin niya iyon. Nababasa niya ba ang iniisip ko?

Kung hindi siya killer...

"Nagtatago ka rito dahil may gustong dumukot sayo. Tama ba?" hula ko at may paturo pa ng kamay sa direksyon niya.

Kumunot naman ang noo niya dahil doon.

"Siyempre, maganda ka, matalino at mayaman. Kaya imposible namang walang magka-interes sayo," katwiran ko ulit.

"No, it's not like that. Tumakas kasi ako sa amin."

"Ano?!"

Tumango lamang siya sa akin. Makikita rin ang pag-aalangan sa mga mata niya na para bang nag-aalala siya na baka ikalat ko ang nalaman ko.

Tease Out the TruthWhere stories live. Discover now